Para kay Xian Lim, "surreal experience" ang pagiging isang director.
Ang indie movie na Tabon ang nagsilbing directorial debut ni Xian, at inilabas ito sa Cinemalaya noong 2019.
Nagkuwento si Xian tungkol sa kanyang paghanga sa mga direktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.
Aniya, “Being a director is a surreal experience. Kaya nga sobra kong ina-idolize sina direk Irene [Villamor].
“When I was starting out, pinaka-una kong pelikula si Direk Irene yung nagsulat. And I’ve always been fascinated sa, kumbaga, sa requirements or sa talino na meron sila because it takes so much work."
Ang pelikulang tinutukoy ni Xian ay ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo na pinagbidahan nila ni Kim Chiu nong 2013.
Isinulat ito ni Irene Villamor, na siya namang direktor ngayon ni Xian sa False Positive, ang unang acting project ni Xian sa GMA-7.
“So yung fulfillment just to be able to direct a scene, to frame a shot or to write a story, nothing can beat that feeling. So parang ano lang, out-of-this-world experience.”
Bilang bagong Kapuso, bukod sa pag-arte ay wish ba ni Xian na mabigyan din siya ng proyekto bilang isang direktor?
“Iyon nga po, e. Ngayon po mga Kapuso, nananawagan po ako sa mga boss na nanonood. Kung naka-record man po ito, sana po ay i-share niyo rin po ito,” birong reaksiyon ni Xian sa tanong namin.
“Sobra! I hope they can give me an opportunity, iyon nga po, more projects and makapagdirek at makapagsulat po sa kanila.”
Nais rin ni Xian, kung mabibigyan ng pagkakataon, na idirek ang kanyang sarili sa isang teleserye ng GMA-7.
“Definitely, of course, of course! That’s something na parang kumbaga pinaplano ko siya, iniisip ko regularly na parang, ‘Paano kaya ako kung ididirek ko ang sarili ko?’
“How is that gonna be?
“So that’s gonna be a challenge, pero definitely that would be a dream come true para sa akin.”
Sa False Positive ay lead actress si Glaiza de Castro, kasama sina Herlene "Hipon Girl" Budol at Buboy Villar. Ito rin ang first major TV role ni Herlene.
Nasa cast rin sina Tonton Gutierrez, Yvette Sanchez, Luis Hontiveros, Rochelle Pangilinan, Alma Concepcion, Dianne dela Fuente, at si Ms. Nova Villa.
Mapapanood ang False Positive tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
