PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shamaine Buencamino on losing daughter to suicide

Shamaine Buencamino: "There's no shame in asking for help."
by Melba R. Llanera
Published Mar 11, 2022
Shamaine Buencamino, Julia Buencamino
Shamaine Buencamino on how she came to terms with daughter Julia's death: "Humingi ako ng tulong, itong pinagdaanan namin, hindi ko ito kinaya mag-isa. Humingi ako ng tulong sa aming spiritual director. Nag-retreat ako, humingi ako ng tulong sa Diyos. Pumunta ako sa grief therapist at sa psychologist."
PHOTO/S: @shamainebuencamino Instagram

TRIGGER WARNING: SUICIDE AND MENTAL HEALTH

Pitong taon na ang nakararaan mula nang pumanaw ang anak ng mag-asawang Shamaine at Nonie Buencamino na si Julia.

Pero hindi nawawala sa puso ni Shamaine ang pangungulila sa anak.

Labinlimang taong gulang si Julia Buencamino nang kitilin nito ang sariling buhay sa tahanan nila sa Quezon City noong 2015.

Si Julia ay cast member noon ng ABS-CBN daytime series na Oh My G! na pinagbidahan nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa.

Pahayag ni Shamaine: "Yung konsepto kasi ng moving on in this kind of situation, it's not like, 'Tapos na, kalimutan na natin, move on na tayo.'

"Sa naranasan namin in coping or moving forward, it's learning how to live with this kind of fact.

"Kumbaga, acceptance. Acceptance, in my case halimbawa, na maya-maya mami-miss ko ang anak ko. Maya-maya malulungkot kami, yung buong pamilya.

"And we accept that. That's part of who we are now, we always have the wound in our hearts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I guess, that's what we call moving on because we are able to do other things as well.

"At the same time, respecting the fact there will always be sadness in our hearts. It's especially strong in anniversaries, on birthdays of family members that we lost."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shamaine sa virtual mediacon ng "Usapang Puso: International Women's Day Special, Break The Bias, Babae Kakaiba Ka Nga Ba?" ng Philippine Heart Association noong March 8, 2022.

Minsan nang ibinahagi ng mister ni Shamaine na si Nonie na malaking dagok sa pamilya nila nang malaman nila ang detalye kung paano inilihim ni Julia ang depression nito noon.

Huli na nang makita nila ang artworks, poetries, at diaries ni Julia kunsaan nakadetalye ang pilit nitong kinubling "deep form of depression."

Shamaine Buencamino, Julia Buencamino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nonie Buencamino opens up about daughter Julia's suicide

Sa present time, sinabi ni Shamaine na malaking tulong sa kanya ang paghingi ng professional help para maintindihan ang nangyari kay Julia.

"Humingi ako ng tulong, itong pinagdaanan namin, hindi ko ito kinaya mag-isa. Humingi ako ng tulong sa aming spiritual director.

"Nag-retreat ako, humingi ako ng tulong sa Diyos. Pumunta ako sa grief therapist at sa psychologist.

"Dinala ko ang pamilya ko for grief therapy kasi hindi madali yung trauma ng suicide."

May payo ring ibinigay si Shamaine sa mga pamilyang dumadaan sa ganitong klase ng pagsubok.

"A lot of time kasi, iniisip natin na, 'Kakayanin ko na ito' or 'I just need to give myself time to breathe.'

"Sometimes that's okay, but sometimes we also have to know how to breathe in a healthy way.

"May ganun kasing konsepto, and the best people to help us are the professionals. Nandiyan ang ating mga doktor, psychiatrist, psychologist, therapist who can help us.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And there's no shame in asking for help."

Sa Instagram ni Shamaine, makikitang aktibo siya sa paglaganap ng mensahe para mawala ang stigma sa suicide, at ipaalala sa mga taong dumadanas ng depression na humingi ng professional help.

Patuloy rin ang pagdalo ni Shamaine sa iba-ibang workshops para sa mental health.

Shamaine Buecamino, Julia Buencamino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mental health watch: What to do when someone shows signs of contemplating suicide

HOT STORIES

HOW IMPORTANT OPEN COMMUNICATION IS IN A FAMILY

Para kay Shamaine, malaking tulong ang bukas na komunikasyon sa isang pamilya para magkaroon ng isang masaya at malusog na puso.

Cliché mang pakinggan sa iba, pero kadalasan ay hindi nagagawa dahil sa kung anumang dahilan.

"I'm proof of that. Pag may tragedy sa ating family, talagang hindi natin maiiwasan na maa-affect tayo physically.

"I didn't know that, but it happened to me. It's very important that we have a very good communication with all our family members, good relationships.

"Kahit ngayon, kapag may hindi kami pagkakaintindihan ng mga anak ko, ang bigat na dalhin sa dibdib.

"Saka di ka masyadong makakatulog, di ka makakain, mabigat yung pakiramdam mo sa lahat ng aspeto ng buhay mo.

"It's really important to have a good relationship with your family members," saad ni Shamaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON TAKING CARE OF ONESELF IN A HOLISTIC WAY

Naniniwala rin si Shamaine na mahalagang alagaan ang sarili para magkaroon ng lakas para magmahal ng mga taong nasa paligid niya.

Inihalintulad ni Shamaine ang self-love sa emergency procedure sa eroplano kunsaan ang pagsuot ng oxygen mask ng isang indibidwal ang kailangan unang gawin.

Paliwanag ni Shamaine: "Kailangang unahin mo ang sarili mo bago yung asawa mo o kapatid mo.

"Para sa mga babae, kahit na inaalagaan natin ang ating pamilya dahil tayo ang ilaw ng tahanan and responsibilidad natin to take care of everything, importante na unahin natin ang sarili natin.

"A lot of times, sa dami ng dapat nating gawin, sa dami ng dapat pagtuunan ng pansin, ihuhuli natin ang mga sarili natin.

"We need to prioritize ourselves and not to feel guilty about it."

Hindi lang para sa mental health, kundi pati na rin sa pisikal ng aspeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May simpleng tips ba siya?

"I guess, for me, to make ourselves heathier, dapat in moderation. Do the things you need to do, go to your doctor, have your check-ups, exercise, eat well.

"Have a good relationship, have a good spiritual life, alam natin iyan. Most of us know that. It's just really giving importance to them and prioritizing them in your life."

Pagkukuwento ni Shamaine, isa sa bonding nila ng asawang si Nonie ay pag-e-exercise para sa kanilang healthy lifestyle.

"Kahapon lang ginawa namin ito, nag-umpisa kami kahapon. Nag-e-exercise kami sa pool together, naglalakad lang ako for my knees and siya nagsu-swim.

"Ang saya pala. Nag-uusap kayo dahil siyempre parehong nakataas ang mga ulo ninyo habang naglalakad. Nagkukuwentuhan kami habang nag-e-exercise.

"Pag naglalakad din sa labas, ayun, you were able to share more."

Si Nonie raw ang nag-eengganyo sa kanyang mag-exercise.

"Yun ang sine-share namin ngayon at saka trying to lose weight. As I've said nga, blessed ako sa asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung asawa ko rin kasi ang nagmi-meal planning sa bahay. Yung gawaing babae, ginagawa na ng asawa ko.

"Binabantayan namin ang pagkain namin, as opposed to parang kung ano lang ang puwedeng kainin, kung anong gustong kainin, kung ano yung masarap.

"Ngayon, medyo iwas sa mga oily food, mas sa fiber, mas sa tubig kaysa sa kung anu-anong matamis o may alcohol na inumin. Yun ang ginagawa namin."

NO WORK FOR TWO MONTHS BECAUSE OF KNEE INJURY

Kung kinakailangang may tanggihang trabaho ay ginagawa raw niya para mapangalagaan ang sarili.

Ayon kay Shamaine, "Yes, actually, kagagaling ko lang sa ganyang sitwasyon. Nung December I have to give focus on my knees.

"Bumigay na yung tuhod na tipong pag napaluhod ako sa eksena, hindi na ako makatayo kasi I had a torn meniscus."

Ang meniscus ay bahagi ng buto sa tuhod na nagsisilbing shock absorber.

Dagdag ni Shamaine, "I had to say no to jobs for two months. Alam ninyo naman na sa showbiz, pag hindi ka nang hindi, medyo hindi ka rin mao-offer-an ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I really have to stop and say, 'No, I have to take care of myself, my knees kasi baka lalong lumala.'

"Nawalan ako ng trabaho dahil dun, pero importante na manatiling buhay para sa ating pamilya at sa apo ko lalo na."

Note: May handang makinig at tumulong sa mga taong dumaranas ng depression. Tumawag sa mga hotlines ng The Hopeline Project sa (02) 804-HOPE (4673), sa 0917 558 HOPE (4673), o sa 2919 (toll-free number sa lahat ng Globe at TM subscribers).

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shamaine Buencamino on how she came to terms with daughter Julia's death: "Humingi ako ng tulong, itong pinagdaanan namin, hindi ko ito kinaya mag-isa. Humingi ako ng tulong sa aming spiritual director. Nag-retreat ako, humingi ako ng tulong sa Diyos. Pumunta ako sa grief therapist at sa psychologist."
PHOTO/S: @shamainebuencamino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results