PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brillante Mendoza on frontal nudity of Rash Flores, Vince Rillon

"O, ba’t ko ipapakita 'yan? It doesn’t look real and realistic."
by Jerry Olea
Published Apr 1, 2022
rash flores brillante mendoza vince rillon
Director Brillante Mendoza (center) on editing out frontal nudity scenes of Rash Flroes (left) and Vince Rillon (right) in his movies: "Willing naman sila. ‘OK, sige,’ sabi ko, ‘intayin natin na tumayo.’ Hindi naman tumatayo. Sabi ko, ‘O, ba’t ko ipapakita 'yan? It doesn’t look real and realistic. Kasi, when you make love, tayo ang ano mo, erect 'yan.’"
PHOTO/S: Vivamax / Jerry Olea

In-edit out ni Direk Brillante Mendoza ang eksena ni Rash Flores na nagma-masturbate sa pelikulang Palitan habang ini-imagine nito ang harutan nina Cara Gonzales at Jela Cuenca.

Katuwiran ng premyadong direktor, hindi kailangan sa istorya ang naturang eksena.

Read: Sexy star Rash Flores talks openly about masturbation scene, erection, using plaster in movies

Sa BL movie na Sisid, may frontal din dapat si Vince Rillon habang nagtatampisaw sila ni Christine Bermas sa dagat. In-edit out din iyon ni Direk Brillante sa bersiyon na nag-streaming sa Vivamax umpisa Marso 25.

If ever, isasama ba ni Direk Brillante ang pagpo-frontal ni Vince sa international version ng Sisid?

“Oo, meron yun. Meron yun!” natatawang sambit ng pinagpipitaganang direktor nang mainterbyu namin noong Marso 22 sa Wing Zone restaurant, Araneta City, Quezon City.

“Siguro, pag nagawa ko na yung director’s cut, mapapanood niyo na yung frontal ni Vince. So far, wala pa. Ha! Ha! Ha! Ha! Siguro, for the right project…”

Nagtalop din si Vince sa hindi pa naipapalabas na pelikulang The Policeman na bida sina Coco Martin at Julia Montes.

“Maganda yung role niya dun,” pakli pa ni Direk Brillante.

OLD TITLES, NEW MOVIES

Natapos na ni Direk Brillante ang shooting ng pelikulang Virgin Forest, kung saan bida si Sid Lucero.

May Virgin Forest (1985) movie na si Direk Peque Gallaga, kung saan bida sina Sarsi Emmanuelle, Miguel Rodriguez, at Abel Jurado.

Bakit ginamit niya muli ang title na Virgin Forest?

“This is pro-environment. Anti-logging ito, e,” sambit ng multi-awarded director.

Yung recent titles ng movies ni Direk Brillante na Palitan at Sisid ay nagamit na rin before.

Bida sa Palitan (2012) ni Direk Ato Bautista sina Mara Lopez, Alex Medina, at Mon Confiado.

Tampok naman sa Sisid (2001) ni Direk Joey Romero sina Assunta de Rossi at Raymond Bagatsing.

Kung mapangahas si Sid Lucero sa Silip sa Apoy ni Direk Mac Alejandre, totoo bang mas matindi ang pinaggagawa niya sa Virgin Forest?

Napakunot-noo si Direk Brillante, “Ewan ko. Kasi, kung halimbawang mga love scene… dito, maraming mga sex scenes and nudity. Dito, marami talaga.

“Pero yung… ahh… prolonged sex, walang ganun. Kasi, meron dito, mga rape. Meron dito, mga abused women. Ganun.

“Parang… may underlying kuwento siya about mga diwata for protecting the forest, protecting the kalikasan.

“Yun yung underlying tone ng buong pelikula. At merong sumisira dito. Dun sa mga sumisira, kasama na ang mga loggers.

“Kasama din dito yung… halimbawa, yung mga babaeng 'yan na merong prostitution inside the forest.

“Totoong kuwento ito… prostitutes that cater to illegal loggers. Because pag nandun ka sa bundok, hindi ka na pwedeng bumaba for days, ‘no?

“Kasi, you have to stay in the middle of the jungle. Ang nangyayari, ang pumupunta na lang dun ay ang mga babae.”

Kung ang pelikula ni Klaudia Koronel na Gamugamong Dagat (1999) ay tungkol sa mga akyat-barko, tinalakay naman sa Virgin Forest ang mga akyat-gubat.

“Yes, they go sa forest para maano yung mga loggers. Ganun. So, it really happened in the South about eight years ago,” pahayag ni Direk Brillante.

Saan galing ang mga babaeng akyat-gubat? Meron bang company na nagpo-provide?

“No. Galing sila sa mga baryo-baryo. Yung iba, ibinebenta ng mga magulang. Yung iba, on their own,” paliwanag ni Direk Brillante.

“Yung iba naman, ahh… hindi nila alam pero okay lang. Kasi, sabi sa kanila, ‘Magluluto ka sa bundok. Magiging katulong ka and all.’ Pero they ended up being prostitutes.” Yung iba kasi, salat sa pera, at walang makain…

“Totoo 'yan! Kasi, dun sa baryo, wala na silang makain, e. Meron kaming eksena dito na pinagalitan ng lola yung apo niya na tumakas.

“In the process, namatay yung kapatid nung apo.

“Kaya sabi ng lola, ‘Ano bang problema mo? Doon, kumakain ka, kaya dito, kumakain kami. Bumalik ka, ganyan-ganyan. Anong makakain mo dito? Wala akong ipapalamon sa inyo.’

“Something like that. And it really happened in real life. People would rather… at least, may makakain ka! Kahit na i-prostitute mo yung katawan mo…”

CREATIVE FREEDOM

Binigyan siya ng Viva ng creative freedom sa mga pelikulang nais niyang gawin. Pero meron din bang paalala na bawas-bawasan o hinay-hinay rin sa maseselang eksena?

Tinagurian kasi ng beteranong manunulat na si Mario Bautista ang Vivamax bilang "Tahanan ng mga Makasalanang Pelikula." May mga nang-uuroy pa na papunta na ang Vivamax sa pagiging local counterpart ng Pornhub.

“Kasi naman, ang namamayagpag sa Vivamax, mga sex films!” bulalas ni Direk Brillante.

“Hindi naman nagpi-pick up yung mga drama, kasi hindi naman yun ang audience nila.

“Kaya lang, for streaming… bago pa lang kasi itong Vivamax. Nakaisang taon pa lang.

“Parang… para maka-acquire ka ng two million subscribers in less than two years is a big thing. Ngayon, syempre, sino ba itong mga nag-subscribe na ito?

“Ito yung mahilig sa sex. So, yun ang kanilang kine-cater.

“Kaya lang siyempre, at one point, itong mga nag-subscribe na ito, magsasawa na rin sila sa mga sex if they are watching the same actors, the same stories, the same genre.

“Mananawa ang mga 'yan, maghahanap 'yan ng iba, e. This is where… ito yung mga kuwento namin na papasok.

“And dahil may ipapasok kayo na mga kuwento, meron din naman sila na maisu-subscribe na hindi after the sex. Eventually, in time.

“Kasi halimbawa, ang Netflix, hindi naman sila nangyari overnight. Matagal din. Itong Vivamax, nakaisang taon pa lang.

“Imagine, in five years time, di ba… baka five million na ang subscribers niyan, not bad.

“And then, unang-una, nagbibigay siya ng trabaho sa industry. Pangalawa, syempre mananawa din naman sila sa mga sex.

“So, magkakaroon at magkakaroon din ng ibang genre. Ibang film. Magkakaroon ka din ng ibang audience. Eventually, maggo-grow yung audience.”

SELF-REGULATION

Mas makabubuti ba talaga ang pagse-self regulate ng mga streaming plaform — na hindi napapakialaman ng MTRCB — upang mag-evolve on its own ang mga ito?

“Oo naman. Katulad ko, I mean… di ba nga, ang sabi mo, ang dami kong mga frontal nudity, may ganito,” lahad ni Direk Brillante.

“Pero hindi ko ginagamit. Kasi, parang mas ano ko yung sarili ko na parang… ba’t ko gagamitin, e, hindi naman kailangan?

“Meron nga akong isang version ng Kaliwaan na film, gumawa ako ng edit, tinanggal ko lahat ng sex.”

Ang Kaliwaan ay prinodyus niyang pelikula na bida si Vince Rillon. Hindi pa ito naipapalabas.

Kapag nag-streaming ito sa Vivamax ay merong sex scenes. Pero ang Director’s Cut nito, sa halip na prolonged ang hubaran at lampungan, ay salat sa ganoon.

“Kasi, ang feeling ko, the story can stand on its own without the sex. So, ang sex, parang palabok naman 'yan, di ba?” pagmamatwid ni Direk Brillante.

“And then halimbawa, kung yung mga sex scene, halimbawa kahit na yung mga lalaki… magpo-frontal ka, hindi nakatayo yung t*t* mo?

“Kahit na itong si Vince at si Sid, kahit na si Rash… willing naman sila. ‘OK, sige,’ sabi ko, ‘intayin natin na tumayo.’

“Hindi naman tumatayo. Sabi ko, ‘O, ba’t ko ipapakita 'yan? It doesn’t look real and realistic. Kasi, when you make love, tayo ang ano mo, erect 'yan.’

“Ngayon, paano pag nagme-make love na hindi erect, hindi naman totoo. Ba’t mo ipapakita? Nakakahiya lang.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Brillante Mendoza (center) on editing out frontal nudity scenes of Rash Flroes (left) and Vince Rillon (right) in his movies: "Willing naman sila. ‘OK, sige,’ sabi ko, ‘intayin natin na tumayo.’ Hindi naman tumatayo. Sabi ko, ‘O, ba’t ko ipapakita 'yan? It doesn’t look real and realistic. Kasi, when you make love, tayo ang ano mo, erect 'yan.’"
PHOTO/S: Vivamax / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results