Watch Now

Are Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey engaged?

by Rachelle Siazon
Apr 13, 2022
Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is spotted wearing a diamond ring on her left ring finger. Is she engaged to boyfriend Jeremy Jauncey?
PHOTO/S: Cherry Alonzo YouTube

Engaged na ang magkasintahang Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey?

Ito ang tanong ng netizens matapos masilayan ang nagsusumigaw sa laki na diamond ring ng Miss Universe 2015 titleholder.

Agaw-pansin ang diamond ring na nakasuot sa left ring finger ni Pia nang makipagkita siya sa kanyang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.

Sa England nakabase ang ina ni Pia na si Cheryl.

Mapapanood sa April 12 vlog ni Cheryl na inimbitahan siya ng anak at ni Jeremy na mag-breakfast sa Marriott Hotel sa London, kunsaan naka-check-in ang celebrity couple. Kasama rin nila ang mister ni Cheryl na si Nigel Tyndall.

Habang kumukuha ng pagkain sa buffet area, nahagip sa camera na may suot si Pia na singsing na may malaking diamond.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang kumakain na sila sa dining table ay makikitang hindi na ito suot ni Pia.

Kung susuriing mabuti ang video, panay ang kapa ni Pia sa gawing taas ng kanyang dibdib kunsaan posibleng mayroon siyang suot na necklace at doon isinabit ang singsing.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

May tatlong beses niyang ginawa iyon na posibleng tinitingnan kung naroon pa ang singsing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Habang naglalakad ay kinapa niya muli ang gawing itaas ng dibdib.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kumalat din sa TikTok na video clip kunsaan mas kita ang singsing na may malaking diamond stone na suot ni Pia sa kanyang ring finger.

Pia Wurtzbach

Makikitang nagsasalita si Pia, at nang hawiin niya ang kanyang buhok gamit ang kaliwang kamay ay saka nahagip ang singsing.

Pia Wurtzbach

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon lamang April 7, 2022, nag-post si Pia sa Instagram ng sweet kiss nila ni Jeremy habang nasa tabi ng puno.

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Sa caption ni Pia, animo'y engaged na sila ni Jeremy sa pabirong hirit niya na, "He said yes…" Sabay sa "pizza" raw pala.

Sa huling date night nila sa tinuluyang hotel sa Switzerland, kapansin-pansin ding itinago ni Pia ang kaliwang kamay na tila iniiwasang ipakita kung mayroon man itong suot na singsing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey

Isang linggong namalagi ang couple sa Geneva para sa isang work engagement doon ni Jeremy.

Si Jeremy ay founder ng creative at content agency na Beautiful Destinations.

Nagkakilala sila ni Pia nang hindi inaasahang magkrus ang landas nila sa Covent Garden sa London.

Nilapitan ni Jeremy si Pia na agad daw niyang nakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na nagkagaanan ang loob ng dalawa, at naging opisyal silang magkasintahan noong December 31, 2020.

Related Stories:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is spotted wearing a diamond ring on her left ring finger. Is she engaged to boyfriend Jeremy Jauncey?
PHOTO/S: Cherry Alonzo YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results