PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres happy with GMA-7

On being loveless: "Hindi mo gagawing missing piece yung lovelife."
by Rommel Gonzales
Published Jun 25, 2022
Andrea Torres about being a Kapuso
Andrea Torres is set to star in an international movie titled Pasional, and a series, which, she says, "...ayokong i-claim until it’s there, until may storycon na..."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram

Halos hindi namalayan ni Andrea Torres na two years na pala siyang loveless.

Busy kasi siya sa pagbibidahang international movie na Pasional, kung saan gaganap siya bilang isang dancer.

Panay rin an biyahe niya sa iba't ibang bansa.

Andrea Torres in Japan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrea Torres in Las Vegas

Kumusta ang buhay single?

“Ako naman po kasi I’m happy and content with my life as is. Pag nagkakaroon ako ng karelasyon, he adds to it. Hindi mo gagawing missing piece yung lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para ikaw rin, buo kang papasok sa buhay ng karelasyon mo.

“I have a solid faith so I never look for it. Naniniwala akong darating iyan pag feel ni God na ready na ulit.

"Basta I give my whole focus and energy with everything that I do.”

Kanino siya kumukuha ng inspirasyon sa buhay?

“Of course number one diyan si God who’s been so good to me. He inspires me to live my life with a purpose. Live life to the fullest.

“Next diyan ang mga goals ko at ang family ko. Marami akong dreams at kasama sila lagi doon.”

Ano ang next project ni Andrea Torres sa GMA?

Aniya, “Meron po akong naririnig pero, alam niyo naman po ako ayokong i-claim until it’s there, until may storycon na at nagte-taping na kami. He! He! He!

“Pero this is one of my best years with GMA. I am very grateful sa takbo ng career ko sa kanila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang huling serye na pinagbidahan ni Andrea ay ang Legal Wives, na umere mula July hanggang November 2021.

Naging bida rin siya sa romantic comedy series ng WeTV na BetCin, kung saan nakasama niya si Kylie Padilla.

ANDREA TORRES ON WORKING WITH JOHN LLOYD CRUZ

Samantala, nakatrabaho na ni Andrea sa ilang episodes ng Happy ToGetHer si John Lloyd Cruz; paano niya ilalarawan bilang tao at bilang actor si JLC?

Papuri nito sa aktor, “Napaka-humble niya despite his talents and all his achievements.

"Nakaka-inspire to see him at work kasi iba siya mag-isip at mag-interpret ng eksena.

“Meron siyang mga dinadagdag para mapaganda ang mga eksena, na ikaw parang, ‘Ay oo nga noh, ang galing!’

“Ang galing niya maghimay ng eksena. Magaan sa set kasi maloko rin siya. Masaya lang.”

Bilang dati rin siyang talent sa kabilang istasyon, ano ang reaksiyon niya sa mga artistang nagsisilipat sa GMA?

“Sa akin po natutuwa ako kasi fresh po sa paningin ng mga tao and even sa amin na may makasama po kami for the first time. Exciting siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I welcome it.”

ANDRES TORRES' TRAVELS

Sa dami ng mga napuntahan na niyang lugar, tulad ng mga lugar na napuntahan niya sa shooting ng Pasional, kahit may pandemya, saan pa niya nais pumunta at magbakasyon at bakit?

Andrea Torres in Argentina

“Marami pa po. Travel po talaga ang tinuturing kong reward sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto ko po makapunta ng Paris, Italy, Spain, Rome, Greece, Switzerland… and the list goes on. He! He! He!

“Marami rin po akong napuntahan na gusto kong balikan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres is set to star in an international movie titled Pasional, and a series, which, she says, "...ayokong i-claim until it’s there, until may storycon na..."
PHOTO/S: @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results