Tuluyan na bang naghiwalay sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, 25, at Kapuso actor Jeric Gonzales, 29?
Ito ang katanungan ng netizens matapos i-unfollow ng magkasintahan ang isa't isa sa Instagram, na isang batayan sa estado ng relasyon ng showbiz couples.


Binura na rin ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric sa Instagram account niya.
Pero nananatili pa naman ang pictures nila together sa account ni Jeric.
Nitong nakaraang linggo, naging usap-usapan ang kumalat ang ilang cozy photos ni Jeric kasama ang isang di kilalang lalaki na inuugnay ng netizens sa aktor.
Kabilang sa mga larawang kumalat ang naghahalikan sila sa labi.
May mga netizen na kumuwestiyon kay Jeric at pati na sa relasyon nila ni Rabiya.
Akusa pa ng ilan ang diumano'y panloloko ni Jeric kay Rabiya.
Pero may ilan ding tagapagtanggol si Jeric na nagsasabing hindi dapat bigyang malisya ang kumalat na photos ni Jeric dahil eksena lamang daw iyon sa indie film ng aktor noong 2020.
Sa kabila ng iba-ibang espekulasyon sa social media, deadma ang magkasintahan sa isyu.
Nag-post pa nga sila ng post-date night photos nila noong June 14 para pabulaanang may sigalot sa kanilang relasyon dahil sa mga larawang kumakalat.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales post date night amid breakup rumor, actor's viral photos
Pero bago ito, noong May 29, may malamang hugot si Rabiya tungkol sa kanyang pagtitiis sa isang bagay na hindi niya umano deserve.
Nagpakawala ang beauty queen ng sentimyento sa kanyang personal na pinagdadaanan.
Ibinahagi niya sa Instagram ang art card na may mensaheng "I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn't deserve."
Caption niya na may kalakip na heart emojis: "Good night."
OFFICIALLY IN A RELATIONSHIP
Isinapubliko nina Rabiya at Jeric ang relasyon nila noong March 16, 2022. Pero ayon sa isang source na malapit sa aktor, noon pang November 2021 nagsimula ang kanilang relasyon.
Si Rabiya ang unang nagbahagi sa social media ng ilang sweet moments nila ni Jeric na kuha sa kanilang Bohol vacation.
May kuha sila overlooking Chocolate Hills kunsaan matamis ang ngiti nila habang nakatitig sa isa't isa.
Caption ni Rabiya kalakip ng shining at heart emojis: "Live. LOVE. Laugh.
Thank you, Eric."
Sinelyuhan ito ni Jeric ng kilig "I love you" message para kay Rabiya.
Reply ni Jeric kay Rabiya sa comment section ng post: "Let's be happy together. I love you."
Makalipas ang tatlong oras, si Jeric naman ang nag-post sa Instagram ng mga larawan nila ni Rabiya.
"To more memories with you @rabiyamateo I love you," saad ni Jeric sa caption ng IG post niya.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple
