Trending sa social media ang pagkukumpara kina Donny Pangilinan at Sandro Marcos ng supporters ng tambalang Leni Robredo-Kiko Pangilinan versus Ferdinand Marcos Jr.-Sara Duterte.
Si Donny, 24, ay pamangkin at inaanak ni Pangilinan. Dumalo si Donny sa campaign rally nina Robredo at Pangilinan sa Pasig City noong Linggo, Marso 20, 2022.
Si Sandro, 28, ay panganay na anak ni Marcos Jr. at kumakandidatong kongresista sa Ilocos Norte first district. Madalas siyang tumulong sa campaign sorties para sa kanyang ama.
Si Donny ay kilalang young actor sa Kapamilya Channel, habang si Sandro ay hinahangaan naman ng solid supporters ng kanyang ama.
Lumalabas na pati ang dalawang binata ay napagtatapat dahil sa mas maigting na pangangampanya ng mga pulitiko ngayong papalapit na ang May 9, 2022 national election
Parehong inaabangan sina Donny at Sandro sa sorties ng kani-kanilang partido.
Ipinagmalaki ng pro-Marcos Jr. supporters na mas "heartthrob material" daw si Sandro dahil sa academic credential nito.
Anila, si Sandro ay nakapagtapos ng Master's Degree in Development Studies sa London School of Economics and Political Science.
Pinagsasabay naman ni Donny ang pag-aaral ng Multimedia Studies sa University of the Philippines Open University habang gumagawa ng pangalan bilang aktor sa mundo ng showbiz.


Tingin din ng pro-Marcos Jr. supporters ay mas kahanga-hanga ang tinatahak na karera ni Sandro na maging "public servant."

Sabi pa ng pro-Marcos Jr. supporter, "Ang tanong may ambag ba si donny sa bansa? Si sandro, public servant, tumutulong sa tao.
"Eh si donny? Tumutulong ba? Wag pairalin ang kalandian."

Depensa naman ng supporters ni Robredo, "bulag sa katotohanan" ang mga pumili kay Sandro.
Bukod sa tingin nila ay "super cute" si Donny, kahanga-hanga raw ito dahil "marunong pumili ng presidente."


Ipinunto rin ng pro-Robredo supporters na hindi maituturing na magkaliga sina Donny at Sandro dahil si Sandro ay kumakandidatong kongresista at si Donny ay artista na iniendorso ang napusuan nitong kandidato.
Katuwiran ng isa: "Another thing. Donny was there sa rally as a supporter of Leni-Kiko tandem. He is not running for office so bakit BIG DEAL sa mga bbms?
"Ang galing nila sa credentials ni Sandro, pero sa ibobotong pangulo, waley sila masabi? What kind of clownery is this?"



Sabi pa ng isang pro-Robredo supporter, "Kaya nila mag background check kay Donny Pangilinan at kay Sandro Marcos pero di nila kaya gawin kay Bongbong???? HELLO?"
Ang tinutukoy nila ay ang isyu tungkol sa academic credentials ni Marcos Jr., kunsaan nakasaad sa kanyang resume sa Senate website na nagtapos siya ng Bachelor of Arts Degree in Political Science sa University of Oxford.
Pero noong October 2021, nilinaw ng Oxford Philippine Society, isang grupo ng students at alumni ng University of Oxford, na si Marcos Jr. ay ginawaran lamang ng Special Diploma sa Social Studies at hindi raw iyon equivalent sa isang degree.

Sa huli, idiniin ng ibang netizens na baka mas akmang pagtapatin ay iyong mga anak na lang ng presidential candidates.

O pagkumparahin na lamang iyong mismong kumakandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa dahil sila ang importanteng makilatis nang husto ng tao.


READ MORE ELECTION STORIES:
- JP dela Serna, Rommel Galido call out Valentine Rosales for fabricating a story for clout: "Cheap mo girl..."
- Valentine Rosales insists tumbler incident to be real; addresses bashers
- Empleyado ng convenience store na binanggit ni Valentine Rosales, walang alam sa tumbler incident
- Valentine Rosales issues public apology after viral "story time" post
