PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda on ABS-CBN stars who support Leni Robredo

Arnell Ignacio educates Vice Ganda on franchise and frequency.
by Jojo Gabinete
Published Apr 29, 2022
vice ganda arnell ignacio abs-cbn franchise
Vice Ganda (left): “Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada." Arnell Ignacio (right): “Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise. At yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay yung frequency."
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Tinawag na "shunga" o tanga ni Vice Ganda ang mga inaakusahan niyang troll na nagsasabing sinusuportahan lamang ng mga artista ng ABS-CBN ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo dahil sa kagustuhan nilang muling mabigyan ng franchise ang Kapamilya Network.

Read: Vice Ganda publicly endorses VP Leni Robredo for President

Sa live episode ng It's Showtime noong Miyerkules, April 27, 2022, sinabi ni Vice na hindi alam ng mga "shunga na troll" ang mga pinagsasasabi ng mga ito dahil hindi na raw naghahabol sa prangkisa ang home network nila.

“Linawin lang natin, ha? Kasi, di ba, maraming nagsasabi na 'Itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa,'” umpisa ng litanya ni Vice na tumagal ng isa at kalahating minuto.

Patuloy niya, “Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa dahil yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nun, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada.

“Wala na pong mahahabol ang ABS-CBN. Wala na pong in-apply na franchise ang ABS-CBN, kaya wala po kaming hinahabol na franchise.

"So, malinaw ‘yan, ha?"

Nagsalita rin si Vice na hindi alam ng mga troll ang mga pinagsasasabi nila dahil isa na raw tapos na kabanata para sa ABS-CBN ang franchise issue.

Saad niya, “Dun sa mga shunga-shungahan na troll, hindi po, wala pa kaming hinahabol na franchise dahil may may-ari na ng prangkisa.

“Hindi na naman mahahabol yun o ng ABS dahil wala na po in-apply na bagong franchise ang ABS."

Diin pa ni Vice: “ABS is no longer after any franchise, okay? Ganoon yun, shunga kayo! Ganoon yun mga shunga!

“Kasi lagi kong naririnig, 'Naku, si ganyan, kaya 'yan ganyan kasi sa franchise…kasi umaasa sila.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na po kaming inaasahan. Tapos na po yung chapter na yun. Yung kabanatang yun, tapos na. Ganoon yun!

"Hindi niyo alam ang mga pinagsasasabi ninyo. Move on, move on…"

Ang tinutukoy marahil ni Vice ay ang paggagawad ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Advanced Media Broadcasting System, Inc. (ABMS) ng pansamantalang kontrol sa dalawang channels na dating ginagamit ng ABS-CBN: ang Channel 2 at Channel 16.

Binigyan ng NTC ng “temporary” permit ang AMBS para gamitin ang Channel 2—na dating analog TV frequency ng ABS-CBN.

“Provisional authority” ang ibinigay ng NTC sa AMBS para makapag-operate gamit ang Channel 16, na dating digital TV frequency ng Kapamilya network.

Ang AMBS ay pagmamay-ari ng dollar-billionaire business tycoon at dating senador na si Manny Villar, 72.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Ang Channel 23, na dating Studio 23 at Sports+Action (S+A) ng ABS-CBN, ay naibigay naman sa Aliw Broadcasting Corporation.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Aliw Broadcasting Corporation ay pagmamay-ari ng namayapang negosyanteng si Antonio Cabangon-Chua na nagpapatakbo ng DWIZ at Home Radio gayundin ng Philippine Business Daily Mirror.

Naibigay naman ng NTC ang Channel 43 sa Sonshine Media Network Inc. (SMNI), kumpanyang pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ang Channel 43 ay kontrolado ng AMCARA Broadcasting Network na nagpapatakbo ng digital channel ng ABS-CBN, kilala sa tawag na Black Box o ABS-CBN TV Plus.

Si Quiboloy rin ang may-ari ng UHF Channel 40 kung saan ipinapalabas ang mga programa ng kanyang religious group na Kingdom of Jesus Christ.

Si Quiboloy, na nahaharap sa kasong sex trafficking sa U.S., ay kilalang malapit na kaibigan at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagbabahagi ng dating frequency na ginagamit ni ABS-CBN ay naganap matapos tuluyang patayin ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

ARNELL IGNACIO EDUCATES VICE GANDA ON FRANCHISE

Kabilang sa nagbigay ng reaksiyon at opinyon tungkol sa mga binitiwang salita ng It’s Showtime host ay ang kapwa niya showbiz personality na si Arnell Ignacio sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayan, sinagot kayo ni Vice kasi ang kukulit ninyo,” umpisa ni Arnell para sa mga nagsasabing sinusuportahan ng Kapamilya stars ang presidential bid ni Robredo para muling mapagkalooban ng franchise ang ABS-CBN.

“Pinagbibintangan ninyo sila na kaya lamang sila sumusuporta para maibalik ang kanilang franchise.

“Ang sabi niya [Vice Ganda] sa inyo, 'Hoy, hindi na kami interesado. Hindi namin hinahabol yung franchise na ‘yan dahil meron nang may-ari.'"

Pero sinabi rin ni Arnell na mali umano ang argumento ni Vice. Hindi raw franchise ang tinutukoy ni Vice kundi frequency.

Aniya, “Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise.

“At yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay yung frequency."

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ng host-comedian na maaari pang mag-apply ng panibagong franchise ang network na kinabibilangan ni Vice.

"Okay, let me explain. Yung franchise, puwedeng-puwede talaga ninyong i-apply muli.

"So, itong pagbibigay ninyo ng suporta, e, puwede talagang maidugtong dun dahil kung saka-sakaling papabor yung susunod na administrasyon na the network will be resurrected, e, talagang it will go through the process. Pero hindi imposibleng ito na ay ma-grant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Next, the NTC, e, merong ina-assign na frequency para diyan sa mabibigyan ng prangkisa na mag-operate ng network.

“You need this frequency, ito yung channel, so you cannot go back to the previous channel that you were using before.

“Puwede kayong ma-assignan ng bagong channel, maaari Channel 6 na kayo or Channel 8 or whatever, so it is not impossible.”

Pero ayon kay Arnell, mangyayari lamang umano ang kanyang mga sinasabi kung papaboran ito ng administrasyong sinusuportahan ni Vice at ng ibang Kapamilya stars.

“If the administration that you supported favors the resurrection of the network, hindi ito magiging as challenging as before.

"But then, of course, you will always keep in mind that ang prangkisa ay ina-apply sa Congress.

“Ang frequency ay ina-assign ng NTC. Yun 'yon.

“So, parang ang ating palitan, ang ating inihahain na argumento at depensa ay base sa mas sound na basehan.

"Pero ang inyong karapatan kung sino ang inyong susuportahan, e, ‘yan ay hindi nangangailangan ng franchise."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Arnell ay kilala bilang DDS o Die-hard Duterte Supporter at isang dating Duterte appointee.

Inilagay siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang assistant vice-president ng PAGCOR, at pagkatapos ay ginawang deputy executive director ng OWWA.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left): “Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada." Arnell Ignacio (right): “Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise. At yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay yung frequency."
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results