PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AiAi delas Alas declares support to Marcos-Duterte tandem

Ai-Ai delas Alas calls herself "may pusong OFW."
by Arniel C. Serato
Published Apr 1, 2022
Ai-Ai delas Alas shows support to UniTeam's Bongbong Marcos, Sara Duterte
Ai-Ai delas Alas to Overseas Filipino Workers (OFW) who attended the UniTeam's Miting de Avance: "Kaya po kung tayo man ay malayo sa ating pamilya, at tayo man ay nasa ibang bansa at kung saan mang sulok ng mundo, sana ay huwag po nating kalimutan ang mensahe na tayo ay magkaisa. Tayo ay Pilipino, taas noo kahit kanino."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook Live UniTeam Bongbong-Sara

Inihayag na ni Ai-Ai delas Alas ang susuportahan niyang kandidato sa pagka-presidente at bise presidente sa May 9, 2022 elections.

Sa pamamagitan ng isang short video, inihayag ng Comedy Queen ang kanyang suporta sa UniTeam nina presidential aspirant at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

Isinapubliko ni Ai-Ai ang kanyang suporta sa UniTeam sa idinaos na Miting De Avance ng partido para sa Overseas Filipino Workers (OFW) ngayong Biyernes ng gabi, April 1, 2022.

Dinaluhan ito via Zoom ng OFWs, at ang mga nandito naman sa Pilipinas ay dumalo physically sa event sa isang hotel sa Pasay City.

Mensahe ni Ai-Ai, “Binabati ko po ang lahat ng OFW sa lahat ng sulok ng mundo na ngayon ay nanonood at buong pusong sumusuporta sa tambalang UniTeam BBM at Sara.

“Sana kayo ay nasa mabuting kalagayan, kung saan man po kayo naroroon na nag-e-enjoy sa inyong pagtitipon at sa ating watch parties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako po ngayon ay naimbitahan upang magbigay po sa inyo ng munting mensahe dahil bukod po sa ako ay tagasuporta ng UniTeam, ako rin po ay may pusong OFW."

Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Ai-Ai kung bakit tinawag niya ang sarili na "may pusong OFW."

“Paano ko naman ‘yan nasabi? Dahil po tuwing mag-a-abroad ako, magku-concert sa ating mga kapwa Pilipino, nakikita ko po talaga.

"Naiisip ko, ‘Ako nga, e, nalulungkot ako, e, mga three weeks o isang buwan akong nawawalay sa pamilya ko, paano pa kaya ang mga OFW natin na dalawa hanggang limang taon silang nawawalay sa kanilang pamilya?’”

Alam na alam daw ni Ai-Ai ang nararamdaman ng OFWs tuwing nahihiwalay sa kanilang pamilya.

Sabi pa ng Kapuso comedienne, “Kaya ako po, alam ko po ang inyong pakiramdam kung gaano ba kalungkot na mawalay sa ating pamilya para mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan.

“Kaya po kung tayo man ay malayo sa ating pamilya, at tayo man ay nasa ibang bansa at kung saan mang sulok ng mundo, sana ay huwag po nating kalimutan ang mensahe na tayo ay magkaisa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tayo ay Pilipino, taas-noo kahit kanino. Maraming-maraming salamat po. Ito po si Ai-Ai delas Alas para sa UniTeam.”

Noong March 10, pinalagan ni Ai-Ai ang isang post kung saan inihilera siya sa mga female celebrity na sumusuporta umano kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Iba raw kasi ang kanyang sinusuportahan.

Sabi ni Ai-Ai sa kanyang Instagram post, “Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito.. tahimik buhay ko.. lahat na lang.. huy !!!!

"tanging ina ko pa picture yan tanging ina ka kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan ... pls hindi po ako vp LENI supporter.”

Read: Ai-Ai delas Alas refutes claim she is supporting VP Leni Robredo

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas to Overseas Filipino Workers (OFW) who attended the UniTeam's Miting de Avance: "Kaya po kung tayo man ay malayo sa ating pamilya, at tayo man ay nasa ibang bansa at kung saan mang sulok ng mundo, sana ay huwag po nating kalimutan ang mensahe na tayo ay magkaisa. Tayo ay Pilipino, taas noo kahit kanino."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook Live UniTeam Bongbong-Sara
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results