Watch Now

Angelica Panganiban claps back at netizen telling her to stop using the word “magnanakaw”

by Arniel C. Serato
Apr 5, 2022
Angelica Panganiban replies to basher about "magnanakaw"
Angelica Panganiban to basher telling her to stop saying the word "magnanakaw": “Sana ikaw din maaral mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung affected ka sa salitang magnanakaw.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Binuweltahan ni Angelica Panganiban ang isang netizen sa Twitter na nagsabing tama lang ang desisyon nitong magpahinga na sa showbiz.

Pansamantalang nakapahinga sa showbiz si Angelica dahil sa pagdadalantao nito sa magiging panganay nila ng boyfriend na si Gregg Homan.

Noong March 29, 2022, sinagot sa Twitter ni Angelica ang isang fan na tila nalulungkot sa pansamantalang pagpapahinga ng aktres sa showbiz.

Anang aktres, ibalato na raw sa kanya ang kanyang panahon para sa sarili dahil tatlumpong taon naman na raw siya sa telebisyon at pelikula.

Buong mensahe ng 35-year-old Kapamilya actress: “Hahahaha. Okay lang yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects.

"Marami kayong pwede balikbalikan. Balato niyo na sakin ang buhay ko ngayon :) 30 years naman na ko sa inyo!”

READ: Preggy Angelica Panganiban consoles fan after announcing leave from showbiz: "Balato niyo na sa akin."

Sa post na ito ni Angelica, sumagot ang isa pang netizen nitong April 3, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito, tama ang gagawin ni Angelica para maalagaan nang maigi ang paparating niyang supling.

Ngunit idinagdag nitong ito raw ang paraan upang matutunan ni Angelica maging mabuting tao at nang hindi raw puro salitang “magnanakaw” ang lumalabas sa bibig ng aktres.

Komento ng netizen (published as is): "Tama yan magpahinga ka na lng at mag alaga ng magiging anak nyo...para malaman mo kung paano maging mabuting tao hindi ung puro ka 'magnanakaw' ang cnasav ng bibig mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagpapigil si Angelica sa kanyang sagot.

Sana rin daw, aralin ng netizen ang pagiging mabuting tao. Ipinagtataka rin daw niya kung bakit apektado siya sa salitang "magnanakaw."

Tweet ng aktres, "Sana ikaw din maaral mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung affected ka sa salitang magnanakaw."

Matatandaang bumida si Angelica sa isang election advocacy campaign nitong Pebrero, kunsaan binalaan niya ang mga botante na huwag magpabudol at iwasang bumoto sa magnanakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng dialogue ni Angelica, "Kaya yung eleksyon sa May 2022, ingat-ingat sa mga tao.

"Kilatising mabuti ang mga manliligaw. Halughugin ang bio data mula high school hanggang college.

"Alamin at tingnan ang character references. 'Wag magpapabudol at 'wag sa magnanakaw."

Ang basa rito ng mga maalam sa politika ay patama ang "magnanakaw" sa noo'y presidential candidate at eventual winner na si Ferdinand Marcos Jr.

Ang ama ni Bongbong—ang popular na palayaw kay Marcos Jr.—na si Ferdinand Marcos Sr. ay napatalsik sa Malacañang ng People Power Revolution noong 1986.

Isa sa mga isyu sa dating Presidente ay ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Bilyones ang sinasabing ninakaw nito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban to basher telling her to stop saying the word "magnanakaw": “Sana ikaw din maaral mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung affected ka sa salitang magnanakaw.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results