Watch Now

Jake Zyrus mourns deaths of his grandmother, uncle

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2022
Jake Zyrus mourns death of grandma, uncle says manager
According to Carl Cabral (not in photo), Jake Zyrus's manager, the singer deeply mourns the sudden death of his grandmother Tess Pineda and uncle Robert Pineda.
PHOTO/S: Courtesy: @jakezyrusmusic on Instagram

Labis daw ang kalungkutang nararamdaman ni Jake Zyrus—na dating kilala bilang si Charice Pempengco—sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang lola at tiyuhin sa mother side.

Unang pumanaw ang lola ni Jake na si Tess Pineda noong April 3, 2022 sa bahay nito sa Lopez, Quezon.

Read: Jake Zyrus's grandmother Tess Pineda passes away

Nitong April 6 naman, namatay ang kanyang tiyuhin na si Robert Pineda dahil sa motorcycle accident na nangyari rin sa Quezon.

Read: Raquel Pempengco loses brother three days after mother's death; asks for Jake Zyrus's help

Sa isang pahayag na ipinadala ng manager ni Jake na si Carl Cabral sa ABS-CBN News ngayong araw, April 8, labis daw nilang ipinagluluksa ang kamatayan ng dalawang kamag-anak ng singer.

Nakikipag-ugnayan na rin daw ang kanyang kampo sa isang kamag-anak ni Jake.

Nakikiusap silang tulugan ang mga naulila na magluksa sa pribadong pamamaraan.

Narito ang buong pahayag ni Carl:

“We are deeply saddened to hear about the passing of Lola Thess and Tito Obet. I am constantly communicating with one of the family members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately.

"We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss."

Sa ekslusibong panayam ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni Jake na si Raquel Pempengco noong April 3, ipinaliwanag niya kung bakit nakaburol sa Lopez, Quezon ang bangkay ng ina gayong dati silang naninirahan sa Cabuyao, Laguna.

Sabi nito, “Hindi na siya nagising nung umaga. Nakaburol siya sa Lopez, Quezon.

“Si Nanay kasi medyo papunta na sa dementia. Hindi na siya mapakali sa isang lugar.

"Nasa poder ko siya dati, pero lumayas tapos ibinalik ulit sa akin kasi wala nang tumatanggap sa kanya sa Laguna.”

Noong panahong yun, wala pa silang natanggap na komunikasyon mula ka Jake.

Umaasa rin sila ng pinansiyal na tulong mula sa anak.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to Carl Cabral (not in photo), Jake Zyrus's manager, the singer deeply mourns the sudden death of his grandmother Tess Pineda and uncle Robert Pineda.
PHOTO/S: Courtesy: @jakezyrusmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results