Watch Now

Dawn Chang counters claim she's supporting VP Robredo for ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2022
Dawn Chang says support for VP Robredo is for the brighter future for all
Dawn Chang on her support for presidentail aspirant and Vice President Leni Robredo: "Hindi nakabase sa franchise ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan."
PHOTO/S: Courtesy: @thedawnchang on Twitter

Para sa magandang kinabukasan ng lahat.

Ito ang buod ng rason ni Dawn Chang sa kanyang taus-pusong suporta sa kandidatura ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Twitter noong March 30, 2022, nag-post si Dawn ng kanyang larawan na tila kuha sa isang studio pictorial.

Sabi niya sa caption: “I always wanted a balanced life.. So sometimes I’m a beauty, sometimes a beast. Hahaha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang halos isang linggo, nitong April 7, isang basher na may handle name na @MaywardFanboy93 ang nagkomento sa naturang litrato ni Dawn.

Hindi maganda ang tabas ng dila ng basher dahil diretso nitong pinaratangan si Dawn na ang pagsuporta ng TV personality kay VP Robredo ay para sa muling pagkakaroon ng prangkisa ng ABS-CBN.

Napaso ang prangkisa ng Kapamilya network noong May 4, 2020.

Tuluyang pinatay sa Kongreso ang franchise application ng network sa botong 70-11 pabor sa pagbasura ng aplikasyon.

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

Pasaring ng basher kay Dawn, “Para sa franchise kahit walang project sa ABS CBN hahahaha umaasa kapa din?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maayos itong sinagot ng dating GirlTrends member.

Ayon kay Dawn, para sa magandang bukas ng lahat, kabilang na ang basher, ang kanyang ginagawang pagsuporta kay Robredo.

Hindi rin umano nakabase sa prangkisa ng ABS-CBN ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan sa buhay.

Sagot ni Dawn: “Sa magandang kinabukasan oo naman. Lalo na para sa mga tulad mo.

"Para maintindihan mo na hindi nakabase sa franchise ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan."

Dagdag pa niya sa basher: "Kaya huwag ka mawawalan ng pag asa ha. Kaya mo yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang tweet ng basher, tahasan nitong binanggit ang pangalan ni VP Robredo.

Paratang ng basher, "Wala kayong maloloko dito pinaka goal nyo is mabalik ang franchise kaya nag sama sama kayo. Bakit hindi nyo ginawa yung pag suporta nyo ngayon nung 2016 nung tumakbo VP si Leni dahil may franchise pa kayo nun?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang mga batikos kay Dawn mula nang puntiryahin niya si Toni Gonzaga noong February 9, 2022, isang araw matapos magpakita ang former Pinoy Big Brother (PBB) main host ng suporta sa UniTeam sa kanilang grand proclamation rally sa Philippine Arena.

Ang UniTeam ay ang tandem nina former Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte kasama ang kanilang labindalawang senatorial candidates.

Lalo pang nagngingitngit si Dawn dahil isa sa mga dahilan ng hindi paglusot ng franchise application ng ABS-CBN sa Kongreso ay si Deputy Speaker at Sagip Party-List Representative Rodante Marcoleta na tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam.

Magiliw kasi siyang ipinakilala ni Toni sa audience na umalo sa rally.

Ayon kay Dawn, labis siyang nainsulto at nadismaya sa pagsuporta ni Toni sa mga taong dahilan umano ng pagkawala ng trabaho ng mga kasamahan nila sa network.

Read: Ex-PBB housemate Dawn Chang "deeply insulted and disappointed by the actions" of Toni Gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula noon, paborito nang puntiryahin si Dawn ng pinaniniwalaang mga tagasuporta ni Marcos Jr.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dawn Chang on her support for presidentail aspirant and Vice President Leni Robredo: "Hindi nakabase sa franchise ang pagkakaroon ng prinsipyo at paninindigan."
PHOTO/S: Courtesy: @thedawnchang on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results