Watch Now

Raquel Pempengco loses brother three days after mother's death; asks for Jake Zyrus's help

by Jojo Gabinete
Apr 6, 2022
raquel pempengco jake zyrus
Raquel Pempengco pleads to son Jake Zyrus to help her after the death of her mother and brother just three days apart: "Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko."
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal

May bagong pagsubok kay Raquel Pempengco, ang ina ni Charice aka Jake Zyrus.

Nagluluksa ngayon si Raquel dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si "Tes" Pineda Relucio noong Linggo, April 3, 2022.

Hindi na nagising si Lola Tess noong Linggo at binawian siya ng buhay sa tahanan ni Raquel sa Lopez, Quezon.

Read: Jake Zyrus's grandmother Tess Pineda passes away

Ngayong Miyerkules ng madaling-araw, April 6, ang 52-year-old brother naman ni Raquel na si Robert Pineda Relucio ang namatay dahil sa motorcycle accident na nangyari rin sa Lopez, Quezon.

Ipinarating ni Raquel sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang malungkot na sinapit ng kanyang kapatid.

Nakadagdag din sa pagdadalamhati niya dahil hindi raw nagpaparamdam sa kanila si Jake, kahit nakarating na sa kaalaman nito ang sinapit ni Lola Tess.

“Wala pang paramdam si Charice hanggang ngayon. Need ko talaga ngayon ang tulong.

"Namatay naman ang kapatid ko na nagbabantay sa nanay ko. Kaninang umaga lang siya namatay," pahayag ni Raquel sa PEP.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mensahe rin si Raquel para sa anak na si Jake: “Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko."

Kasalukuyang namamalagi sa Amerika si Jake pero, ayon kay Raquel, matagal na itong hindi nakikipag-ugnayan sa kanya.

Read: Jake Zyrus still not on speaking terms with mom Raquel Pempengco: "I like it better this way."

Hindi ipinagkakaila ni Raquel na mahirap ngayon ang kanilang pamumuhay dahil matindi ang epekto ng coronavirus pandemic sa kabuhayan nila.

Nahihiya man, naglakas ng loob si Raquel na humingi ng tulong mula sa mga taong may mabubuting kalooban na magpapadala ng donasyon sa pamamagitan ng Gcash para sa cremation ng kanyang ina.

Hindi pa ito maisakatuparan dahil kulang na kulang pa umano ang perang hawak niya.

“Kulang pa ang pera ko na pang-cremate [para kay Nanay], tapos eto, sumunod naman ang kuya ko,” pahayag ni Raquel.

Para sa mga gustong tumulong kay Raquel, maaaring magpadala sa kanya ng financial help sa Gcash 09956497143.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pempengco pleads to son Jake Zyrus to help her after the death of her mother and brother just three days apart: "Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko."
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results