Watch Now

Herbert Bautista finally speaks up about ex-fiancée Kris Aquino's tirade against him

by Arniel C. Serato
Apr 13, 2022
Herbert Bautista finally reveals "hindi natupad na pangako" to Kris Aquino
Senatorial aspirant Herbert Bautista reveals "unfulfilled promise" to ex-fiancée Kris Aquino: "We talked about it, but because of her experience and because of what happened to me, parang that conversation about marriage was serious but not as serious in really getting married.”
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube / VP Leni Robredo on Facebook

Binasag na ni senatorial aspirant Herbert Bautista ang kanyang katahimikan tungkol sa mga pinakawalang banat laban sa kanya ng ex-fiancée niyang si Kris Aquino.

Pinuntirya ni Kris si Herbert sa kanyang sorpresang pagdalo sa proclamation rally ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan tandem sa Tarlac City noong March 23, 2022.

Kasama ni Kris na dumalo sa campaign rally nina Robredo at Pangilinan ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at matalik na kaibigang si Angel Locsin.

Sa isang bahagi ng programa ay nagsama sina Kris at Angel sa stage upang ipakilala si Robredo. Inihalintulad ni Angel ang solid supporters ni Robredo sa isang karelasyon na tunay raw maaasahan.

Saad ni Angel, "Kahit umuulan, uma-attend. Rain or shine, walang excuse, lumalabas.

"Kasi yun naman gusto natin sa isang tao, di po ba?

"Kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, kailangan laging nandiyan para sa iyo, hindi tuwing eleksyon lang."

Dito naman sumingit si Kris na, "Gel, pinatatamaan mo ata ako diyan. Aray. Ouch."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa naman ni Angel kay Kris, "Ate, palagi ka lumalabas tuwing may sakuna kagaya ni VP Leni."

Ipinunto ni Kris na ang ibig niyang sabihin ay tinamaan siya pagdating sa unreliable na karelasyon.

Ayon kay Kris, "Hindi, yung sinabi mo, may karelasyon."

Tila nagulumihanan namang komento ni Angel, "Nandito ba siya?"

Sagot ni Kris, "Yung isa nasa Uniteam, yung ex..."

Hindi man binanggit ni Kris ang pangalan ng kanyang ex, hindi kaila sa publiko na ang ex niya na kabilang sa Uniteam ay si dating Quezon City Mayor Bautista.

Ito rin lang ang recent na naging boyfriend niya bago si Mel Sarmiento.

Kabilang si Bautista sa senatorial slate ng Uniteam nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sabi pa ni Kris patungkol sa kanyang ex-fiancé, "O, wag niyo iboto yun, ha.

"Sayang ang boto dahil di marunong tumupad sa mga pinangako.

"Deadma please."

Read: Kris Aquino takes a swipe at ex-fiancé Herbert Bautista: "Di marunong tumupad sa mga pinangako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“FIRST TIME TO TALK”

Sa vlog ng entertainment journalist at talent manager na si Ogie Diaz na lumabas kahapon, April 12, inamin ni Herbert na ang usapan ng paglagay sa tahimik ang tinutukoy ni Kris na hindi niya natupad.

Paglilinaw niya, “Well, pinag-usapan namin yung marriage, pero siyempre marriage kasi is a process.

"Hindi naman siya… I think she went through the same whirlwind, e. Parang laging whirlwind ang dinadaanan niyang relationship na nagpapakasal siya.

“E, ako naman, kahit na drama yung buhay ko, conservative pa rin akong tao, e, na let’s go through the motion, through the process.

“We talked about it, but because of her experience and because of what happened to me, parang that conversation about marriage was serious but not as serious in really getting married.”

Nagkuwento rin si Herbert tungkol sa maiksing panahong relasyon umano nila ni Kris.

Aniya, “Well, si Kris ano, very briefly lang yung relationship namin. It’s my first time to talk about her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And as much as possible, ayoko, kasi baka pagalitan ako or, I mean, pagalitan niya ako uli.

“Pinagsabihan niya ako na I should not be talking about our past.

“What I can say about Kris is, she’s a very intelligent person, very caring person, talagang maalaga.

“And always the words of wisdom, lagi kang makakarinig sa kanya. But we never stopped communicating.

“There are times na hindi nagku-communicate, walang texts, walang call for about three, four, five months, biglang, pak, magti-text siya, magti-text ako.

"Tapos mag-uusap kami ulit one, two, three days, after that, pak, buwan ulit na hindi kami, ganun, hanggang na-sustain yun until namatay si PNoy.

“And then, after that, nawala ulit yung communication.”

Si PNoy ay ang kuya ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

“HINDI KO IN-ASSUME”

Pagpapatuloy pa ni Herbert, ilang araw bago nakarating sa kanya ang balita tungkol sa pasaring ni Kris.

Nang nabasa niya ito sa social media, nagtanong daw siya sa kanyang sarili kung siya ba talaga ang pinatutungkulan ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat daw kasi ang ex-boyfriends ng host-actress na sumusuporta o kabilang sa UniTeam: siya, si Robin Padilla (tumatakbo ring senador), si James Yap (running for San Juan City councilor), at Philip Salvador (running for Party-List representative).

Dagdag ni Herbert, “Nung nagsalita siya tungkol dun sa Tarclac, hindi ko naman in-assume na ako yun, kasi wala naman siyang binanggit na pangalan.

“Na yung sinabi niya na bahagi ng UniTeam, kailan ko lang nalaman after that, two days after.

“Nakita ko may mga picture, parang sino dito? Lahat pala kami nasa UniTeam. Parang ganun, parang hindi yata ako yun, a.”

Noong April 2, nagpunta ang UniTeam sa Tarlac City upang magdaos ng grand proclamation rally.

Dito ay nagpaabot ng mensahe si Herbert kay Kris.

Saad niya, “So, hindi ko siya in-assume. So, at one point dun sa Tarlac, nasa Tarlac kami nung nakaraan, sabi ko ang number ko, 8, gusto ko sana ipagtanong ang ex ko kaya lang di ko alam kung ako talaga ang sinasabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ako po yun, ito na lang ang message ko sa kanya, ito ang sinabi ko sa stage, ‘Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa 'yo. Yung pagmamahal ko sa 'yo bilang kaibigan ay hindi mawawala. Pagaling ka at kumakain ka ng marami,’ which I would always tell her.”

Sa huli, sinabi naman ni Herbert na kasama lagi si Kris sa kanyang mga dasal lalo na't may problema ito sa kanyang kalusugan.

Baka nga raw nakaalis na ito ng bansa upang magpagaling sa Amerika.

Saad ni Herbert, “I do pray for her na sana maging okay na yung kanyang karamdaman.

“And I hope and pray that she recovers soon enough.”

December 2017, sinabi ni Kris na nag-second marriage proposal sa kanya ang noo'y nobyo pa niyang si Herbert sa Rome, Italy.

Binigyan din daw siya nito ng one-carat, heart-shaped, D-color diamond ring.

Read: Kris Aquino reveals Mayor Herbert Bautista gave her a diamond ring and proposed marriage a second time

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senatorial aspirant Herbert Bautista reveals "unfulfilled promise" to ex-fiancée Kris Aquino: "We talked about it, but because of her experience and because of what happened to me, parang that conversation about marriage was serious but not as serious in really getting married.”
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube / VP Leni Robredo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results