Spotted together muli ang GMA News anchor na si Atom Araullo at ABS-CBN News anchor na si Zen Hernandez.
Pero this time, kasama ng dalawa ang ilang reporters mula sa magkakaibang istasyon ng telebisyon.
Noong Linggo, June 19, 2022, nag-post si Zen ng mga larawan nila ng mga kaibigan sa news industry na kuha sa kanilang lunch get-together.
Sabi niya sa caption, “Friends that lunch together…are officially titos and titas. [face with hand over mouth emoji] Tagging tito @dax.lucas coz nabusog kami!!! [face with tears of joy emoji]”
View this post on Instagram
Sa comments section, marami naman ang kinilig na umaasang may namamagitan kina Atom at Zen.



Nagkataon lang kaya o may kalakip na importansiya kina Atom at Zen ang kalagitnaan ng Hunyo?
Ganitong panahon din kasi noong 2021 spotted ang dalawa sa Balesin Island, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.
June 21, 2021 nang ibahagi ng CNN Philippines senior anchor na si Pinky Webb ang larawan nilang tatlo nina Atom at Zen na aksidenteng nagkasalubong sa nasabing island resort.
Sa caption ni Pinky, matalinhaga ang mga salitang ginamit nito dahil wala man siyang diretsong tinurang kaugnayan ng dalawa, pero “kinilig” daw siya.
Dating magkatrabaho sa ABS-CBN sina Pinky at Atom.
Mensahe ng host ng The Source at Balitaan ng CNN Philippines sa caption: “It was such a nice surprise!!
"Syempre, kinilig ako. Kasi, alam mo na……
“it’s always so nice to see former officemates diba? [winking face with tongue emoji]
“Family is love [blue heart emoji]
“Kayo talaga…”
Read: Are news anchors Atom Araullo and Zen Hernandez in a relationship?
Mula noon ay hindi na nag-post si Zen ng larawan nila ni Atom.
