Hindi napigilang sagutin ni Jake Cuenca ang isang netizen na nagsabing lalaki naman daw ang gawing karelasyon ng aktor matapos itong makipaghiwalay sa dating nobyang si Kylie Verzosa.
READ: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa
Sa kanyang Instagram post noong May 30, 2022, nagbigay-pugay si Jake kay Iza Calzado, ang ka-"loveteam" niya sa upcoming series na K Love.
Nauna na rito ang pasasalamat ni Iza dahil sa solid na pagkakaibigan nila ni Jake na nagsimula may labindalawang taon na ang nakararaan.
Pinapurihan din ni Iza ang professionalism at disiplina ni Jake pagdating sa trabaho.
Kaya naman malaki ang pasasalamat ng aktor sa kapareha.
Saad ni Jake, “Loveteam, pinaiyak mo Ako. [crying, heart emojis]
“Thank you for this beautiful and heartfelt tribute. It is only natural for me to care for you because you do the same for me and everyone on set.
“I sent you a proper thank you via voice note na so won’t say everything here but allow me to publicly express my love and repsect for the human being that you are. Grateful for you, Loveteam.
“Hassle naman Kasi ngayon kailangan ko paghandaan tribute post ko sayo. Shet. Hahaha! Miss you already!”
View this post on Instagram
Ngayong Martes, June 7, isang netizen ang nagkomento sa post na ito ni Jake.
Suhestiyon nito, subukan naman daw ni Jake na lalaki ang gawing karelasyon dahil malas daw siya sa babae.
Komento ng netizen, “Sa susunod na lovelife mo @juancarloscuenca lalaki naman jowain mo malas ka sa babae sayang pang asawa kana sana haha”
Pinatulan siya ni Jake. Walang profile photo ang nasabing Instagram user kaya hinala ng aktor, isa itong troll.
Sagot ni Jake: “sa susunod mong troll account mag post ka naman ng photos para Pwede ka namin pagtawanan.”
Bumawi naman ang nasabing netizen. Hindi raw siya basher. Concern lang daw siya na walang nagtatagal na karelasyong babae ang aktor.
Sabi nito, “Boss wag galit agad [laughing emoji] hindi naman ako ng babash napansin ko lang kasi puro break ka lagi baka malay mo sa lalaki ka talaga lods.”

Hindi na siya sinagot ng Kapamilya star.
Nitong nakaraang Abril, inamin ni Jake na hiwalay na sila ni Kylie matapos ang halos tatlong taong relasyon.
