PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose defends INC's choices for 2022 elections

"ganun po talaga kami mga miembro nagkakaisa.. wala na po kayo magagawa."
by Jojo Gabinete
Published May 4, 2022
jaclyn jose on INC choice
Cannes-winning actress Jaclyn Jose speaks up after anti-Marcos netizens criticized the list of Iglesia Ni Cristo for the May 9, 2022 elections.
PHOTO/S: @jaclynjose on Instagram

Miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang 2016 Cannes Film Festival best actress na si Jaclyn Jose.

Siya ang kauna-unahang popular showbiz personality na nagtanggol laban sa mga batikos na natatanggap ng kanyang kinaanibang religious group mula nang opisyal na ideklara ng INC na sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte ang presidential at vice presidential aspirants na susuportahan ng kanilang mga miyembro sa darating na eleksyon.

Read: Iglesia Ni Cristo, opisyal nang inendorso ang kandidatura nina Marcos at Duterte

Mabilis na nag-trending sa Twitter Philippines ang INC ilang minuto matapos ilabas ng pamunuan nito ang listahan ng mga kandidatong kanilang iboboto kahapon, May 3, 2022.

Nakatanggap ng batikos at pamumuna mula sa netizens at maging sa ilang kaanib umano ng INC ang piniling mga kandidato ng religious group. Karamihan sa mga bumatikos ay sumusuporta sa mga kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Ngayong Miyerkules ng gabi, May 4, ginamit ni Jaclyn ang Instagram account niya upang ilabas ang saloobin at depensahan ang kanyang kinaaanibang religious group laban sa mga batikos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip ng kanyang post ang larawan ni Marcos Jr. na may hawak ng bandila ng Pilipinas at nasa tabi ng isang malaking tigre.

Pahayag ng aktres (published as is): "I just want deffend our vote, watching a channel na parang d na maganda sinasabi sa INC. Na para bang nasa 10 commandments na at foul na talaga."

Hindi sinabi ni Jaclyn ang pangalan ng TV network na kanyang tinutukoy.

Patuloy niya, “pasensiya na po..nasasaktan lang..ganun po talaga kami..sobra na po..sana wal naman sakitan ng Religion..

"wala ako sa posisyon mag salita may mga leader po kami na makakapag paliwanag..

"ganun po talaga kami mga miembro nag kakaisa..wala na po kayo magagawa.ang respeto namin ay nasa aming pagkakaisa bilang Iglesia..

"sorry po..may malalim po kami pag uunawa ukol sa mga bagay na ito..salamat po"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cannes-winning actress Jaclyn Jose speaks up after anti-Marcos netizens criticized the list of Iglesia Ni Cristo for the May 9, 2022 elections.
PHOTO/S: @jaclynjose on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results