Watch Now

Angel Locsin personally distributes relief goods to typhoon Agaton victims in Baybay, Leyte

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2022
Angel Locsin visits typhoon Agaton victims in Leyte
Angel Locsin visits typhoon Agaton's victims in Baybay City, Leyte and personally distributes relief goods.
PHOTO/S: Courtesy: Twitter

Personal na nagtungo ang actress-philanthropist na si Angel Locsin sa Baybay, Leyte upang mamahagi ng relief goods at iba pang tulong sa mga biktima ng bagyong Agaton.

Isa ang Baybay sa labis na nasalanta ng typhoon Agaton na nanalasa bago mag-Holy Week.

Noong April 11, 2022, nagtanong si Angel sa kanyang Twitter account kung kumusta na ang kalagayan sa Leyte.

Sabi niya sa kanyang tweet: “Time out. Kumusta ang Leyte? Any updates?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nagsabi ang aktres na pupunta siya mismo sa lugar. Kaya naman laking gulat ng mga tao sa Leyte nang biglang lumitaw roon ang tinaguriang “real life Darna” kahapon, April 18.

Sabi ng isang netizen, “Ms. Angel Locsin visited our school/evac camp ng Agaton survivors of Baybay. Look at her! So down to earth!! Wala jud sya maginform nga muari sya kay [Hindi niya sinabi na pupunta siya dahil] she wants to come here lowkey and distribute the relief goods herself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami pang netizens nag-post ng mga larawan ni Angel habang namimigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Narito ang ilan sa kanila:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council noong Biyernes, April 15, umabot na sa 128 nasawi mula sa Eastern Visayas, 6 sa Western Visayas, at 3 sa Davao region.

Umabot naman sa 2,068 na lugar ang napinsala ng bagyo at nasa 65,130 ang tala ng mga pamilyang kasalukuyang nanunuluyan pa sa evacuation centers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala si Angel sa pagtulong kapag may mga trahedyang nangyayari sa bansa.

Read: Angel Locsin spotted buying relief goods for earthquake victims in Mindanao

Noong kasagsagan ng COVID-19, kabilang siya at ang asawang si Neil Arce sa nagsagawa ng mga kaparaanan upang matugunan ang labis na hawaan ng virus.

Read: Angel Locsin ends hospital tents fundraiser; raises P10.9 million

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin visits typhoon Agaton's victims in Baybay City, Leyte and personally distributes relief goods.
PHOTO/S: Courtesy: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results