Nanindigan si Valentine Rosales na totoong nasaksihan niya ang insidenteng may kawatang nangupit ng tumbler sa isang convenience store sa Cubao, Quezon City.
Si Valentine ay nagpakilalang "kakampink" o supporter ni presidential aspirant Leni Robredo.
March 13, 2022 nang i-post ni Valentine sa Facebook ang tungkol sa isang di kilalang customer na nakita niyang nagnakaw umano ng tumbler na may mukha ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr.
Hindi raw nagbayad ang customer para sa special tumbler na may mukha ng presidentiables na ino-offer ng 7/11 stores ngayong election season.
Bumili si Valentine ng tumbler na may mukha ni Robredo, at siya rin daw ang nagbayad ng tumbler ng customer na di nagbayad sa cashier.
Lunes, March 14, nang mag-trend sa Twitter si Valentine.
Inulan ng batikos si Valentine nang sitahin siya ng ilang netizens na nagsabing sarado ang sinasabi niyang branch ng convenience store sa may Ali Mall, Cubao.
VALENTINE'S EXPLANATION
Dinepensahan ni Valentine ang sarili.
Ipinunto niya na ang kanyang tinutukoy na branch ng convenience store ay hindi iyong mismong nasa Ali Mall kundi iyong branch kalapit doon.
"Viral nanaman ako?? Guys Chill lang!" post ni Valentine sa Facebook.
Paliwanag niya, "Meron talaga 7/11 dun sa tabi ng UCPB katapat ng SM Super Market across Sparks Place along side P.Tuazon Cubao."

Sa comments section ng Facebook post ni Valentine, may ilang sumegunda sa kanya tungkol sa sinasabi niyang branch.

Pero may mga hindi kumbinsido sa katuwiran ni Valentine.
Kung babalikan ang original Facebook post ni Valentine noong March 13, "7/11 Ali Mall Cubao Branch" ang sinabi niya.
Pero kinorek niya ang kanyang post at inilagay na "7/11 Near Alimall Cubao Branch sa may UCPB katapat ng SM Super Market."
Kung babalikan naman ang TikTok video ni Valentine noon ding March 13, ang sabi niya tungkol sa pinangyarihan ng insidente, "Dito iyan sa Cubao, e. I cannot name the specific location, basta sa Cubao malapit sa Ali Mall."
Na-screenshot naman ng eagle-eyed netizens ang dalawang bersiyon ng Facebook posts ni Valentine, kaya may mga nagtatanong kung nagsasabi siya ng totoo.

XIAN GAZA'S ACCUSATION VS VALENTINE ROSALES
Isa sa mga bumabatikos kay Valentine ay si Xian Gaza, ang social media personality at self-proclaimed scammer, na noong 2018 ay nahatulan ng higit limang taong pagkabilanggo dahil sa paglabag sa Bouncing Check Law.
Si Xian ay ilang beses na nakukuwestiyon ang kredibilidad dahil sa pagpapakalat ng unverified information.
Sa Facebook posts ni Xian kahapon, March 14, sinabi niyang si Valentine ay hindi lehitimong "kakampink" dahil "UNDER SIYA NG KALABAN."
Inakusahan ni Xian si Valentine na nagpakalat umano ng gawa-gawang kuwento bilang bahagi ng "black propaganda" para mabahiran ng negatibong imahe ang kampanya ni presidential aspirant Leni Robredo.
Sabay nagpatutsada si Xian na baka raw pati sa Christine Dacera case ay "nag-imbento" si Valentine ng "kuwento sa media at pulisya."
Hindi inatrasan ni Valentine si Xian.
Buwelta ni Valentine kay Xian (published as is): "Nahiya naman ako sayo, Ikaw nga nabuhay ka sa puro kasinungalingan almusal mo gumawa ng issue sa mga tao panay imbento ka ka-lalaki mong tao Marites ka, At least ako aminadong bakla ikaw in denial kang tilapia."

Sabay nagpatutsada si Valentine: "Si Christian Gaza yung Chaka sa Room 2207."

WHAT JP DELA SERNA AND ROMMEL GALIDO SAID
Ang pagkadawit sa Christine Dacera case ang tila naging mitsa ng pagkadismaya ng dalawang kaibigan ni Valentine na sina JP dela Serna at Rommel Galido kay Valentine.
Sina Valentine, JP, at Rommel ay kapwa respondents sa patung-patong na reklamong isinampa ng pamilya ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera.
Kinondena ni JP na pati ang seryosong legal battle kaugnay ng Dacera case ay ginamit pa raw ni Valentine sa kinasasangkutan nitong kontrobersiya ngayon.
Sinabihan ni JP si Valentine na huwag nang idamay ang Dacera case kung okay lang ditong pinag-uusapan siya sa social media dahil sa hindi magandang isyu.
Sana raw ay respetuhin ni Valentine ang pumanaw na si Christine, pati na rin ang nananahimik na mga personalidad na sangkot sa legal complaints kaugnay ng pagkamatay ng dalaga.
Si Rommel ay nagpahiwatig namang hindi siya naniniwala sa tumbler theft incident story ni Valentine.
Noong February 2022, naiulat na inabsuwelto ng piskalya ang lahat ng natitirang legal complaints na kinaharap ng 11 respondents sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Christine.
April 2021 ay nauna nang lumabas ang resolusyon ng piskalya na walang foul play sa insidente, at lumabas sa autopsy ng pulisya na natural death ang ikinamatay ng dalaga.
VALENTINE ON HANDLING BASHERS
Pasado alos dos ng umaga ng Martes, March 15, 2022, naglabas naman ng pahayag si Valentine para sa mga kumuwestiyon sa kredibilidad niya at sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya.
Hindi na raw niya nararamdaman ang lungkot dahil marami na siyang pinagdaanang mas matinding pagsubok kaysa sa bashing.
Sabi niya, "You can no longer lose if you already lost everything.
"People may say I’m asking for pity or attention and if that’s what they think I don’t even care anymore.
"Both parents gone, lost a job, lost friends, I no longer have a reputation. I don’t think there’s anything left for me to lose.
"I know that these are all consequences of the actions I’ve done but please do remember that we are all Humans we make mistakes and without mistakes we can never learn.
"In life we just need to move forward and try to keep a straight face because those challenges will make us stronger."

