Jinkee Pacquiao won't be like Imelda Marcos if she becomes First Lady, says Manny

by Arniel C. Serato
Nov 5, 2021
Manny Pacquiao Jinkee Pacquiao 2022 elections
Senator Manny Pacquiao says wife Jinkee Pacquiao will not have a lavish lifestyle as First Lady if he gets elected president in 2022.
PHOTO/S: Jerome Ascano for PEP.ph

Iginiit ng senador at presidential aspirant Manny Pacquiao na hinding-hindi magiging katulad ni former First Lady Imelda Marcos ang asawang si Jinkee Pacquiao sakaling mahalal siyang Pangulo ng bansa.

Ito ang ipinangako ni Pacquiao sa virtual forum na inorganisa ng Rotary Club of Manila kahapon, November 4.

Ayon sa ulat ng reportr.world, sinabi ni Pacquiao na, kagaya niya, nakatuon ang pansin ni Jinkee sa mga charity work.

Pahayag ng Pambansang Kamao, "Tinitiyak ko 'yan. Kilala ko yung asawa ko, hindi siya ganun.

"Ang gusto ng asawa ko, magserbisyo, tumulong sa mga kababaihan at lalung-lalo na yung mga mahihirap.

"Gusto niya yung pagbibigay ng scholarship, pagbibigay ng housing sa mga pamilya at yung sustainable livelihood. Gusto niya yung mga charity work.”

Kilala si Imelda, asawa ng namayapang Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr., sa kanyang maluhong pamumuhay at pagkahilig sa mamahaling mga sapatos, alahas, damit, at painting.

Binansagan pa nga ang dating Unang Ginang bilang “Imeldific,” na ang pakahulugan ay labis na pagpapakita ng marangyang pamumuhay.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na ulat ng GMA News Online, muling tiniyak ni Pacquiao na hindi magiging katulad ni Imelda ang asawa.

Hindi rin daw interesado ang asawa sa pulitika kahit nanungkulan na itong vice governor ng Sarangani province mula 2013 hanggang 2016.

Saad ni Manny, “Ang asawa ko po ay mahiyain at hindi po mahilig sa pulitika.

"Naging vice governor sa Sarangani tapos isang term lang hindi na po tumakbo, kasi kaya lang po naging vice governor yun dahil napilitan lang po siya.

“May problema lang po doon sa mga kasamahan ko, nag-away-away sa position.

"So, ang inilagay ko yung asawa ko in one term, tapos hindi na siya tumakbo dahil hindi siya mahilig sa pulitika.”

Makailang beses nang naging sentro ng puna ng netizens si Jinkee dahil sa kanyang mamahaling mga kasuotan, bags, at alahas na madalas naka-post sa kanyang social media at nakikita sa mga laban ni Pacquiao.

Ang pinakahuli ay noong August 21, 2021, sa laban ni Manny kay Cuban boxer Yordenis Ugas kung saan ang kanyang all-pink OOTD (outfit of the day) ay nagkakahalaga ng PHP2.2 million.

Continue reading below ↓

Makakalaban ni Manny sa presidential elections sa 2022 sina Vice President Leni Robredo, former Senator Bongbong Marcos, Senator Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, at Senator Bato dela Rosa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao says wife Jinkee Pacquiao will not have a lavish lifestyle as First Lady if he gets elected president in 2022.
PHOTO/S: Jerome Ascano for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results