Mukhang maayos na maayos na ang relasyon ng mag-inang KC Concepcion at Sharon Cuneta.
Ngayong Martes, June 21, 2022, nagbahagi si KC ng screenshots ng Facetime moment nila ng ina.
Dito, inihayag ni KC proud na proud siya sa kanyang ina.
Si KC ay anak ni Sharon sa unang asawa nitong si Gabby Concepcion.
Ikinalulungkot daw ni KC kapag nakaririnig na may mga mag-inang nagkakagirian na hindi na nagkakaayos.
Panimula ng Asian Persuasion star, “Not only THE… but MY one & only!!! [face holding back tears, flower emojis]
“I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them.”
Masaya raw siyang kabaligtaran ito sa sitwasyon nilang mag-ina na minsan ay nagkakatampuhan pero kaagad naman daw silang nagkakaayos.
Ngayon ay nakakapag-usap na raw sila na parang magkaibigan lang.
Iba raw talaga ang pagmamahal ng isang ina.
Saad ni KC, “I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other!
“I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE [sparkles emoji] @reallysharoncuneta”
View this post on Instagram
Ni-repost ito ni Sharon sa kanyang Instagram account.
Caption niya: “Facetiming with my eldest yesterday—while having 'Aurora’s hairstyle' - extensions - attached! Love you, Toot! [three hearts, three praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Ilang beses nang napansin ng publiko ang away-bating relasyon nina KC at Sharon.
Isa na rito noong February 2020, kung saan ayon sa isang netizen ay pinatamaan ni Sharon si KC sa appreciation post ng Megastar para kay Angel Locsin.
Read: Sharon Cuneta accused of criticizing daughter KC Concepcion on social media; Megastar hits back
Noong October 2021, sinita ng ilang netizens si Sharon dahil sa paglipad nito sa Amerika upang bisitahin si Frankie Pangilinan, panganay na anak nila ni Senator Kiko Pangilinan, ay hindi man lang daw nito dinalaw si KC na nasa U.S. din.
Read: Are Sharon Cuneta and daughter KC Concepcion not on speaking terms again?
Ngayon, mukhang plantsado na ang mga gusot na namagitan sa kanila.
