Nagbahagi si vice presidential aspirant at Senator Kiko Pangilinan sa Twitter kahapon, March 13, 2022, ng dalawang larawan nila ng asawang si Sharon Cuneta na kuha sa isang campaign sortie.
Sa isang larawan, makikitang niyakap ni Sharon si Kiko at hinalikan sa pisngi.
Ang caption ni Senator Pangilinan ay halaw sa linya ng isa sa mga sikat na awitin ni Sharon na "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko."
Post pa niya: “Kailan man, nasaan ma'y ito ang pangarap ko."
Ni-repost ito ng anak na si Frankie Pangilinan sa kanyang Twitter ngayong Lunes, March 14.
Biro ni Frankie, kumuha raw ng kuwarto ang dalawa dahil nasa pampublikong lugar sila habang nagpapakita ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.
Maiksing caption ni Frankie: “Get a room.”
“NASAAN ANG PRINSIPYO?”
Sa kabilang banda, ngayong painit na nang painit ang usapin tungkol sa nalalapit na May 9, 2022 elections, naglabas ng kanyang saloobin si Frankie ukol dito.
Sana raw sa mga susunod na buwan ay matuto tayong mapahalagahan ang demokrasya.
Aniya (published as is), “hopefully these next few months can teach us all a little more about the value of national democracy and public service (which comes in many forms, not just office)”
Dagdag pa Frankie, may mga tao raw na pagkatapos ng eleksyon ay wala nang pakialam sa mga pulitiko.
Saad pa nito: “yung medj halata pagtapos ng eleksyon biglaang mawawalan na din sila ng paki sa politiko lol u do not need to devote all ur time and energy to social work but at least care fr”
Nakakapagod daw na may mga tao talagang sumusuporta lang sa mga gawain o taong may mapapala sila.
Saad niya, “thankful every single day, of course, pero nakakapagod talaga to be around people who support movements only when convenient/beneficial for them. nasaan ang prinsipyo? Hay”
