Albie Casiño recalls how he moved on after breakup with Andi Eigenmann, Dawn Jimenez

by Melba R. Llanera
Apr 1, 2022
Albie Casino, Andi Eigenmann, Dawn Jimenez
Albie Casiño (center) on ex-girlfriend Andi Eigenmann (left): "Paano, ginulpi na ako, puso ko pa rin ang masakit? Siyempre, hindi 'no. That is a totally different situation from regular breakup ng kayo ng ex mo or something." He adds that it took longer for him to move on with ex-girlfriend Dawn Jimenez (right).
PHOTO/S: @andieigengirl / @thestallion09 / @dawnjimenezb Instagram

Muling natanong si Albie Casiño tungkol sa masalimuot na pinagdaanan ng relasyon nila ng ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kaugnay ito ng tema ng daily series ng Kapamilya network at ng YouTube, ang How To Move On In 30 Days, kunsaan isa si Albie sa cast member.

Sa media conference ng serye noong Miyerkules, March 30, 2022, ipinunto ni Albie na hindi lang basta 30 days ang proseso ng moving on sa sitwasyon niya noon.

Lumikha ng kontrobersiya ang breakup nila ni Andi nang ituro siyang ama ng dinadalang anak ng aktres noon.

"Hindii mo talaga masasabi na parang breakup lang yun. It's more of eskandalo, di lang breakup lang yun.

"Ibang-iba yung process nun kung paano ka mag-move on sa relationship 'cause I figure out, how am I gonna move on with my life after that?

"I can't compare that to this series, if that's the question," paliwanag ni Albie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas nangibabaw raw kay Albie ang pang-iipit at paggulpi sa kanya noon.

Patuloy niya, "Nung time na yun, first relationship ko yun, so wala pa talaga akong alam. I really didn't know what's going on.

"Nung time na yun, wala akong time para masaktan ang puso ko because there's so many things going on with the news.

"It has taken away my attention from the heartache kumbaga, kaya hindi ko medyo naramdaman talaga yung sakit sa puso.

"Paano, ginulpi na ako, puso ko pa rin ang masakit? Siyempre, hindi 'no.

"That is a totally different situation from regular breakup ng kayo ng ex mo or something.

"Hindi ko talaga siya nako-compare even to my other relationships."

Read: A PEP LOOKBACK. Andi Eigenmann, Albie Casiño, Jake Ejercito: A five-year secret finally revealed?

BREAKUP WITH DAWN

Inamin din ni Albie na ex-girlfriend niya si Dawn Jimenez, at mas dinamdam niya ang breakup nila noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After si Andi, I even dated si Dawn Violago, she's an artista.

"Her name is Dawn Jimenez, that's her stage name. She's on On The Job with Gerald Anderson.

"We broke up. Dun medyo nadurog din ako dun. That took me a lot to get over.

"Pero yung kay Andi, I was basically over that the next day 'cause there were so many things going on. Parang I can't concentrate on a broken heart na.

"It's all over the news, nabugbog pa ako... ang dami talagang ibang nangyari."

Ang huling relasyon ni Albie ay noon pang 2019.

At kahit halos tatlong taon na ang nakakalipas, hindi pa rin siya handa sa panibagong pakikipagrelasyon.

"Hindi ko alam kung totally naka-move on na ako kasi hindi pa ako ready magka-girlfriend uli.

"She's a beauty queen now, doing the Miss Intercontinental. Ako, matagal akong mag-move on so imposible sa akin ang thirty days."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEARNING FROM HIS PAST RELATIONSHIPS

Sa kabila ng mga mapapait na karanasan niya sa pakikipagrelasyon, sinabi ni Albie na itinuturing niyang mahalagang parte ng kanyang buhay ang mga naging nobya.

"Never ko naman sigurong iwi-wish na makakalimot ako ng tao. Everyone who has been part of my life, nakadagdag sila sa experiences ko sa buhay, nakatulong sila, they were able to teach me things.

"I will always be forever grateful to everyone that has been part of my life.

"Of course, nagkakaroon ako ng time na sana makalimutan ko na ito, na sana maka-move on na ako in 30 days.

"Especially the first day after the breakup. Nakahiga ka lang sa kama, nagpe-play ka lang ng mga songs.

"Ang sakit, hindi mo malaman kung paano mo itutuloy ang buhay mo, parang katapusan na ng buhay mo.

"Eventually, day by day, things get better. I never want to totally forget anyone who has been part of my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I didn't regret anything like that 'cause I don't regret who I am."

Dagdag pa ni Albie, "Ako, suwerte ko sa aspect na iyan. Palagi akong bina-block ng ex ko. Wala akong choice.

"Ako, gym talaga ang outlet ko."

Tinanong din ang aktor kung kailan niya nasasabi sa sariling naka-move on na talaga siya.

"Ako, hirap talaga ako mag-move on. Masasabi kong naka-move on na ako pag may naipakilala na ako kay Mama.

"Dun ko malalaman na, 'Okay na ako, nakapag-move on na ako. May naipakilala na ako kay Mama.'

"Dun ko nalalaman na ready na ako for a relationship."

Ang How To Move On In 30 Days ay pinagbibidahan nina Maris Racal, Albie Casiño, at Carlo Aquino.

Ito ang kauna-unahang YouTube exclusive daily series ng ABS-CBN, na mapapanood din sa Kapamilya Channel simula sa April 4, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño (center) on ex-girlfriend Andi Eigenmann (left): "Paano, ginulpi na ako, puso ko pa rin ang masakit? Siyempre, hindi 'no. That is a totally different situation from regular breakup ng kayo ng ex mo or something." He adds that it took longer for him to move on with ex-girlfriend Dawn Jimenez (right).
PHOTO/S: @andieigengirl / @thestallion09 / @dawnjimenezb Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results