Nananatiling maganda ang relasyon ni Ruffa Gutierrez, 48, sa isa pang anak ng ex-husband niyang si Yilmaz Bektas na si Ilknaz Lauren Bektas.
Si Ilknaz, 23, ay anak ni Yilmaz, 44, sa una nitong asawa, ang Turkish actress na si Selen Görgüzel Alkan, 43.
Sina Ruffa at Yilmaz naman ay ikinasal noong 2003 at naghiwalay noong 2007.
May dalawa silang anak—sina Lorin, 18, at Venice, 17.
Nang bumisita kamakailan sina Lorin at Venice sa Istanbul, Turkiye para makapiling muli ang amang si Yilmaz, sumalubong din si Ilknaz sa kanyang half-sisters.
Aktibo si Ilknaz sa pagpo-post ng mga larawan kasama sina Lorin at Venice.
Bunsod nito, maraming Filipino netizens ang sumubaybay at nagpahayag ng suporta kay Ilknaz.
Bakas naman sa social media ang magandang relasyon nina Ruffa at Ilknaz.
Sa isang recent mirror selfie na ipinost ni Ilknaz sa Instagram, nagkomento si Ruffa.
“Love you, Nazo!!! [heart emojis]” sabi ni Ruffa, gamit ang palayaw ni Ilknaz.
Sagot si Ilknaz: “@iloveruffag love you more ruffa abla [heart emoji]”
Ang “abla” ay Turkish word ng older sister.

Ramdam na ramdam din ni Ilknaz ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
Maraming Filipino netizens ang nagkomento ng papuri, pasasalamat, at suporta kay Ilknaz kasunod ng masasayang post nito kasama sina Lorin at Venice.
Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya, gumawa pa ng appreciation post si Ilknaz sa Filipino supporters.
Sa ngayon, nakabalik na sa Pilipinas sina Lorin at Venice matapos ang 12-day visit nila sa Istanbul.
RUFFA AND THE BLENDED FAMILY
Samantala, lumalabas na blended family ang mga mga dating asawa at mga anak ni Yilmaz.
Noong June 19, 2022, nag-post si Ilknaz ng Father’s Day celebration kasama sina Lorin at Venice at amang si Yilmaz.
Nagkomento ang former wives ni Yilmaz na sina Selen at Ruffa.
Komento ng Turkish actress na si Selen ay heart emoji, nazar, at dizzy star.
Ang nazar ay Turkish amulet panlaban sa masama.
Tatlong red heart emojis naman ang komento ni Ruffa.
Nangangahulugang pabor sina Ruffa at Selen sa pagsasama ng kani-kanilang mga anak at kanilang ama.

Naka-follow rin sa isa’t isa sina Selen at Ruffa.

Si Selen ay ikinasal sa Turkish director na si Hamdi Alkan noong 2014, pero nito lamang Marso ay napabalitang naghiwalay na sila.
