Watch Now

Joaquin Domagoso echoes dad Isko Moreno’s call for Leni Robredo to withdraw from race

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2022
Joaquin Domagoso urgers Vice President Leni Robredo to withdraw from race
Joaquin Domagoso (left) supports dad Isko Moreno's pronouncement urging Vice President and presidential aspirant Leni Robredo (not in photo) to withdraw from the presidential race.
PHOTO/S: Courtesy: @jdomagoso on Instagram / Isko Moreno Domagoso on Facebook

Nanawagan ang Kapuso actor na si Joaquin Domagoso kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na umatras sa laban sa pagka-Pangulo.

Si VP Leni ay katunggali ng kanyang ama na si presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno.

Sa Instagram account ni Joaquin ngayong Araw ng Pagkabuhay, April 17, 2022, nag-post siya ng larawan niyang nakatalikod na kuha sa isang campaign sortie ng ama.

Mababasa sa kanyang jacket ang pangalan ng alkalde at ng ka-tandem na si Doc Willie Ong.

Sabi niya sa caption: “#WithdrawLeni #UniteforIsko #SwitchToIsko

Noong in-upload ito ni Joaquin, ginaganap ang presscon ng ama kasama ang iba pang presidential aspirants na sina Senator Ping Lacson at former Defense Secretary Norberto Gonzales. Nasa presscon rin ang vice-presidential candidates na sina Senator Tito Sotto at Ong.

Hindi nakarating si Senator Manny Pacquiao sa presscon, pero kasama siya sa mga lumagda sa statement na binasa ni Isko ngayong araw, April 17, 2022, sa The Peninsula Manila sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito rin binitiwan ni Isko ang hamon niya kay Leni na umatras sa laban:

"If they’re calling for supreme sacrifice, di ba, they’re calling for supreme sacrifice? Katulad nang sinasabi ni Secretary Norberto Gonzales, when somebody talked to him?

"E, di ang pinaka-supreme sacrifice, if you’re not a good player to win, then you pay the supreme sacrifice, you withdraw.

"The same challenge that they’re giving us, to Senator Ping, to Secretary Norberto Gonzales, to Senator Pacquiao, now we’re calling, 'Be a hero, withdraw Leni.'”

READ: Moreno: "Withdraw Leni"; Lacson doubts "50 percent of Filipinos are Marcos loyalists"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso (left) supports dad Isko Moreno's pronouncement urging Vice President and presidential aspirant Leni Robredo (not in photo) to withdraw from the presidential race.
PHOTO/S: Courtesy: @jdomagoso on Instagram / Isko Moreno Domagoso on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results