Labis na nagdadalamhati si Krista Ranillo-Lim dahil sa pagpanaw ng kanyang lola na si Gloria Sevilla.
Binawian ng buhay ang Queen of Visayan Movies habang natutulog sa bahay nila sa Oakland, California, noong umaga ng Sabado, April 16, 2022.
Siya ay 90 taong gulang.
Read: Queen of Visayan Movies Gloria Sevilla passes away at 90
Sa kanyang Instagram kahapon, April 17, naghayag ng kanyang kalungkutan si Krista.
Hindi pa raw kasi sapat ang oras na pinagsamahan nila ng kanyang lola matapos itong magdesisyong manirahan sa Amerika kasama nila.
Saad ng dating sexy actress, “I can’t sleep. I miss you. I’m so thankful we were able to spend time ever since you moved here to the U.S.
“It’s still not enough time. I wish we had more time. I wish we had more memories together.”
Napag-usapan pa raw nila ang pagdalo ni Gloria sa church wedding ni Krista at ng asawang businessman at Island Pacific Supermarket CEO na si Niño Lim sa darating na July.
Sa kabilang banda, masaya naman daw si Krista na nakapiling ng kanyang lola ang mga anak niya bago ito pumanaw.
“It’s been 10 days since we last saw each other and my heart is breaking knowing I won’t see you again. You were going to visit for my birthday.
“You promised to be at my church wedding in July. I love you Grandma. So much. Nino loves you, the kids adore you. I’m thankful to the Lord that the kids got to know their great Grandma.
“Nate will miss dancing for you. He told me tonight he wishes he danced more for you because it made you so happy. I love you.”
View this post on Instagram
Kahapon ay naglabas na rin ang pamilya Ranillo ng maiksing pahayag ukol sa pagpanaw ng beteranang aktres,
Nakasaad dito: “It is with deep sadness that we announce the passing of our mom, Gloria Sevilla, the Queen of the Visayan Movies, in Oakland, California at 11 am, April 16, 2022. She died peacefully in her sleep.
“We appreciate all those praying for the repose of her soul. Thank you.”
Read: Pamilya Ranillo, nagluluksa sa pagpanaw ni Gloria Sevilla
Wala pang balita kung kailan ang libing ng beteranang aktres.
