May impluwensiya nga ba ang star power para ang isang kandidato ay maging sure winner?
Ang sangkatutak bang celebrity supporters—na karamihan ay may milyun-milyong fans o followers—ay naggagarantiya ng sangkatutak ding boto para sa kandidatong kanilang sinusuportahan?
Sa susunod na mga araw, mapatutunayan kung totoo ang paniniwalang ito base sa magiging resulta ng presidential bids ng dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.
Si Marcos, 64, ay isang beteranong pulitiko mula sa Ilocos Norte at ang nag-iisang anak na lalaki ng dating diktador na si ex-President Ferdinand E. Marcos.
Si Robredo—na naging kongresista ng Camarines Sur bago nahalal na pangalawang pangulo ng Pilipinas—ay isang 57-year-old lawyer na unang nakilala ng publiko bilang biyuda ni dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.
Consistent sa pamamayagpag sa pre-election surveys, pinaniniwalaang magiging isang two-cornered race ang presidential elections ngayong Lunes, May 9, 2022, sa pagitan nina Marcos at Robredo.
Bukod kasi sa pangunguna sa presidential surveys, nangunguna rin sina Marcos at Robredo sa paramihan ng celebrity endorsers na sumusuporta, nag-eendorso, at nagpe-perform sa campaign rallies para sa kanila.
Dumarating pa nga sa puntong sumasabay sa umiigting na tapatan nina Marcos at Robredo sa pampanguluhan ang pagsasagutan at pagpaparunggitan ng kani-kanilang celebrity supporters.
Kaugnay nito, inilista ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pangalan ng mga kilalang personalidad—mula sa teen stars hanggang sa beauty queens, veteran actors, singers, at celebrity politicians—na nagpahayag ng suporta kina Marcos at Robredo para maging susunod na presidente ng Pilipinas.
TONI, NORA, AI-AI FOR MARCOS
Isa sa mga unang celebrities na buong pagmamalaking nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Marcos ay ang dating Kapamilya singer-actress-TV host na si Toni Gonzaga at asawa niyang si Direk Paul Soriano.

Si Toni ang orihinal na host sa mga campaign rallies ni Marcos at ng UniTeam ticket nito, habang si Direk Paul naman ang nasa likod ng TV ads ni Marcos at ng running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Kabilang din sa A-listers na pabor kay Marcos ang multi-awarded actress at tinaguriang Superstar na si Nora Aunor, ang drama actress na si Dawn Zulueta, at ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.


ALL FOR BBM
Tagasuporta rin at nagpe-perform sa sorties ni Marcos ang actor-director na si Cesar Montano at anak nitong aktor na si Diego Loyzaga, gayundin ang singers na sina Andrew E, Randy Santiago, Wency Cornejo, Richard Reynoso, at ang komedyanteng si Bayani Agbayani.

Proud “BBM” (Bongbong Marcos) supporters din ang dating aktres na si Elizabeth Oropesa at ang sexy actresses na sina Ynez Veneracion at Nathalie Hart; ang TV host na si Daphne Oseña-Paez; at ang TV host na dating deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio.

CELEBRITY CANDIDATES FOR 2022 POLLS
Inaasahan naman nang magpapahayag ng suporta kay Marcos ang ilang celebrities na umaasinta rin ng kani-kaniyang posisyon sa gobyerno ngayong eleksyon at nasa ilalim ng kanyang partido.
Kabilang sa kanila ang mga dating aktor na sina Jinggoy Estrada (kandidatong senador) at Herbert Bautista (senador), ang dating Kapamilya host na si Karla Estrada (3rd nominee ng Tingog Party-list), at ang former actress na si Claudine Barretto (konsehal, Olongapo City).
Konsehal (Quezon City) din ang tinatakbuhan ni Aiko Melendez, habang magpapalit naman ng puwesto ang mag-asawang sina Congresswoman Lucy Torres Gomez (Ormoc City mayor) at Ormoc Mayor Richard Gomez (congressman, 4th District, Leyte).

Pati si Robin Padilla, na nasa ilalim ng PDP-Laban senatorial slate, ay naging adopted candidate ng UniTeam.

Performers din sa mga rallies ni Marcos ang comedienne na si Rufa Mae Quinto, ang singer na si Lyca Gainarod, Jason Fernandez, ang mag-asawang stage actors na sina Robert Seña at Isay Alvarez, at ang mga bandang Aegis, Silent Sanctuary, at South Border.
Sa huling miting de avance ng UniTeam ay nag-perform ang Concert Queen na si Pops Fernandez.
ANGEL, PIOLO, VICE, MORE A-LISTERS FOR LENI
Prominente ang pink, campaign color ni Robredo, sa sunud-sunod na pagdedeklara ng suporta sa kanyang kandidatura ng pinakamalalaking pangalan sa Philippine showbiz, sa pangunguna ng actress-humanitarian na si Angel Locsin, ng award-winning actor na si Piolo Pascual, at ng It’s Showtime Host na si Vice Ganda.



Supporters din ni Robredo ang blockbuster stars na sina Anne Curtis, Bea Alonzo, at Liza Soberano; ang reel-and-real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng sikat na KathNiel love team; at ang mag-asawang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.


Todo-suporta rin maging sa campaign rallies ni Robredo ang veteran actress at binansagang Diamond Star na si Maricel Soriano; ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at asawang OPM legend na si Ogie Alcasid; at ang veteran singer-actress at Megastar na si Sharon Cuneta.


Asawa ni Sharon ang running mate ni Robredo na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

KRIS & JOHN SPEAK; GARY & ELY SING
Upang ipakita ang buong suporta sa kandidatura ni Robredo, nag-speech sa isang campaign rally niya ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang Heneral Luna star na si John Arcilla.

Humarap din sa daan-daan libong Kakampinks ang mga beteranong aktor na sina Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Pokwang, at Leo Martinez.
Performers din sa campaign sorties ni Robredo ang veteran OPM artists na sina Gary Valenciano, Janno Gibbs, Ely Buendia, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Mitch Valdez, Celeste Legaspi, at sina Jim Paredes at Buboy Garovillo ng Apo Hiking Society.

ACTRESSES WHO ARE PROUD KAKAMPINKS
Ilan pang lead actresses ang kung hindi man nagpahayag ng suporta sa presidential candidacy ni Robredo sa pamamagitan ng social media post ay nagsagawa ng sariling house-to-house campaign para sa Bise Presidente.
Kabilang sa kanila sina Nadine Lustre, Janine Gutierrez, Iza Calzado, Angelica Panganiban, Carla Abellana, Julia Barretto, Janella Salvador, at Maja Salvador.

Self-proclaimed Kakampinks din sina Kuh Ledesma, Mylene Dizon, Agot Isidro, Angel Aquino, Jolina Magdangal, Camille Prats, at Bianca Gonzalez.

EVEN THE QUEENS AND THE TEENS
Maka-Leni maging ang ipinagmamalaki nating international beauty titlists na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss International 2016 Kylie Verzosa, at Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Si Robredo rin ang napipisil na maging susunod na pangulo ng bansa ng teen stars at first-time voters na sina Andrea Brillantes, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren Espanto, at JK Labajo.

Pati ang Kapuso twins na sina Cassy at Mavy Legaspi ay suportado si Robredo.

OPM ARTISTS SING FOR LENI
Madalas mabalita ang daan-daang libong dumadagsa sa mistulang concert na campaign events ni Robredo dahil nagtatanghal para sa kanya ang ilan sa pinakasikat na OPM artists sa bansa ngayon.
Nangunguna sa mga ito ang mga bandang Ben&Ben, Rivermaya, Moonstar 88, at Imago, gayundin ang performers na sina Yeng Constantino, Christian Bautista, Nyoy Volante, Ebe Dancel, Jona, Johnny Danao, Clara Benin, Jugs Jugueta, at Gab Valenciano.

Isang campaign song naman ang isinulat at inawit ng singer-songwriter na si Moira dela Torre para kay Robredo.
Headliner din sa Leni-Kiko campaign rally and OPM icon na si Ely Buendia.

MORE SUPPORTERS
All-out support din kay Robredo ang talent manager-host na si Ogie Diaz; ang dating aktres na si Marjorie Barretto at anak na si Dani Barretto; maging ang mga aktres na sina Pauleen Luna, Lauren Young, Miles Ocampo, Chynna Ortaleza, Nikki Valdez, Rica Peralejo, Ana Roces, Shamaine Buencamino, at Pinky Amador.

Si Robredo rin ang dapat maging susunod na presidente ng Pilipinas para sa mga aktor na sina Jake Cuenca, JC de Vera, Jake Ejercito, Albie Casino, Adrian Alandy, Elmo Magalona, Adrian Lindayag, Ian Pangilinan, Pepe Herrera, at Nico Antonio.
Proud Kakampinks din ang singer na si Rhap Salazar, ang social media personalities na sina Diego Gutierrez at Macoy Dubs, Sassa Gurl, Pipat, Kween Yasmin, at ang vloggers na sina MC at Lassy ng Beks Battalion.
RELATED STORIES:
- 2022 PRESIDENTIABLES | Leni Robredo: Beating the odds
- 2022 PRESIDENTIABLES | Ping Lacson: The Supercop Senator
- 2022 PRESIDENTIABLES | Bongbong Marcos: Unfazed by controversies
- 2022 PRESIDENTIABLES | Manny Pacquiao: From kargador to boxing legend and senator
- 2022 PRESIDENTIABLES | Isko Moreno: From basurero in Tondo to Manila mayor
- 2022 PRESIDENTIABLES | Leody de Guzman: The Labor Leader