Watch Now

Francine Diaz’s sister, cousin speak up about "sugod issue" with Andrea Brillantes

by Arniel C. Serato
Apr 12, 2022
Francine Diaz's sister, cousin slam Andrea Brillantes
Francine Diaz's (left) sister on young actress' issue with Andrea Brillantes (right): "Chin chose to stay silent nor confirmed any of the rumor for the sake na rin ng peace and friendship na meron sila noon."
PHOTO/S: Courtesy: @francinesdiaz / @blythe on Instagram

Bukod sa kanyang ina, ipinagtanggol din si Francine Diaz ng kanyang nakatatandang kapatid na si Chantal Diaz.

Ayon kay Chantal, kahit nananahimik ang pamilya nila ay lagi silang nadadawit kapag may pumuputok na kontrobersiya sa dating kasamahan ni Francine sa teleserye na si Andrea Brillantes.

Laman ngayon ng balita si Andrea nang mag-"yes" siyang maging girlfriend ng basketball star na si Ricci Rivero matapos manalo ang koponan nitong UP Fighting Maroons laban sa FEU Tamaraws sa UAAP noong Sabado, April 9, 2022.

Kasunod nito ay nakatanggap ng pambabatikos si Andrea dahil tila tinalikuran na niya ang love team nila ni Seth Fedelin, na nakabuo na ng sariling hukbo ng mga tagahanga.

Lunes ng gabi, April 11, nagbigay ng pahayag si Andrea sa pamamagitan ng Instagram Live. Dito ay isiniwalat niyang naging boyfriend niya si Seth sa loob ng mahigit dalawang taon.

Inamin din ng young actress na nasaktan siya nang maging viral ang larawan ng pagdalaw ni Seth sa bahay ni Francine kahit break na sila noong January 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

FRANCINE'S ATE COMES TO HER RESCUE

Sa pamamagitan naman ng Twitter ngayong Martes, April 12, naglabas din ng saloobin ang ate ni Francine na si Chantal tungkol sa pagkakadawit ng kapatid sa bagong isyu ni Andrea.

Pahayag ng kapatid ni Francine, “Hello. I just want to clear some things in behalf of Francine and some issues that has been circulating for quite some time na.

“This has been stressing me out as an Ate of Chin and I can or we can no longer stay silent kasi we tried hard to stay silent for peace kaso ang hirap ma maintain with such environment. Kasi either we speak up or not lagi dawit ang name ng kapatid ko.”

Ayon kay Chantal, masaya sila sa bagong kabanata ng buhay ni Andrea ngayong may bago itong karelasyon at labas ang kapatid niyang si Francine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naiintindihan daw ni Chantal na maraming fans ang nais mag-public apology si Andrea kay Francine sa isang kontrobersiya nito sa nakaraan, pero nagawa na raw ito ni Andrea sa pribadong paraan.

Mahinahong saad ng ate ni Francine, “Firstly, we are happy for the new couple they are happy and labas si Francine sa rs nila, I understand na most fans are asking Blythe [Andrea] for an apology kay Francine publicly.

“Blythe already apologized privately months ago when a certain issue na nangyari.

“Again, sometimes nadadala tayo ng emosyon and we do things rashly and for that naintindihan ko sya.”

“PANUNUGOD IS NOT TRUE”

Kasunod na binigyang linaw ni Chantal ang balitang panunugod daw ni Andrea sa dressing room ni Francine sa ABS-CBN noong December 2021.

Tini-tape nila nung panahong iyon ang ABS-CBN Christmas Station I.D.

“Second, is about the rumor ng panunugod sa dressing room. The panunugod is not true that’s not exactly what happened."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay rin si Chantal ng detalye ukol sa Instagram Story ng kapatid kasama si Seth Fedelin at ang glam team ni Francine, na ikinagalit daw nang husto ni Andrea.

"What happened was a misunderstanding, B felt that Chin was disrespecting their LT [love team] when Chin posted an IGS picture with the Glam team and Seth.

“She called my sister and was very upset about it. As an Ate There was nothing wrong with that picture and I hated lang how she reacted about it, they were friends after all.”

Iyon daw ang dahilan ng personal na pagbisita noon ni Seth sa bahay nila na binigyan ng ibang kahulugan ng “SethDrea” fans.

Sabi pa ni Chantal, “That’s the reason why Seth came to visit us and apologized in person for what happened. Syempre may kasamang picturan and all. That’s when the other issue started ulit.

“Francine has been called a lot of names when wala namang masama sa picture na yon very wholesome with the Family pa nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“CHIN CHOSE TO STAY SILENT”

Bilang ate, nasasaktan daw si Chantal sa mga masasakit na salitang nababasa niya tungkol sa kapatid. Kabilang na rito ang mga salitang "malandi" at "ahas."

Pero pinili raw ni Francine na manahimik para na rin sa pagkakaibigan nila ni Andrea.

Ani Chantal (published as is), “Masakit sakin na makabasa ng msasamang salita against sa kapatid ko na wala namang ginawang masama. At mas lalong hindi sya malandi at hindi sya ahas gaya ng sabi ng iba, wala siyang inagaw.

“Chin chose to stay silent nor confirmed any of the rumor for the sake na rin ng peace and friendship na meron sila noon.

“For me ang unfair lang para sa kapatid ko to be bullied and called names and still think of the other person when she’s been wronged.”

Sana raw ay mas ipinaliwanag nina Andrea at Seth nung nag-Instagram Live ang mga ito ang totoong rason at pangyayari para mas malinawan ang publiko tungkol kay Francine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Seth Fedelin defends Andrea Brillantes's relationship with Ricci Rivero from bashers

Ngunit mas pinili raw ng dalawa na isalba ang kani-kanilang mga sarili.

Sa huli sinabi ni Chantal na nais na rin nilang mag-move on sa issue.

“I was hoping lang din for Blythe sana and Seth to clear it for Chin when they went LIVE but they saved themselves.

“Lastly, I’m saying this because both side has cleared up their names and half truths lang ang nasabi. We are all moving forward with the past issue and I hope kayo rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Francine Diaz's sister, cousin defend actress against Andrea Brillantes

Francine Diaz's sister, cousin defend actress against Andrea Brillantes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Francine Diaz's sister, cousin defend actress against Andrea Brillantes

FRANCINE’S COUSIN SLAMS ANDREA

Kung gaano kahinahon si Chantal, nanggagalaiti naman ang pinsan ni Francine na si Christle Saenz sa pagtatanggol sa kanyang kamag-anak.

Kung sinabi ni Chantal na walang panunugod na nangyari, iba naman ang kuwento ni Christle.

Saad nito: “Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod niya yung pinsan ko sa dressing room!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH!

“So feeling mo naman ka attitude mo si Chin? Feeling maagawan cheater naman!”

Binalaan din ni Christle si Andrea sa attitude nito tungo sa kanyang pinsan. Lagi raw kasi nitong idinadamay si Francine tuwing may kinakaharap itong kontrobersiya.

Pagbabanta niya na may halong pasaring: “Wag mo kami pikunin baka sugurin ka din namin!

“Ikaw na nga nagloko dadamay mo pa si Chin! Lahat na lang gusto mo!

“Ikalma mo girl alam naming di ka mauubusan nyan baka ikaw mismo maubos!

“Minus 1,000 ka kay Lord kung palagi ka magmamalinis!

“Lahat ng drama mo sa buhay eto lang yun inggitera ka! Laging damay pinsan ko sa issue mo laki ng galit mo e no?!

“Tahimik na nga lang sa side namin para hindi ka na kahol ng kahol pag pinatulan ka naman kaawa awa ka talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka pag pinatulan ka talaga namin manahimik ka na 100 years girl! Wag kami kilala ka na!

“DINADAMAY MO PINSAN KO PARA SUMIKAT KA ENO? SINGAW NA SINGAW ANG BAHO MO GIRL!”

Francine Diaz's sister, cousin defend actress against Andrea Brillantes

Nauna nang dinipensahan ng ina ni Francine na si Merdick Diaz ang anak kaugnay ng isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Francine Diaz's mother hits back at Andrea Brillantes for "bullying" daughter: "WAG AKO ANDREA BRILLANTES!"

Wala pang pahayag si Andrea ukol dito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francine Diaz's (left) sister on young actress' issue with Andrea Brillantes (right): "Chin chose to stay silent nor confirmed any of the rumor for the sake na rin ng peace and friendship na meron sila noon."
PHOTO/S: Courtesy: @francinesdiaz / @blythe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results