Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si BB Gandanghari kay Carmina Villarroel dahil sa pagpanaw ng ama ng aktres si Reggie Villarroel.
Si BB, na dating nakilala bilang aktor na si Rustom Padilla, ay ex-husband ni Carmina.
Sa Instagram kagabi, June 14, nag-post si Carmina ng video nilang magkamag-anak kung saan nagpalipad sila ng mga lobo para sa pumanaw na ama.
Caption ng Kapuso actress, “We love you Daddy Regy [heart, praying hands emojis]”
Pumanaw ang ama ni Carmina noong June 7, 2022.
Read: Carmina Villarroel mourns passing of father Reggie Villarroel
View this post on Instagram
Nagkomento si BB sa post na ito ni Carmina ngayong Miyerkules, June 15.
Nagpaabot siya ng pakikiramay sa Kapuso actress-host at sa buong pamilya nito.
Masuwerte raw siyang nakilala si Reggie na isang respetado, mabuti, at cool na tao.
Buong komento ni BB: “I’m so sorry to hear… My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family.
"Daddy Regy is one of the most respectable, kindest and coolest person I have ever met.
"I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar.
"I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. [black heart, broken heart emojis] Hugs to you…. [praying hands emoji]”

CARMINA AND RUSTOM RELATIONSHIP
Noong 2019, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carmina kung ano ang nararamdaman niya tuwing natatanong siya tungkol sa ex-husband na si Rustom.
Nakangiting tugon niya, “Wala naman, kasi that’s really my past, as much as gusto ko kalimutan or burahin.
"I cannot, I cannot delete those chapters in my life.
"And, kung ano ako ngayon and kung paano ako ngayon as a person, it’s because of my past. It’s because of my experiences before.
"So, wala, wala, it’s part of my life already.
“Mag-move on na lahat, wala na namang issue.”
Si BB ay kilala bilang '90s matinee idol na si Rustom Padilla.
Naging magkasintahan sila ni Carmina at kalauna'y sikretong nagpakasal sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Caloocan noong June 4, 1994.
Taong 1997 nang ihayag nila sa publiko ang kanilang paghihiwalay. Kasunod nilang ibinunyag ang kanilang lihim na kasal.
Matapos ang isang taon ng kanilang paghihiwalay, nag-file ng annulment si Carmina na na-grant naman nung 2002.
November 2012 nang muling ikasal si Carmina kay Zoren Legaspi, na ama ng kanyang kambal na sina Cassy at Mavy Legaspi.
Samantala, si Rustom naman ay nagdesisyong lumisan sa showbiz noong 2001.
Pumasok siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 1 bilang isa sa housemates noong 2006.
Doon sa loob ng Bahay ni Kuya nag-out si Rustom.
Noong 2009, nagpalit siya ng pangalan at katauhan bilang si BB Gandanghari.
