Nakatanggap ng mensahe ng simpatiya ang sexy actress na si Ana Jalandoni mula kay Erickson Raymundo, ang manager ng kanyang boyfriend na si Kit Thompson.
Sa kanyang Instagram Stories Linggo ng gabi, March 20, 2022, ibinahagi ni Ana ang larawan ng bouquet of roses na kanyang natanggap mula kay Erickson at sa Cornerstone Management.
May kalakip itong sulat mula kay Erickson.
Nakasaad dito: “Dear Ana,
“Please know that you are in our prayers and we fervently hope for your speedy recovery.
“See you when you feel better and let us know if you need anything from us. God bless.
“Love, Erickson Raymundo and your Cornerstone Family.”

ANA JALANDONI-KIT THOMPSON ISSUE
Si Ana ay biktima umano ng pisikal na pananakit ni Kit, na talent ng Cornerstone Management ni Raymundo.
Sa eksklusibong ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 18, napag-alamang iniimbestigahan ng Women’s Desk ng Tagaytay City Police ang kaso nina Kit at Ana.
Ayon sa isang police officer ng Tagaytay City Police, nakatanggap sila ng tawag sa 911 tungkol sa isang babaeng sugatan at humihingi ng tulong, pero hindi sila nagbigay ng detalye dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Sa kanilang pagresponde, napag-alamang si Ana ang biktima sa insidenteng nangyari sa Amega Hotel sa Km. 54, Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.
Isinugod si Ana sa Tagaytay Medical Center para gamutin, samantalang dinala si Thompson sa Tagaytay Police Station para imbestigahan.
Bago ito, humingi ng tulong si Ana sa mga kaibigan sabay padala ng kanyang mga litratong nagpapatunay na sinaktan siya dahil sa mga sugat sa mukha niya.
Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
Kinahapunan, naglabas ng opisyal na pahayag ang Cornerstone Management kaugnay ng kinasasangkutang kontrobersiya ng Kapamilya actor.
Ayon sa Cornerstone, hindi pa sila maaaring magbigay ng komento ukol sa insidente dahil wala pa silang pormal na report na natatanggap tungkol dito.
Pero hinikayat nila ang publiko na maging maingat sa kanilang pananaw ukol sa insidenteng mabilis na kumalat online.
Buong pahayag ng Cornerstone na inilabas nila sa media:
“We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite.
“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter.
“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online.”
READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident
"DOES NOT CONDONE"
Kinagabihan, nang nagkaroon na ng kaunting linaw ang pangyayari, naglabas muli ng bagong pahayag ang Cornerstone ukol sa kaso ng kanilang talent.
Ayon sa pahayag, hindi nila pinapayagan ang anumang bayolenteng gawain lalo na kung ito ay pagyurak sa dignidad ng kababaihan.
Saad sa pahayag: “The Cornerstone Management does not condone any act of violence and profoundly value the dignity of women.”
Nilinaw rin ng Cornerstone na ang nauna nilang statement ay inilabas nang wala silang alam na detalye sa kinasasangkutang isyu ni Kit.
Anila, “We take this opportunity to clarify that our earlier statement was issued with no knowledge of any specific details as we were in receipt only of general allegations.
“Neither were we privy to any photos of the incident.”
Hahayan na lamang daw nilang umusad ang batas at manaig ang hustisya.
Pagtatapos ng kanilang carefully-worded statement: “In this delicate situation, we subscribe to the sound discretion of law enforcement and allow the wheels of justice to take its course.”
Bago pa lumabas ang statement, na-inquest na si Kit ng husgado. Si Ana naman ay nagpapagaling pa sa ospital sa Tagaytay.
READ: Kit Thompson's management releases new statement on actor's alleged assault
ANA'S CRYPTIC POST
Noon ding Marso 18, naglabas si Ana ng isang maiksing cryptic post kung saan malinaw na si Kit ang kanyang tinutukoy.
Sinabi nitong kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo ito kayang saktan. Pero kung nagawa mo ito, ibig sabihin lamang nito ay hindi mo ito minahal.
Aniya, “When you love someone you will never ever harm them. Minahal mo ba talaga?”
Hinikayat niya rin ang lahat na mag-ingat sa kanilang mga karelasyon upang huwag matulad sa nangyari sa kanya.
Nagpasalamat din ang sexy star sa lahat ng nagpaabot ng mensahe at suporta, pero humingi siya ng dispensa dahil hindi na niya ito masagot isa-isa.
Maglalabas daw siya ng mas mahabang statement kaugnay ng nangyari.
Buong pahayag niya: “This is me saying, you all should be careful out there. I can't reply to all of you right now but thank you for checking up on me.
“I will release a statement soon.”
READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sa parehong kampo para sa mga dagdag na impormasyon ukol sa kontrobersiyang ito.
