PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brenda Mage gives boyfriend new iPhone

Brenda: "Nagbigay na ako ng iphone tama kayo gastos talaga pag manglalaki."
by Arniel C. Serato
Published Jun 8, 2022
Brenda Mage gifts new boyfriend new iPhone
Brenda Mage proudly announces on Facebook that he gifted new boyfriend Gio Sta. Ana with the latest iPhone. In return, Gio gave Brenda pinakulob na itik.
PHOTO/S: Courtesy: Brenda Mage on Facebook

May pang-asar muli si Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Fifth Big Placer na si Brenda Mage sa bashers.

Ngayong Miyerkules, June 8, 2022, ipinaalam ni Brenda sa kanyang followers na gumagastos talaga siya para sa bago niyang boyfriend na si Gio Sta. Ana.

Binilhan niya ang nobyo ng bagong iPhone.

Dahil sa kanyang regalo, binigyan naman siya ng boyfriend ng pinakulob na itik.

Caption ni Brenda sa kanyang Facebook post: “Oh diba ang Sweet.. Binigyan ko sya ng Iphone binigyan nya ako ng pinakulob na Itik hahahahaha….

"Oh mga Maritess nagbigay na ako ng iphone tama kayo gastos talaga pag manglalaki haha…”

May paliwanag si Brenda kung saan niya kinuha ang pinambili ng bagong cellphone.

Kumita na raw kasi ang vlog niya noong bumisita siya sa bahay ni Gio, at ito bale ang kanyang share sa nobyo.

Dagdag niya, “oops Share ko yan sa kanya dahil sa income ko sa Vlog nung bumisita ako sa bahay nila”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong mga nakaraang araw, pinangunahan na ni Brenda ang netizens na maaaring sabihan siyang pera lang ang habol sa kanya ng bagong boyfriend.

Wala raw siyang pakialam sa mga ito.

Aniya, “Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?

"Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?”

READ: Brenda Mage proud to introduce new boyfriend; laughs off naysayers

June 2, 2022 inanunsiyo ni Brenda na mayroon siyang bagong boyfriend.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brenda Mage proudly announces on Facebook that he gifted new boyfriend Gio Sta. Ana with the latest iPhone. In return, Gio gave Brenda pinakulob na itik.
PHOTO/S: Courtesy: Brenda Mage on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results