PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinkee Pacquiao rejects "next Imelda Marcos" tag if Manny wins

Jinkee Pacquiao: "Tutulungan ko si Manny dahil si Manny has a heart of gold."
by Arniel C. Serato
Published Mar 7, 2022
Jinkee Pacquiao dismisses "Imeldific" tag
Jinkee Pacquiao promises to help husband Manny Pacquiao if he wins the presidency: "Alam naman ng mga tao na meron na akong mga ganun and hindi yun [shoe collection] ang priority ko."
PHOTO/S: Courtesy: @jinkeepacquiao on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Jinkee Pacquiao na susundan niya ang yapak ng dating Unang Ginang Imelda Marcos kapag palaring manalo ang asawang si Manny Pacquaio sa pagkapangulo.

Kilala si Imelda, asawa ng namayapang Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr., sa maluhong pamumuhay at pagkahilig sa mamahaling mga sapatos, alahas, damit, at painting.

Binansagan pa nga ang dating Unang Ginang bilang “Imeldific,” na ang pakahulugan ay labis na pagpapakita ng marangyang pamumuhay.

Ayon pa kay Jinkee, kung sakaling maging First Lady siya, sisikapin niyang tulungan ang asawa upang makapagbigay ng tamang serbisyo sa tao.

Pahayag niya sa The Daily Tribune noong March 4, 2022, “Alam naman ng mga tao na meron na akong mga ganun and hindi yun [shoe collection] ang priority ko [if Manny wins].

“Basta’t tutulungan ko si Manny dahil si Manny has a heart of gold. Busilak ang kanyang puso and walang gagawin si Manny na ikakasama ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa puso nya ang pagtulong.”

Nauna nang iginiit ng senador at presidential aspirant na si Manny noong November 2021 na hinding-hindi magiging katulad ng former First Lady na si Imelda ang asawang si Jinkee.

Saad pa ng senador, magiging kagaya niya si Jinkee na tutuon sa charity works.

Pahayag ng Pambansang Kamao, "Tinitiyak ko 'yan. Kilala ko yung asawa ko, hindi siya ganun.

"Ang gusto ng asawa ko, magserbisyo, tumulong sa mga kababaihan at lalung-lalo na yung mga mahihirap.

"Gusto niya yung pagbibigay ng scholarship, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at yung sustainable livelihood. Gusto niya yung mga charity work.”

Makailang beses nang naging sentro ng puna ng netizens si Jinkee dahil sa kanyang mamahaling mga kasuotan, bags, at alahas na madalas naka-post sa kanyang social media at nakikita sa mga laban ni Pacquiao.

Ang pinakahuli ay noong August 21, 2021, sa laban ni Manny kay Cuban boxer Yordenis Ugas kung saan ang kanyang all-pink OOTD (outfit of the day) ay nagkakahalaga ng PHP2.2 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jinkee Pacquiao promises to help husband Manny Pacquiao if he wins the presidency: "Alam naman ng mga tao na meron na akong mga ganun and hindi yun [shoe collection] ang priority ko."
PHOTO/S: Courtesy: @jinkeepacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results