PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens on Jonvic Remulla crowd estimate Marcos rally in Cavite

Jonvic on brother Boying: "He's not the expert in crowd estimates."
by Mark Angelo Ching
Published Mar 23, 2022
Jonvic Remulla, Boying Remulla
Netizens compare Governor Jonvic Remulla's (left) crowd estimate for Marcos-Duterte rally in Cavite to Representative Boying Remulla's (right) earlier statement that General Trials Sports Park cannot be occupied by 47,000 people.
PHOTO/S: Jonvic Remulla / Boying Remulla Facebook

Naganap ang malaking rally sa General Trias Sports Complex kung saan maraming mga botanteng mula sa iba’t ibang bahagi ng Cavite ang dumalo para makita si Ferdinand Marcos Jr., na kumakandidato sa pagkapangulo.

Habang nagaganap ang rally ay binanggit mismo ng gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla na 140,000 katao ang dumalo.

"We have a 100,000 here and another 40,000 outside," deklara niya.

Ngunit hindi ito tugma sa 80,000 katao lamang na estimate ng Philippine National Police (PNP).

Tumaas din ang kilay ng maraming netizens sa bilang na ito.

Nauna na kasing sinabi ng kapatid ng gobernador na si Boying Remulla, na congressman ng 7th District ng Cavite, na imposibleng magkaroon ng napakalaking bilang ng tao sa Sports Complex na iyon.

"Kabisado ko ang lugar, hindi kakasya ang 47,000 people dun," saad ni Congressman Remulla noong March 7.

Bukod pa riyan ay maraming naglabasang mga litrato mula sa UniTeam rally na tila kumokontra sa 80,000 na bilang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jonvic Remulla, Boying Remulla, Marcos rally

Jonvic Remulla, Boying Remulla, Marcos rally

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Jonvic Remulla, Boying Remulla, Marcos rally

Jonvic Remulla, Boying Remulla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE 800K CHALLENGE

"Cavite had something to prove."

Ito ang sagot ni Governor Remulla nang tanungin siya ng media kung bakit siya nag-organize ng malaking rally para kay Marcos sa Cavite.

Nagsimula ito noong February 11, kung saan pormal nang inendorso ni Governor Remulla ang dating senador. Ipinangako niya ang suporta ng mga taga-Cavite kay Marcos Jr.

"Pinapangako na namin ang 800,000 plus votes dito sa Cavite para sa inyo," ang saad ni Governor Remulla.

Maraming mga taga-Cavite ang nagalit sa pahayag na ito ng kanilang gobernador, dahil marami umano sa kanila ang hindi sumusuporta sa anak ng diktador.

Kaya’t noong nag-organize ng grand rally sa Cavite ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ay tinagurian nila itong "800K Minus One."

Patutsada nila ito na ang ibig sabihin, 800K na boto ay para umano kay Robredo, liban sa isa na si Governor Remulla mismo.

Si Robredo ang mahigpit na katunggali ni Marcos Jr. sa presidential race. Noong March 4 nangyari ang 800K Minus One campaign rally, at sa General Trias Sports Complex din ito ginanap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May 47,000 na katao ang sinasabing dumalo sa event na ito. Ang nasabing 47,000 na numero ang pinasinungalingan ni Congressman Boying Remulla.

JONVIC SAYS BRO BOYING "NOT THE EXPERT IN CROWD ESTIMATES"

Kagabi, March 22, tinanong ng media kay Governor Remulla ang reaksiyon nito sa sinabi ng kanyang kapatid. Paano nga ba magkakasya ang 140,000 sa Sports Complex?

"He’s not the expert in crowd estimates," sagot ni Governor Remulla.

Samantala, maraming netizens ang nagkumpara sa mga larawang kuha mula sa 800K Minus One rally at sa UniTeam rally.

Ayon sa kanila, halatang mas marami ang bilang ng tao sa naunang rally kaysa sa pangalawang rally, kaya’t hindi sila naniniwala sa 140,000 o 80,000 na bilang na mga dumalo rito.

Read more election stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens compare Governor Jonvic Remulla's (left) crowd estimate for Marcos-Duterte rally in Cavite to Representative Boying Remulla's (right) earlier statement that General Trials Sports Park cannot be occupied by 47,000 people.
PHOTO/S: Jonvic Remulla / Boying Remulla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results