A PEP LOOKBACK. Andi Eigenmann, Albie Casiño, Jake Ejercito: A five-year secret finally revealed?

by Erwin Santiago
Sep 24, 2016
After five years of this guessing game, the identity of the father of Andi Eigenmann's daughter remains unclear. Andi's half-sister Max Eigenmann says conclusively, however, that it's Jake Ejercito (left), not Albie Casiño (right).

Limang taon naging palaisipan para sa marami kung sino ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Mukhang sa wakas ay nabigyan ito ng kasagutan dahil sa pag-amin ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann kung sino ang ama ng kanyang pamangkin.

Ito raw ay walang iba kundi si Jake Ejercito, ang pinakamatagal na lalaking naugnay kay Andi.

Mula sa pag-amin ng ina ni Andi, si Jaclyn Jose, na buntis ang kanyang anak, sa pagbanggit ni Andi ng pangalan ni Albie Casino na siya raw ama ng kanyang dinadala, sa on-off relationship nina Andi at Jake, hanggang sa pagkakasundo nina Andi at Albie, nasubaybayan ito ng publiko sa pamamagitan ng mga artikulong nailathala rito sa PEP.

Ngayong may panibagong ulat na si Jake na nga raw ang ama ng anak ni Andi, balikan natin ang ilang mahahalagang kaganapan tungkol sa isyung ito.

ANDI’S PREGNANCY. Noong June 2011 ay umugong ang usap-usapang buntis diumano si Andi Eigenmann, na noon ay 20 taong gulang lamang at kalulunsad bilang lead star sa Kapamilya primetime series na Agua Bendita (2010).

Continue reading below ↓

Read: Is Andi Eigenmann pregnant?

Dalawang araw pagkatapos lumabas ang report tungkol dito ay kinumpirma ng veteran actress na si Jaclyn Jose, sa pamamagitan ng panayam niya sa TV Patrol ng ABS-CBN noong June 29, 2011, na buntis nga ang anak nila ng aktor na si Mark Gil.

Read: Jaclyn Jose confirms Andi Eigenmann’s pregnancy: 'Yes, it’s true, my daughter’s pregnant.'


Continue reading below ↓

Sa naturang panayam ni Jaclyn ay hindi niya tinukoy kung sino ang ama ng dinadala ni Andi, ngunit sinabi niyang “first boyfriend” ito ng kanyang anak.

Pahayag ng aktres, “Wala na sila nun. Iniwanan siya nung nabuntis siya.

“I don’t want to talk about him anymore. Wala akong hinihiling sa kanila, ni ayaw ko silang makita!

“She decided to keep the baby, na naging proud naman ako sa anak ko.

“Mahal namin ’yan, e. Mahal ng lahat ng pamilya ko si Andi.”

Isang buwan bago ang kumpirmasyong buntis si Andi, lumabas dito sa PEP ang report tungkol sa pagtawag diumano sa young actress na “cheater” ng kanyang boyfriend noong panahong iyon na si Albie Casino.

Nag-ugat ito nang sagutin ni Albie ang tanong ng isang fan sa formspring, isang social networking site, kung siya ang tinutukoy ni Saab Magalona na nanampal diumano sa kaibigan nito, na ang tinutukoy ay si Andi.

Continue reading below ↓

Ito ang naging sagot ni Albie: “So much bullshit. I never hit her. Maybe one of her many boys did. Andi’s a cheater kasi she has, maybe, ten guys.”

Sinagot naman ito agad ni Andi sa pamamagitan ng Twitter.

Bahagi ng pahayag ni Andi: “I think it has gone overboard. This guy knows me and knows the truth, yet has the guts to say such lies to save himself from NO danger.”

Si Albie ay 18 years old lamang noon at lumalabas sa primetime series na Mara Clara bilang leading man ni Kathryn Bernardo.

Read: Andi Eigenmann reportedly called a 'cheater' by ex-boyfriend Albie Casino; Andi furious, saying all she ever did was 'make sure he’s happy and he doesn’t get hurt'


Continue reading below ↓

Kaagad namang dinepensahan ni Jaclyn ang anak tungkol sa isyu.

Pahayag ng ina, “Andi is not a cheater. What Albie Casio claims in his formspring account is not true.

“As her mother, I know Andi best. She is a loving daughter, a professional actress, and a decent human being.”

Read: Jaclyn Jose defends daughter Andi Eigenmann against Albie Casino’s alleged accusation: 'Andi is not a cheater.'

WHO IS THE FATHER? Maliban kay Albie, ang isa pang pinaghihinalaang ama ng ipinagbubuntis noon ni Andi ay si Jake Ejercito.

Si Jake ay isa sa tatlong anak ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Sinasabing si Jake ang naging boyfriend ni Andi matapos nitong makipaghiwalay kay Albie, ngunit nagkabalikan sina Andi at Albie nang bumalik sa London si Jake.


Continue reading below ↓

Kung tahimik ang kampo noon ni Jake tungkol sa isyu, sinabi naman ng ina ni Albie na si Mrs. Rina Lee Casino na wala raw problema sa kanila kung ang anak niya ang nakabuntis kay Andi dahil “blessing” daw ito.

Pero dagdag din niya, “And we welcome [a] DNA test.”

Read: Who is the father of Andi Eigenmann’s child?

Sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng pagdadalantao ni Andi, may mensaheng binitiwan ang ama ng aktres na si Mark Gil, na nabubuhay pa noon, sa ama ng dinadala ng kanyang anak.

Hindi direktang binanggit ni Mark ang pangalan ni Albie ngunit tinawag niya itong ‘Boy,’ na pisikal daw sinaktan ang kanyang anak.


Continue reading below ↓

Naiiyak na pahayag ni Mark sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa July 10, 2011 episode ng defunct ABS-CBN showbiz talk show The Buzz:

“We’re not asking anything from you, boy. I just hope your parents raised you well.

“This is my question, do you have parents? What kind of parents do you have?

“Nanggugulpi ka ng bata, ng babae. Hindi ka man lang pinangaralan!

“Tapos ngayon, palalabasin n’yo pa, ‘We are happy and we are willing to have a DNA test’?

“Come on, that’s enough of an insult! If you think you’re tough, we are not.

“All we ask is, like, harapin mo. Tanggapin mo anak mo, aminin mo.

“But we don’t need you.”

Read: Mark Gil to the father of Andi Eigenmann’s baby: 'If you don’t want it, then you won’t have it!'

Pumanaw si Mark Gil noong September 1, 2014 dahil sa liver cancer.

Para naman kay Jaclyn Jose, ayaw na raw nitong makita ang nakabuntis sa kanyang anak.

Continue reading below ↓

Read: Jaclyn Jose to the father of Andi Eigenmann’s child: 'I don’t wanna see him. I don’t want to have anything to do with him, nothing, zero!'

Samantala, sa isang exclusive interview ay sinabi ni Jaclyn sa PEP na hindi sila papayag sa kagustuhan ng kampo nina Albie na magpa-DNA test upang malaman kung sino talaga ang ama ng dinadala ni Andi.


Continue reading below ↓

Buwelta ng award-winning actress, “Walang DNA test na magaganap kailanman! Wala.

“Pasensiya siya, dahil wala akong pakialam kung sumali sila o hindi.

“I do not care about them or their family.

“Siya at ang kanyang nanay, at lahat ng mga nakita ko sa interview, wala akong pakialam.

“So, huwag nila akong pakialaman kapag lumabas na [ang bata]. Nagagalit ako.

“Napanood ko, e. Tumatalak ng DNA, e, manganganak na!”

Read: Jaclyn Jose on Albie Casino’s statement asking for a DNA test: 'Walang DNA test na magaganap kailanman!'

Sa hiwalay na panayam naman ay sinabi ng half-brother ni Andi, ang aktor na si Gabby Eigenmann, na gusto niya si Jake para sa kapatid na babae.

Read: Gabby Eigenmann likes Jake Ejercito for sister Andi Eigenmann


Continue reading below ↓

ANDI SAYS IT’S ALBIE. Sa pamamagitan ng kanyang blog entry noong September 4, 2011, na may titulong “The Good That Won’t Come Out Chapter: Deux,” ay pinangalanan na ni Andi kung sino ang ama ng kanyang dinadala.

Ito raw ay si Albie Casino.

Bahagi ng pahayag ni Andi sa kanyang blog: “Maybe instead of feeling bad that Albie left me to take on this responsibility by myself, I should thank him for giving me the opportunity go out and find genuine happiness once again.'

“I’d obviously love for him to be around eventually.

“You know, to save myself the struggle to find a good way to explain his absence to his child.

“At the same time, I’d understand. 'Cus after all, I have no idea who or what kind of a person all the fame and fortune has turned him into now.

“All I hope is that he’s well.”

Read: Andi Eigenmann names Albie Casino as the father of her child

Continue reading below ↓

Read:

Isang buwan naman bago siya magsilang ay nagpaunlak ng panayam si Andi kay Boy Abunda para sa “Ikaw Na” segment nito sa Bandila noong October 3.

Dito unang nagsalita si Andi tungkol sa kanyang pagbubuntis at nalalapit na panganganak.

Sabi niya, “This is not a punishment, this is a present. I’m very much honored.

Continue reading below ↓

“It’s a blessing from God and I’m very much honored.”

Read: Andi Eigenmann on her pregnancy: 'This is not a punishment, this is a present.'

Pagkalipas ng ilang araw ay muling nakapanayam ni Boy si Andi para naman sa The Buzz.

Ipinaliwanag ng aktres kung bakit natagalan bago siya pumayag magpa-interview.

Saad ni Andi, “Kasi po, wala naman po akong itinatago.

“Gusto ko lang pong malaman ng mga tao na always naman po, di ba, every time you ask me something, I always make it a point to be honest.

“Yun nga po ang sinasabi ko, at the beginning of my career, na-interview ako sa The Buzz, at sinabi nila na kapag meron akong naging isyu, paano ko sila haharapin.

“Sinabi ko, basta magiging honest lang ako.

“Kasi kung meron talaga akong nagawa na masama, consequence ko na yun siguro.

“Di ba, it’s my consequence to face?

“Pero kung wala naman, what’s there to hide about?”

Continue reading below ↓

Dito rin sinabi ni Andi na hindi pa niya napapatawad ang ama ng kanyang anak, dahil hindi naman daw ito humihingi ng tawad sa kanya.

Read: Andi Eigenmann has yet to forgive the father of her child: 'But the only reason was because walang nanghihingi ng tawad sa akin.'

At noong November 23, 2011 ay isinilang na ni Andi ang kanyang anak na babae, via caesarean section.

Pinangalanan niya itong Adrianna Gabriellie o Ellie.

Read: FIRST READ ON PEP: Andi Eigenmann gives birth to healthy baby girl


Continue reading below ↓

ANDI LIKES JAKE. Ilang araw matapos sabihin ni Andi sa kanyang blog na si Albie ang ama ng kanyang ipinagbubuntis, namataan ang Kapamilya actress sa isang event kasama ang rumored boyfriend niya noon na si Jake Ejercito.

Read: Andi Eigenmann shows up at Biblio launch; leaves the venue with rumored bf Jake Ejercito


Continue reading below ↓

Ilang buwan naman pagkatapos niyang magsilang ay inamin ni Andi sa interview ni Kris Aquino sa kanilang mag-ina, sa dating morning talk show na Kris TV, na boyfriend niya si Jake.

Noong panahong iyon ay nag-aaral si Jake sa London, England.

Sabi pa ni Andi, “We’re just taking our time. We don’t need to rush anything. We’re both young. Basta I know, he’s there for me.”

Dagdag niya tungkol kay Jake, 'We’re not looking at the future. Ini-enjoy namin yung moment.

“Kung gusto niyang laruin [Ellie], okay lang sa akin. Wala siyang kailangan na gawin.

“Kaming dalawa ini-enjoy namin yung company namin ng isa’t isa. Tri-na-trust namin yung isa’t isa. We care about each other…

“In the future, we can be super serious with each other when we are old enough.

“He’s not judgmental. That’s why I really, really like him.

“He never forgets to look at the bright side.”

Continue reading below ↓

Boto rin daw si Jaclyn kay Jake para kay Andi.

Sabi niya, “Lahat ng 'pinapakita niya kay Andi... nang dumating si Ellie, naandiyan pa rin siya.”

Read: Andi Eigenmann likes Jake Ejercito because he is 'not judgmental'

THE BEATING OF ALBIE. Ilang buwan lamang matapos isilang ni Andi ang kanyang anak ay hindi inaasahang nag-krus ang landas nila ni Albie sa isang bar sa Makati City.

Hindi naging maganda ang pagtatagpo ng dalawa noong May 5, 2012 dahil sinampal diumano ni Andi si Albie, at kinuyog naman umano ng mga kasamahan ng aktres ang binata.

Read: Albie Casino slapped by Andi Eigenmann when they bumped into each other; Albie allegedly attacked by Andi’s friends

Inamin ni Andi na kinumprontra niya si Albie, ngunit pinabulaanan niyang may kinalaman siya sa pambubugbog sa dating kasintahan.

“I admit that out of impulse, I threw wine on his face, and the next thing I heard was he was being beaten up outside.”

Continue reading below ↓

Nasa loob daw siya ng bar nang mangyari ang insidente.

Read: Andi Eigenmann admits confronting ex-boyfriend Albie Casino; denies involvement in the brawl afterwards

Dahil sa insidente ay nagpa-blotter ang ina ni Albie na si Rina Casino sa Precinct 9 ng Makati Police Station.


Nagbigay rin ng mensahe si Mrs. Casino kay Andi: “Sabi niya naka-move on na siya...

Continue reading below ↓

“Pero this time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up.

“Basta hindi ko na palalampasin ito!

“And I want to tell her, sana naman, Andi, be true to yourself—if not to yourself, to your daughter.

“You know, you have your daughter there… and take care of her.”

Read: Albie Casino’s mom to Andi Eigenmann: 'This time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up.'

Sa panayam naman ni Andi sa The Buzz, sinabi niyang tinakot at minura raw siya ni Albie. Sinaktan din diumano siya ng ex-boyfriend.

Hindi rin daw totoong sinampal niya si Albie kundi sinabuyan lang niya ito ng wine.

Read: Andi Eigenmann claims Albie Casino verbally and physically abused her: “He’s the one who threatened me.”

Sa sarili naman nitong panayam, pinanindigan ni Albie na sinampal siya ni Andi, at naniniwala siyang may kinalaman ito sa nangyaring pambubugbog sa kanya.

Continue reading below ↓

Binalaan naman ng ina ni Albie si Andi na itigil na raw nito ang pagsisinungaling.

Read: Albie Casino believes Andi Eigenmann has hand in brawl that sent him to the hospital; Albie’s mom tells Andi to stop her lies


Sa parte ni Andi, ipinagtanggol ito ng kanyang ama na si Mark Gil, at sinabing mabuting bata ang kanyang anak.

Continue reading below ↓

Read: Mark Gil on Andi-Albie bugbugan issue: “Andi is a good girl. Masyado lang nilang pinalalabas na ganito siyang klaseng bata. Misunderstood lang.'

Pagkatapos ng insidente ay sinabi ni Andi na hindi na niya pipilitin si Albie na aminin nitong siya ang ama ng kanyang anak.


Read: Andi Eigenmann says she will not press Albie Casio to admit he’s the father of her baby Ellie: 'Kung ayaw, ayaw; kung wala, wala.'

Continue reading below ↓

Ayaw na rin daw niyang magkaroon ng anumang kaugnayan sa dating kasintahan.

Read: Andi Eigenmann embarrassed to be associated with Albie Casio; claims she’s single but has an 'inspiration'

Hindi naghain ng pormal na reklamo ang kampo ni Albie kaugnay ng nangyaring pambubugbog sa kanya.

JAKE’S FAMILY DISAPPROVES OF ANDI? Noong huling quarter ng 2012 ay may panibagong kontrobersiyang kinasangkutan si Andi.

Nagsimula ito nang sabihin ng kanyang ina na si Jaclyn Jose sa isang panayam na may ugnayan sina Andi at Jake, “pero bawal.”

Paliwanag pa ng aktres, “Hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sabi ko lang, meron… Dagdagan natin — baka ayaw ng parents.”

Ang tinutukoy ni Jaclyn ay tila tutol ang mga magulang ni Jake na sina Manila Mayor Erap Estrada at Laarni Enriquez sa relasyon ng kanilang anak kay Andi.

Read: Jaclyn Jose reveals Jake Ejercito’s famous parents are against Jake’s relationship with her daughter Andi Eigenmann

Continue reading below ↓


Nag-react naman si Andi sa naging pahayag ng ina sa pamamagitan ng kanyang blog post.

Nauunawaan daw niya ang damdamin ng ina.

Sa kabilang banda, patutunayan daw ng aktres na mali ang paniniwala ng ilan na hindi siya karapat-dapat para kay Jake.

Read: Andi Eigenmann on people who say she does not deserve Jake Ejercito: “I can prove them wrong.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay humingi ng paumanhin si Andi sa mga magulang ni Jake dahil sa naging pahayag ng kanyang ina.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo ng kanyang ina noong panahong iyon.

Pero inamin ni Andi na “bawal” nga ang relasyon nila ni Jake, dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang ng huli.

“Sila pa rin ang rerespetuhin namin at susundin.

“Sinabi ko nga na, dahil bawal, hindi namin yun ipipilit at wala namang masama doon.

“Even ako yung tinutukoy nila, kung yung parents don’t think na parang, at this time, at this point both in our lives, hindi nila ako magugustuhan para sa anak nila, wala naman akong puwedeng ibang gawin kundi respetuhin yun.”

Read: Andi Eigenmann apologizes to Jake Ejercito and his parents for mom Jaclyn Jose’s statements; admits a relationship with Jake is 'bawal'


Continue reading below ↓

Nagsalita rin si Jake tungkol sa isyung ito nang makausap siya ng PEP contributor na si Allan Diones sa London.

Dito ay inamin ni Jake na sumama ang loob niya sa naging pahayag ng ina ni Andi.

Aniya, “Parang nagulat lang ako at, siyempre, sumama na rin yung loob ko dahil, yun nga, medyo napasama yung parents ko.”

Sa naturang interview rin ay nagbigay si Jake ng detalye tungkol sa relasyon nila ni Andi.

Lumalabas na may panahong pinagsabay raw silang dalawa ni Albie ni Andi.

Kuwento ni Jake, “One time, nung mag-LQ kami ni Andi, nasa Manila ako. Bumalik ako ng London, kasi start na ng school.

“Pagbalik ko, sila na ulit ni Albie.

“Pero hindi kami nag-break or anything. Nag-away lang kami.

“Pagbalik ko, biglang buntis na, ganun.”

Ito raw ang dahilan kung bakit nasaktan ang mommy ni Jake na si Laarni.

Ayon kay Jake, unang naging kasintahan ni Andi si Albie. Matagal daw ang naging relasyon ng dalawa noon.

Continue reading below ↓

Nang mag-break daw ang dalawa ay naging sina Andi at Jake.

Pero nang mag-away sila ay nagkabalikan naman sina Andi at Albie.

Read: Jake Ejercito speaks up about breakup with Andi Eigenmann; says he and Albie Casio were, at one point, both Andi’s boyfriends at the same time


Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Jake, sinabi nitong tinamaan siya nang husto kay Andi.

Ngunit pagkatapos daw ng lahat ng nangyari ay nag-iba na ang kanyang nararamdaman para sa aktres.

Sa isang punto ng panayam ay sinabi rin ni Jake na imposibleng siya ang ama ng anak ni Andi.

Paliwanag niya, “Kasi, kung bibilangin mo yung months, nandito ako sa London nung mabuntis si Andi, e.

“So, hindi rin posible talaga!”

Ngunit sa kabila raw nito ay hindi niya iniwanan si Andi.

Sabi ni Jake, “Yun nga po, e, siguro dahil first love.

“Tapos… hindi ko alam. Ganun lang siguro talaga. Martir!”

Read: Jake Ejercito tells Andi Eigenmann: “I don’t feel the same anymore.”

Isang linggo pagkatapos lumabas ang interview ng PEP kay Jake ay nagsalita si Andi tungkol sa naging pahayag ng dating kasintahan.

Inamin ng aktres na hindi niya nagustuhan ang ilan sa mga sinabi nito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Andi, “Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin yun.

“But then, naisip ko rin po na hindi po totoo yun.

“Uhm… hindi po rin sinadya ni Jake yun—he apologized to me even before the articles were out.

“Kaya hindi ko po binasa yung article, kasi nung sinabi na niya sa akin, nung ikinuwento na niya sa akin kung ano yung nangyari…

“Okay na po sa akin kung ano yung nanggaling sa kanya, and I still forgive him.

“Pero yun nga po, alam ko naman na hindi niya kailangang i-defend yung parents niya at my expense—especially, ako po yung artista.”

Read: Andi Eigenmann on ex-boyfriend Jake Ejercito: 'Hindi niya kailangang i-defend yung parents niya at my expense—especially ako po yung artista.'

ON-OFF RELATIONSHIP. Noong unang quarter ng 2013 ay kumalat ang balitang nagkabalikan daw sina Andi at Jake.

Ngunit pinabulaanan ito ni Andi sa isang panayam.

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito: “I’m not shy to say that I still love the person. But I don’t think na… parang, sino ba siya para hayaan ko ang sarili ko na to make a fool out of myself?'

Continue reading below ↓


Itinanggi rin ni Andi na sinundan niya si Jake sa London para makipagbalikan dito.

Read: Andi Eigenmann denies going to London to get back with Jake Ejercito

Kinumpirma rin ni Jake sa isang panayam na walang balikang naganap sa pagitan nila ni Andi.

Tila isinara na rin ng binata ang kanyang pintuan sa posibilidad na magkabalikan sila.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Wala na, matagal nang wala. End na siguro.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito on status of relationship with Andi Eigenmann: “Wala na, matagal nang wala. End na siguro.”

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Andi sa hiwalay na panayam.

Read: Andi Eigenmann closes chapter on Jake Ejercito: “Tapos na siya talaga.”


Continue reading below ↓

Ngunit sa kabila ng mga pahayag nilang ito, hindi pa rin nawawala ang usap-usapang may namamagitan pa rin kina Andi at Jake.

Lalo na nga’t inamin ni Andi sa isang interview na nakakaramdam pa rin siya ng selos kapag may nali-link na ibang babae kay Jake.

Read: Andi Eigenmann still gets jealous when Jake Ejercito is linked to other girls

Tila nakumpirma naman ang hinala ng marami na nagkabalikan ang dalawa dahil sa rebelasyon ng ina ni Andi na si Jaclyn.

Pinababayaan na lang daw niya ang anak sa kagustuhan nito para hindi na sila mag-away.

Pahayag ni Jaclyn, “I let her fall in love. Sa akin, hayaan ko siya.

“Kung magkakamali siya uli, learn from her own mistakes.

“Sa akin kasi, greatest thing in life is love, e. Falling in love is the most wonderful feeling, e. So, let her.”

Read: Jaclyn Jose on Andi Eigenmann’s reconciliation with Jake Ejercito: 'Kung magkakamali siya uli, learn from her own mistakes.'

Continue reading below ↓


Ayaw namang kumpirmahin ni Andi ang tungkol sa pagbabalikan nila ni Jake nang ma-interview muli siya ng PEP.

Makahulugan niyang sabi, “If ever man na may magbabago, siya na lang po ang tanungin niyo, hindi ako.

“Kasi nga, babae naman po ako — babae lang ako. Maghihintay na lang po ako.

Continue reading below ↓

“I mean, ayokong magsalita in behalf of two people.”

Nang tanungin naman kung kumusta na sila ng ina ni Jake na si Laarni, na tila hindi pabor sa kanya, ito ang naging sagot ni Andi:

“I understand completely these certain things are not in my hands. Hindi lahat ako ang masusunod, so I will wait.

“Pero sisiguraduhin ko po na I’ll do my part and prove na I don’t need to be disliked.”

Read: Andi Eigenmann vows to prove that she deserves Jake Ejercito

Nang si Jake naman ang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Andi, ito ang naging sagot niya: “What you see is what you get.”

Read: Jake Ejercito on status of relationship with Andi Eigenmann: “What you see is what you get.”


Continue reading below ↓

Dahil sa magkakaibang pahayag ni Jake tungkol sa estado ng relasyon nila ni Andi, nagpaliwanag ang aktres tungkol dito.

Saad niya, “Gusto ko lang pong linawin na yung ganun po kasi, sa amin, kung ano ang nangyayari sa buhay namin, kung ano ang nangyayari sa aming dalawa, e, sa amin na po yun.

“Palagi ko pong hinihingi na respetuhin yung privacy namin ni Jake. E, hindi naman po siya celebrity.

“So, he’s not obligated to share his personal life to the world if he doesn’t want to, if he’s not comfortable.”

Dagdag pa ni Andi, “Kasi, para sa akin po, kung ano ang kumportable si Jake na sabihin at kung anuman po ang kaya ni Jake na ibahagi sa mga tao, kailangang respetuhin po natin yun.”

Hindi naman daw sumasama ang loob ng aktres kapag sinasabi ni Jake sa mga panayam na “friends” lang sila.

Aniya, “Palagi niyang sinasabi ‘to na, ‘Sabi ko, friends tayo, pero nakikita rin naman ang mga post ko sa Instagram that we’re always together.’

Continue reading below ↓

“So, basically, it’s what you see, what you get.

“So, para sa akin po, ako lang, sadyang vocal lang ako na tao and it’s not hard for me to be open.

“Kaya yung mga sinasabi namin, hindi nagtutugma.

“Pero, in a way, yes, para sa akin, kung malito ang mga tao, pasensiya na.”

Read: Andi Eigenmann explains contradicting statement of Jake Ejercito about their real score

ALBIE’S ORDEAL. Samantala, kasabay ng tila on-off relationship nina Andi at Jake ay ang patuloy na pagbangon ni Albie mula sa isyung kinasangkutan niya.

Habang patuloy na namayagpag ang showbiz career ni Andi, tila nawalan naman ng direksiyon ang career ni Albie.

Pagkatapos ng matagumpay na Mara Clara, dapat sana ay magtatambal sila ulit ni Kathryn Bernardo sa teen drama anthology na Growing Up noong huling bahagi ng 2011.

Ngunit nagdesisyon ang ABS-CBN management na alisin si Albie sa proyekto, at ang ipinalit sa kanya ay si Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

Ang pagtatambal na iyon nina Kathryn at Daniel ang naging daan upang mabuo ang sikat na sikat ngayong KathNiel loveteam.

Samantalang si Albie naman ay naging madalang ang proyekto at nawala sa bakuran ng ABS-CBN.

Ngunit noong 2015 ay nakabalik siya sa bakuran ng Kapamilya network sa pamamagitan ng teleseryeng On The Wings of Love, kung saan tumatak ang kanyang role bilang si Jigs, na ka-love triangle ng mga bidang sina James Reid at Nadine Lustre.

Ngayon ay kasama siya sa primetime series ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.

Sa isang panayam noong 2013, sinabi ni Albie na naapektuhan din nang husto ang kanyang personalidad dahil sa pinagdaanan niyang kontrobersiya.

“Nag-iba ako dahil sa experience na yun. I’ve matured a lot faster than I should have, di ba?

“Hindi na ako masyado bubbly. More on reserved na ako sa sarili ko, like even sa set, parang ganun.

“It just changed… na-affect ako as a person.”

Continue reading below ↓

Read: Albie Casino admits being changed by his ordeal over the last two years: “I’ve matured a lot faster than I should have.”


Sa kaso naman ni Andi, nananatili siyang matigas pagdating sa panunumbalik ng samahan nila ni Albie.

Read: Andi Eigenmann sees no need to rebuild relationship with Albie Casio

Continue reading below ↓

Naiintindihan din daw ni Andi kung bakit hangga’t maaari ay ayaw ni Albie na sagutin ang anumang isyu tungkol sa kanila.

Sabi ng aktres, “It’s his right to say that.

“Well, I guess, alam ko rin namang mabuti siyang tao, pero yung sa akin lang naman, wag siyang magpapalabas na he’s better than me.

“Wag na niyang i-try na palabasin na mas mabuti siyang tao dahil sa ginawa niya at hindi siya masamang tao dahil sa desisyon niya.

“Actually, para sa akin nga, he’s not even a bad person, only, he needs is....”

Nagpatutsada rin si Andi sa ina ni Albie na si Rina Casino.

“His mom is probably the one who taught him to... for me, I don’t want to be that kind of mother to my daughter.

“Personally, I’m not even judging her and saying na she brought him up wrong. For me, ayokong maging ganun.”

Mayroon din daw kundisyon si Andi kung sakaling mag-reach out si Albie sa kanila ng kanyang anak na si Ellie.

Continue reading below ↓

“Para sa akin po, pag si Ellie na ang humiling. Pero ’pag si Albie...

“For Ellie’s sake and not for Albie. And, si Albie lang, hindi kasama ang parents.”

Read: Andi Eigenmann reveals condition should daughter Ellie want to meet her dad someday: 'Si Albie lang, hindi kasama ang parents.'


Continue reading below ↓

Nang tanungin naman si Albie kung gusto niyang makilala ang anak ni Andi, sinabi nitong wala siyang planong gawin ito.

Read: Albie Casino no plans of meeting alleged love child with Andi Eigenmann

THE BREAKUP. Ilang buwan lamang pagkatapos mapabalita ang pagbabalikan nina Andi at Jake, kinumpirma ng aktres noong September 2014 na break na sila ulit.

Read: Andi Eigenmann confirms breakup with Jake Ejercito

Nagsalita rin tungkol dito si Jake.

Read: Jake Ejercito breaks silence on breakup with Andi Eigenmann

Sinabi naman ni Andi sa isang panayam kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.

Dito rin inamin ng aktres na nanliligaw sa kanya ang co-Viva talent na si Bret Jackson.

Read: Andi Eigenmann reveals reason for breakup with Jake Ejercito; admits Bret Jackson is courting her

Sa parte naman ni Jake ay naugnay siya sa socialite na si KC del Rosario.

Read: Jake Ejercito rumored to be dating non-showbiz girl; gets bashed due to issue involving Andi Eigenmann

Continue reading below ↓


Sabi naman ni Andi sa isang panayam, kahit noong sila pa raw ni Jake ay may namamagitan na kina Jake at KC.

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito-KC del Rosario romance: “Kami pa nung summer, meron na silang something.”

Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo ay nabalitang nagkakalabuan na diumano sina Jake at KC.

Continue reading below ↓

Read: Has Jake Ejercito-KC del Rosario romance gone sour?

Pagkatapos nito ay may lumutang na namang balita na nagkabalikan ulit sina Andi at Jake.

Ngunit itinanggi agad ito ng aktres.

Read: PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann denies rumored reconciliation with Jake Ejercito: 'I guess it’s not meant to be yet.'

JAKE-ELLIE BONDING MOMENTS. Noong 2014 naman ay naging kapansin-pansin ang madalas na pagpu-post ni Jake ng mga larawan ng anak ni Andi na si Ellie sa kanyang personal Instagram account.

Ilan pa sa mga ito ay magkasama sila.

Dahil dito ay nabuhay ang espekulasyon na posibleng si Jake ang tunay na ama ni Ellie.


Continue reading below ↓

Ngunit paglilinaw ni Andi, wala raw itong ibang ibig sabihin.

Sabi ng aktres nang makausap ng PEP sa story conference ng Your Place Or Mine noong November 25, 2014, “No, that doesn’t mean anything.

“His relationship with my daughter is something beyond me. That’s something I cannot control.

“If he felt like posting a birthday greeting for my daughter, wala na akong kinalaman dun. It’s not about me.

“Medyo hindi naman ’ata maganda yun on him kung ginagawa lang niya yung pagpo-post nun dahil lang sa akin.

“It’s for my daughter entirely. Purely for my daughter and not for any other reason.”

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito’s Instagram photo with her daughter: 'It’s purely for my daughter and not for any other reason.'

Dahil sa pagiging malapit ni Jake kay Ellie, may mga nagsasabing paraan lang daw ito ng anak ni Erap para makipagbalikan kay Andi.

Ngunit agad itong kinontra ni Andi sa isang TV interview noong January 2015.

Continue reading below ↓

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito’s desire to reconcile with her: “Hiyang-hiya naman ako sa kanya!”

Ngunit inamin ng aktres sa isa niyang panayam na magkasundo silang muli ni Jake.

Read: Andi Eigenmann back on good terms with Jake Ejercito

ELLIE’S REAL FATHER. Samantala, naging palaisipan para sa marami ang naging pahayag ni Albie sa isang panayam noong February 2015 tungkol sa usap-usapang si Jake daw ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Sabi ni Albie, “Well, you know, everything will come... like, you can’t hide everything naman, di ba?

“If you have a secret, you can’t keep it hidden forever.

“The truth will always come out, di ba?”

Dito rin sinabi ni Albie na hindi siya kailanman sumailalim sa DNA test upang patunayang hindi siya ang ama ng anak ni Andi.

Paliwanag niya, “Masyado na kasing time-consuming, e... parang, I’d rather not go through the hassle.”

Hindi rin daw siya nakakaramdam ng vindication dahil sa pagtuturo kay Jake na ama talaga ni Ellie.

Continue reading below ↓

Sabi ni Albie, “How can I feel vindicated with speculations, di ba?

“So, maybe, if what’s going around is true, and then everyone will hear that, and if that’s the truth, then I’ll be vindicated.”

Read: Albie Casino on talks about the real father of Andi Eigenmann’s child: 'If you have a secret, you can’t keep it hidden forever.'


Continue reading below ↓

Ngunit sa hiwalay na panayam ay naging matapang si Albie nang tanungin muli sa paternity issue.

Ito na raw ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol dito.

Pahayag niya, “From the start, it’s always me and Jake. There was always two of us, you know?

“So I don’t know why everyone thinks it’s me. There’s no evidence, di ba?

“She [Andi] just said it was me, but they didn’t give me a DNA test. So I don’t know why people automatically assumed that it was me, you know what I mean?

“And you can see that again, there’s Jake. If there’s one constant, Jake’s always there.”

Aminado rin si Albie na sumasagi sa isip niya na baka nga si Jake ang tunay na ama ng anak ni Andi.

“Obviously, of course, yeah.”

Read: Albie Casino on paternity issue: “If there’s one constant, Jake’s always there.”

Dahil sa naging pahayag na ito ni Albie ay inakusahan siya ni Andi na panay diumano ang pa-interview nito sa media upang pabulaanang siya ang ama ni Ellie.

Continue reading below ↓

Read: Albie Casino refutes Andi Eigenmann's claim about using paternity issue in his interviews

Binatikos din ni Jake ang naging pahayag ni Albie tungkol sa paternity issue: “Nothing but a desperate showbiz promo ploy.”

Read: Jake Ejercito slams Albie Casino’s statement on paternity issue: 'Nothing but a desperate showbiz promo ploy.'

Tila nanumbalik din ang galit ni Andi kay Albie dahil dito.

Read: Andi Eigenmann on Albie Casino: “I don’t need him. He doesn’t need to be a part of our lives.”

THE ADMISSION. Noong November 2015 ay tila nagsimula ang isa na namang panibagong paglilinaw sa tunay na katauhan ng ama ng anak ni Andi.

Sa isang panayam kasi ay sinabi ni Andi na para sa kanya ay anak ni Jake si Ellie.

Ngunit ito raw ay dahil sa pagiging father figure nito sa kanyang anak kahit na wala na silang relasyon romantically.

Read: Andi Eigenmann says Jake Ejercito is the 'father' of her daughter

Continue reading below ↓


Bukod pa rito, hindi rin daw mamasamain ni Andi kung isipin ng mga tao na si Jake nga ang ama ni Ellie.

Sabi pa ng aktres nang usisain tungkol dito, “Whatever people got from what I said, I said Jake was the father, di yun na lang. There’s no confusion.

Continue reading below ↓

“If you got what I said that he was the father, then he is the father. I don’t really care.”

Read: Andi Eigenmann doesn't mind if people assume that Jake Ejercito is the real father of her daughter

Napansin din ng netizens ang sentimental na mensahe ni Jake sa Instagram para kay Ellie.

Read: Jake Ejercito to Andi Eigenmann’s daughter: “No matter what they may say, u've got this love forevs.”


Continue reading below ↓

Nito lamang March 2016 ay nagsalita rin si Jake tungkol sa pahayag ni Andi na siya ang ‘father’ ni Ellie.

Saad niya, “Well, ever since, I considered Ellie as my daughter na rin.

“Yun nga yung sabi ni Andi in one of her interviews, di ba?

“And kasi, si Ellie, very adorable. Mahirap mawala yung bond namin.”

Read: Jake Ejercito speaks up on being the 'father' of Andi Eigenmann's daughter

Sa sumunod na mga pahayag nina Jake at Andi ay kapwa nila nilinaw na walang balikang nagaganap sa pagitan nila.

Read: Jake Ejercito says he and ex-GF Andi Eigenmann are just friends: 'Without benefits, definitely!'

Read: Andi Eigenmann: No more reconciliation with Jake Ejercito


Continue reading below ↓

At tila nagkaayos na rin sina Andi at Albie pagkatapos ng ilang taong alitan.

Read: Andi Eigenmann is now friends with Albie Casino

Kinumpirma naman ito ni Albie nang makapanayam siya ng media sa The PEP List Year 3 noong August 21 ngayong taon.

Read: Albie Casino, Andi Eigenmann friends again?


Continue reading below ↓

TWITTER EXCHANGE. Kung nagkasundo na sina Andi at Albie ay tila kabaligtaran naman ang nangyari kina Andi at Jake.

Nito lamang August 2016 ay nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa sa Twitter.

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

Umabot pa sa puntong tinawag na “fake” ni Jake si Andi, habang sinabihan naman ni Andi si Jake na “talentless.”

Ngunit pagkatapos nito ay wala nang narinig muli mula sa kanila.


Continue reading below ↓

JAKE IS THE REAL FATHER. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pagkalipas ng limang taon, lumabas naman ang panibago uling sagot sa katanungang matagal nang naghahanap ng kasagutan.

Sa pamamagitan ni Max Eigenmann, isang half-sister ni Andi, ay mukhang tinatapos ng kampo ni Andi ang haka-haka sa kung sino ang ama ni Ellie.

Sa podcast ng Good Times With DJ Mo Twister noong Huwebes ng gabi, September 22, ay kaswal na nabanggit ni Max kay Mo na si Jake ang tunay na ama ng kanyang pamangkin.

Sabi ni Max: “Yes, he is [the biological father]. They did a test. Yeah, he’s the dad.

“He’s the dad. They’re co-parenting.

“That’s why he always posts photos of my niece.”

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, confirms Andi's sister

STORY NOT QUITE FINISHED. Sa pagbabalik-tanaw ng PEP, lumalabas na masalimuot pa rin ang kuwento ng buhay ni Andi Eigenmann at ng kanyang anak.

Continue reading below ↓

Ang tanging nagsalita ngayon ay ang kanyang half-sister, si Max Eigenmann, na nagsabing nagpa-DNA, ngunit di malinaw kung sino ang nagpa-DNA, saan, at kailan?

Di rin nasasagot ang isang malaking katanungan: Sino na ang nakakita ng DNA results? Nasaan ito?

Kung ang DNA results ang pruwebang kinakailangan upang tuldukan na ang mga haka-haka, bakit hindi ito ilabas?

Para man lang wala nang nadadamay ng mga taong walang kinalaman sa maselan na isyung ito.

Itinuturo ni Max si Jake Ejercito bilang ama ng bata. Ngunit walang ipinakitang katibayan si Max. At walang pahayag si Jake o sinumang miyembro ng pamilya niya tungkol dito.

Paano kung mangyari kay Jake ang nangyari kay Albie?

Halos limang taong itinuro ng kampo ni Andi si Albie na siya raw ama ng bata.

Naapektuhan ang career nito, bumagal ang pag-angat, walang katiyakang makakabangon pa, napalipat ng network, at ilang taon ding naghirap bago nakabalik sa primetime.

Continue reading below ↓

Nabugbog ito ng mga kaibigan ni Andi, pasa-pasa ang mukha, iniyakan ng ina, ngunit kakaunti ang simpatiyang nakuha sa publiko dahil naituro siyang ama ng bata. Nagkaroon siya ng reputasyong walang paninindigan.

Nakaapekto ito sa kanyang personalidad. Mula sa pagiging masayahin, inaamin niyang naging introvert siya, di agad nagtitiwala.

Ngunit, di naman siya makapagsalita nang maayos sa publiko, dahil aakusahan siya ng kampo ni Andi na siya ay pa-interbyu nang pa-interbyu.

Dito pa naman sa showbiz, ilag ang mga lalaking magsalita kapag ang kokontrahin ay isang babae.

Ito ang pagbabalik-tanaw ng PEP: Hanggang sa mga oras na ito, wala pa ring maibibigay na tuldok sa kuwentong ito.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag mula kina Jake Ejercito, Andi Eigenmann, at Albie Casino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After five years of this guessing game, the identity of the father of Andi Eigenmann's daughter remains unclear. Andi's half-sister Max Eigenmann says conclusively, however, that it's Jake Ejercito (left), not Albie Casiño (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results