Naglabas ng opisyal na pahayag ang Cornerstone Management, ang talent agency na nagha-handle ng career ni Kit Thompson, kaugnay ng kinasasangkutang kontrobersiya ng Kapamilya actor.
Nasa gitna ng kontrobersiya ngayon si Kit dahil sa diumano’y pananakit nito sa girlfriend na si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay City.
Ayon sa Cornerstone, hindi pa sila maaaring magbigay ng komento ukol sa insidente dahil wala pa silang pormal na report na natatanggap tungkol dito.
Pero hinikayat nila ang publiko na maging maingat sa kanilang pananaw ukol sa insidenteng mabilis na kumalat online ngayong Biyernes, March 18, 2022.
Buong pahayag ng Cornerstone na inilabas nila sa media:
“We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite.
“As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter.
“However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online.”
Sa eksklusibong ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, March 18, napag-alamang iniimbestigahan ng Women’s Desk ng Tagaytay City Police ang tungkol sa kaso nina Kit at ni Ana.
READ: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after allegedly injured by boyfriend Kit Thompson
Ayon sa isang police officer ng Tagaytay City Police, nakatanggap sila ng tawag sa 911 tungkol sa isang babaeng sugatan at humihingi ng tulong, pero hindi pa sila makakapagbigay ng detalye dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Sa kanilang pag-responde, napag-alamang si Ana ang biktima sa insidenteng nangyari sa Amega Hotel sa Km. 54, Emilio Aguinaldo Highway, Silang Junction South, Tagaytay City.
Isinugod si Ana sa Tagaytay Medical Center para gamutin, samantalang dinala si Thompson sa Tagaytay Police Station para imbestigahan.
Bago pa nito, humingi pa ng tulong si Ana sa mga kaibigan sabay padala ng kanyang mga litratong nagpapatunay na sinaktan siya dahil sa mga sugat sa mukha niya.
Lagpas tatlong buwan pa lamang ang relasyon ng dalawa.
Editor's Note: Base sa ulat ni Tagaytay PNP Chief Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. nitong Biyernes, Marso 18, 2022. Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Violence Against Women Act.
READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police
READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson
READ: Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries
READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident
READ: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
READ: Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni