PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol answers "bobita" and "n*l*spag" hate comments

Herlene Budol addresses nasty comment about her and Willie Revillame.
by Bernie V. Franco
Published Mar 28, 2022
Herlene Budol Hipon
Herlene Budol or Hipon Girl cries foul over malicious comments about her and Willie Revillame: “Napakasama niyo naman. ‘Wag naman ganoon. Tumutulong na nga sa kapwa-tao, e."
PHOTO/S: YouTube (Herlene Hipon)

Naging prangka si Herlene Budol, o mas kilala sa tawag na Hipon Girl, tungkol sa nasty at hate comments na ipinupukol sa kanya ng bashers.

Nag-react ang TV personality sa pagtawag sa kanyang “bobita” at sinagot ang malisyosong paratang na “n*l*spag ni Kuya Wil” kaya raw natanggal siya noon sa Wowowin, ang game show ni Willie Revillame.

Nadiskubre ni Willie si Hipon nang sumali ito sa Wowowin bilang contestant.

Kinuha siya ni Willie bilang co-host dahil kinagiliwan ng audience ang kanyang pagiging kuwela.

Sa kanyang YouTube video nitong March 23, 2022, kasama si Angelica Yap alyas Pastillas Girl, sinagot ni Hipon ang nasty comments ng netizens.

Unang sinagot ni Herlene ang komentong “Maganda ka sana kaya lang bobita ka.”

“True!” pabirong sagot ni Herlene.

Pero sa mahinahong tono, sinabi ni Herlene na hindi siya nao-offend sa komentong bobo siya.

“Lahat naman ng bagay napag-aaralan. So, gusto ko na lang na tawagin akong bobo kasi, siyempre, pag bobo ka, willing kang matuto sa lahat ng bagay na gusto mong pag-aralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Level 1 pa lang ako. So, ang dami ko pang hindi alam.”

Pahabol niyang biro, “Pero sa ganda, salamat. Ikaw ang bukod-tanging nagsabi niyan. Tsaka tatay ko.”

HERLENE DEFENDS WILLIE FROM NASTY COMMENT

Sinunod na sinagot ni Herlene ang komentong, “Siguro kaya tinanggal ka sa Wowowin dahil n*l*spag ka na ni Kuya Wil.”

Sagot niya, “Grabe naman. Napakasama naman ng mga ugali niyo. Nalaspag, hindi naman.”

Herlene Budol Hipon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sumunod na sagot ni Herlene, halatang may nais siyang linawin ukol sa isyung pagdidikit ng pangalan niya kay Willie.

“Ayun yung gusto kong linawin din. Sabi kasi nila, lahat daw ng pumapasok kay Kuya Wil, t*n*tira ni Kuya.

“Lilinawin ko, napakabait ni Kuya Wil.

“Nung nakaraan, di ba, February 11 [2022] andun ako,” pagtukoy ni Herlene sa last episode ng Wowowin sa GMA-7.

Giit ni Herlene, mali ang ibinibintang sa veteran TV host.

“Napakasama niyo naman. Huag naman ganoon. Tumutulong na nga sa kapwa tao, e,” pagtatanggol niya kay Willie.

Tinatanaw rin niyang malaking utang na loob ang pagkaka-discover sa kanya ni Willie.

“Isa ako sa mga ano nun… binuild niya ko, di ba?

“Kung walang Kuya Will, walang Hipon sa inyong harapan, kaya ‘wag kayong magsasabi ng hindi niyo pa alam ang buong istorya.”

Iginiit ni Hipon, “very professional” si Willie bilang host.

“Doon ako natuto kung paano ako makikapwa-tao. Halos kalahati ng utak ko siya yung nag-ambag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“’Tsaka di naman ako ganoon klaseng babae,” paglilinaw ni Herlene.

Mataas daw ang tingin niya kay Willie.

“Talagang love ko siya as a tatay. Kumbaga, tatay ko siya sa showbiz, e.

“Sobrang laki ng utang na loob ko doon.”

ASPRING BEAUTY QUEEN

Halatang naging mababa ang energy ni Herlene nang tanungin siya ukol sa kanyang pangarap pasukin ang pageantry.

Inamin ni Herlene sa isang previous interview na nagti-train siya sa kilalang pageant camp na Kagandang Flores para i-build ang kumpiyansa sa sarili at pasukin ang pageantry.

Ang huling nasty comment na ibinato kay Herlene: “Wala kang pag-asang maging beauty queen. Huwag kang ambisyosa.”

Ibinahagi ni Herlene na may isa siyang schoolmate na nag-post at tinag siya. Komento raw nito, ibigay na lang ang ibang opportunity sa ibang tao.

Ayon kay Herlene, napakalaki ng naging impact ng negative comment na ito sa kanya.

Saad niya, “Hindi daw nila nakikita sa akin yung pagiging [beauty queen].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Komento nila sa akin iyan. Akin lang, napanghinaan ako ng loob din.

“Sabi ng tatay ko, ‘Huwag mong iangat yung sarili mo. Dapat ibang tao ang mag-agat sa iyo.’

“So, kung yun pala ang nakikita ng ibang tao, ganoon pala ako. Bobo pala talaga ako. Wala pala talaga akong ambag.

“Kaya sinasabi ko na, ‘Malay niyo, balang araw, matuto ako. Mapag-aaralan naman lahat.’ Try lang nang try until you succeed.”

Sa kabila nito, sinabi ni Herlene na ipagpapatuloy niya ito dahil may mga naniniwala rin sa kanya.

Sumali noon si Herlene sa Bb. Angono ng Sining 2017 at siya ang nanalo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol or Hipon Girl cries foul over malicious comments about her and Willie Revillame: “Napakasama niyo naman. ‘Wag naman ganoon. Tumutulong na nga sa kapwa-tao, e."
PHOTO/S: YouTube (Herlene Hipon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results