Hindi na naka-follow si Moira dela Torre sa Instagram account ng kanyang estranged husband na si Jason Hernandez.

Ito ay matapos nilang ianunsiyo sa publiko kahapon, May 31, 2022 ang kanilang hiwalayan matapos ang tatlong taong pagsasama mula nang sila'y ikinasal.
Mapapansing halos burado na rin lahat ng mga larawan nila ni Jason sa account ni Moira.
Bago pa man lumabas ang public announcement ni Jason tungkol sa breakup, napansin na ng netizens ang color black lang na Instagram Story ng singer.

Makalipas ang ilang oras, ibinahagi ni Moira ang screenshot ng announcement ni Jason tungkol sa kanilang hiwalayan.

Burado na rin sa account ni Jason ang halos lahat ng larawan nila ni Moira.
Pero nananatili naman siyang naka-follow sa account ng asawa.

Ikinagulat ng maraming netizens ang anunsiyo ni Jason na hiwalay na sila ni Moira.
Ayon kay Jason, mutual decision ito kasunod ng kanyang pag-amin sa asawa noong nakaraang buwan na hindi siya naging tapat noong nagsasama pa sila.
Nananatili naman daw ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.
Humihingi rin sila ng privacy sa kanilang pinagdadaanan ngayon.
Buong mensahe sa short note ni Jason sa kanyang social media accounts:
"It is with a heavy heart that after 3 years of marriage, we announce that we are parting ways. Our love and respect for each other remains. We request privacy during this difficult time.
"Jason & Moira."
Sa kanyang caption, humingi ng patawad si Jason sa nasaktan niya sa pangyayari lalo na kay Moira.
Aniya, "3 years ago, I married my bestfriend with the intent of spending the rest of my life with her.
"Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.
"I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a 'peaceful' but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.
"From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi."
View this post on Instagram
Ikinasal sina Moira at Jason sa isang garden ceremony sa Tagaytay noong January 14, 2019.
Hanggang ngayon ay wala pang public statement si Moira.
