PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juliana Parizcova Segovia old conversation about P300K debt

Juliana Parizcova Segovia slams critics for exposing P300K debt convo.
by Arniel C. Serato
Published Mar 25, 2022
Juliana Parizcova Segovia slams critics for exposing P300K debt convo
Juliana Parizcova Segovia: "Kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono; at ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nagpost laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina; para lamang makaganti."
PHOTO/S: Courtesy: Juliana Parizcova Segovia on Facebook

Hindi ikinatuwa ni Miss Q&A 2018 winner Juliana Parizcova Segovia ang paglitaw online ng lumang Facebook messenger conversation niya sa isang kakilala tungkol sa kanyang P300,000 na utang.

Ang labis na ikinainis ng komedyante ay ang pagsasapubliko ng pangalan ng kanyang ina pati na ang cellphone number nito.

Hindi man niya direktang sinabi, ipinahiwatig ni Juliana na ang pagkalat ng naturang lumang convo ay may kinalaman sa pulitika.

Si Juliana ay hayagang sumusuporta sa kandidatura nina presidential aspirant at Senator Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte.

Tampok si Juliana sa parody ng election campaign na tinampukan ni Angelica Panganiban.

Kasama rin siya sa "Kape Chronicles" ni Darryl Yap na pinagbidahan ng isang puppet na pinangalanang Lenlen Rose, na malinaw na pag-atake sa mahigpit na katunggali ni Marcos na si Vice President Leni Robredo.

Kaugnay ng pagkalat ng lumang convo tungkol sa kanyang utang, naglabas ng official statement si Juliana sa Facebook account niya kagabi, March 24, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng komedyante, “Magandang Gabi po sa inyong lahat, bagamat ang inyong lingkod po ay hindi na naaapektuhan ng kaliwa’t kanang pang-aalipusta mula nang ako ay nagpahayag ng pagsuporta sa #Uniteam at lumabas sa mga Viral Videos ng #Vincentiments;

“Ako po ay nagpasyang huwag palampasin ang isyung ito dahil sa mga teknikalidad na bumabalot at nakakabit sa post na walang ibang layon kundi ang ako ay ipahiya.”

Ayon pa kay Juliana, lahat naman ay apektado noong kasagsagan ng pandemya lalo na pagdating sa pinansiyal na usapin. Pero hindi raw niya ikinahihiyang siya ay nagkautang-utang na umabot sa P300K.

“Hindi ko po ikinahihiya na simula noong pandemic, ang akin pong pamilya ay nabaon sa utang dahil sa kawalan ng pinagkukuhanan ng panggastos bunga ng kawalan ng trabaho; kasabay po nito ay hindi ko rin masingil ang mga taong nagkakautang din sa akin dahil pare-parehas po tayo ng pinagdadaanan

“Ikinahihiya ko po ba ang yugto ng buhay kong ito? Hindi po. Alam kong halos lahat, kundi man lahat ay tunay na pinadapa ng pandemya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“AKO PO AY NAGTATRABAHO”

Itinanggi rin ni Juliana na hindi ang pagsuporta niya sa kandidatura nina Marcos at Duterte, sa pamamagitan ng paglabas sa videos na umaatake sa ibang kandidato, ang dahilan kung bakit siya nakapagbayad sa ilan niyang pinagkakautangan.

Saad ni Juliana (published as is): "Ikinararangal ko pong hindi ang pagsama ko sa Uniteam ang dahilan kaya ako nakapagbayad sa iilan, hindi ko rin idedeny at alam ito ng Viva, na ang sweldo ko po sa mga pelikula ya derechong nakabawas sa lahat ng mga ito."

Himutok niya, “Gayunpaman, kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono; at ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nagpost laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina; para lamang makaganti, dahil hindi kayang tapatan ng content ang content ng kaibigang minsang naging mabuting tao sa kanila at nagkataon lamang na magkaiba ang pulitikal na desisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako po ay Nagtatrabaho, ako po ay Pilipino, may Kalayaan at Karapatan at hindi kayang sirain ng mga hakbang ng mga taong matagal nang sinira ang kanilang saarili, sa ngalan ng inggit, galit at kawalan ng batong maipukol sa gusto nilang masaktan.

“Magandang Gabi po muling, lalo na sa mga makakaharap ko sa darating na mga araw.

“Salamat."

Nilinaw rin ni Juliana na ang kumakalat na screenshot ng convo niya sa isang kakilala ay noon pang 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay bumubuhos na ang tulong mula sa netizens, karamihan ay mga tagasuporta ng Uniteam, para kay Juliana.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juliana Parizcova Segovia: "Kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono; at ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nagpost laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina; para lamang makaganti."
PHOTO/S: Courtesy: Juliana Parizcova Segovia on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results