Watch Now

Herbert Bautista on status of relationship with Ruffa Gutierrez: "It’s a mature relationship."

by Arniel C. Serato
Apr 14, 2022
Herbert Bautista comments on rumored relationship with Ruffa Gutierrez
Senatorial aspirant Herbert Bautista admits no-label relationship with Ruffa Gutierrez: "Uso pa ba labels ngayon? I mean, with this age? Wala nang label, boyfriend, girlfriend. Hindi na, e. It’s a mature relationship.”
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube

Matagal nang usap-usapan ang pagkakaroon ng tagong relasyon ni senatorial aspirant na si Herbert Bautista at ng aktres na si Ruffa Gutierrez.

Pero hanggang ngayon ay walang tuwirang pag-amin ang dalawa ukol sa totoong estado nila.

Sa vlog ng talent manager at entertainment columnist na si Ogie Diaz noong April 12, 2022, natanong si Herbert kung kumusta na ang kanyang love life.

Nakangiting tugon ni Herbert, “I’m in a place na masaya lang.

"Hindi siya ganun kaseryoso pero seryoso rin at the same time. Meron kang inspirasyon, meron kang motivation.

"Ganun yung sitwasyon ko ngayon."

Bakit wala silang commitment o pormal na usapan kung sila ba talaga o hindi?

Sagot ni Herbert, “Hindi kasi pinag-uusapan, e, parang hinahayaan mo lang siyang mag-evolve.”

Nan banggitin ni Ogie ang pangalan ni Ruffa, tumawa lang ang pulitiko.

Dito na nabanggit ni Herbert na nag-umpisa ang kanilang ugnayan dahil sa layunin ni Ruffa na makapagtapos ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ruffa ay 47 years old na ngayon, at si Herbert naman ay 53.

Sabi ni Herbert, “Ganun lang, ganun lang. Parang, siyempre ako, I motivated her to go back to school. Ga-graduate na siya, by July, ga-graduate na siya.”

Na-inspire daw ang dating beauty queen na mag-aral dahil alam nitong nakapagtapos siya ng kursong Philosophy and Letters sa San Beda College at ilang Master of Arts degree sa ilang paaralan.

Aniya, “E, kasi gusto niya dahil alam niya nagtapos ako, e.

"So, parang, ‘Puwede pa ba ngayon at this age?’

"So, sabi ko, ‘Bakit hindi?’ So, naghanap siya.

"Sabi ko, ‘Hanapin mo yung ETEEAT [Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation],’ text lang lahat ito, ha, text, calls.

"So, hinanap niya. So, nakita niya PWU [Philippine Women’s University].

"'Sige, e, di pasukin mo na ‘yan.' I’m just pushing her to just move on, move forward.”

Ganun din daw si Ruffa sa kandidatura ni Herbert, kung saan kasalukuyan siyang sumasabak sa kampanyahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WINNING ANNABELLE RAMA’S APPROVAL

Paano naman kaya niya napapayag ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama? Alam kasi sa mundo ng showbiz kung gaano ito kahigpit pagdating sa love life ng anak.

Tugon ni Herbert, “Di ko rin alam. Di ko rin alam.

"I guess ang character ni Ruffa is napansin ko ‘yan, ni-research ko.

“Si Ruffa is the kind person na ipaglalaban niya ang pagmamahal niya to the point na kahit awayin niya yung pamilya niya, and in this case, Tita Ananbelle, siyempre. At ipinakita niya yun.

"And si Tita Annabelle naman is a person na hindi, ‘I want you to be happy, I want you to be okay. Para hindi ka na dumaan sa kung ano man ang struggle sa buhay, di ba?’

“Siguro sa tingin ko, si Tita Annabelle was able to convince herself na matanda na si Ruffa, e. She has her own family already, may mga anak na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Ruffa naman, naintindihan na niya na ginagawa lang naman ni Tita Annabelle yun because of the practicality.

“Pero nadaanan na rin ni Ruffa yun, e, di ba? I think what Ruffa is looking for is more of, ‘Sino ba yung puwede kong makasama na puwedeng mag-motivate sa akin?’”

Hanggang ngayon daw ay hindi masagot ni Herbert ang totoong estado nila ni Ruffa dahil hindi rin malinaw sa kanya ito.

Dagdag pa niya, “So, ang tanong kung meron ba kayong commitment? Wala, e, talagang we just support each other.

"Hindi ko nga alam kong support na nagtutulungan kami, but it’s the conversation na kapag nag-uusap kami, parang ‘Oo nga, you have a point.’ Ako naman, ‘Oo nga you have a point.’

“I cannot describe that kind of relationship, it’s either friends kayo or more than friends kayo.”

May label ba sila?

Sagot ni Herbert, “Uso pa ba labels ngayon? I mean, with this age? Wala nang label, boyfriend, girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na, e. It’s a mature relationship."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senatorial aspirant Herbert Bautista admits no-label relationship with Ruffa Gutierrez: "Uso pa ba labels ngayon? I mean, with this age? Wala nang label, boyfriend, girlfriend. Hindi na, e. It’s a mature relationship.”
PHOTO/S: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results