Ken Chan posts message of support for Rita Daniela after announcing her pregnancy

by Erwin Santiago
Jun 26, 2022
rita daniela ken chan
Ken Chan to loveteam partner Rita Daniela: "You’ve always been incredible and strong, and certainly, You. You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always."
PHOTO/S: Jerry Olea

Nagpahayag ng suporta si Ken Chan para sa ka-love team na si Rita Daniela kasunod ng pag-amin ng singer-actress na nagdadalantao siya.

Inanunsiyo ni Rita ang tungkol sa kanyang pagbubuntis sa Kapuso musical-variety show na All-Out Sundays ngayong Linggo, June 26, 2022.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Sa pamamagitan ng Twitter at Instagram ngayong Linggo ng gabi, tiniyak ni Ken na lagi siyang maaasahan ni Rita bilang kaibigan na nagmamalasakit.

Mensahe ni Ken para kay Rita at sa dinadala nito: "Miracles are worth their weight in gold, if not many times more.

"I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on.

"I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.

"As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what."

Pinuri rin ni Ken ang pagiging kamangha-mangha at malakas ni Rita.

Aniya, "You’ve always been incredible and strong, and certainly, You.

"You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always.

"I am so proud of you @missritadaniela"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taliwas sa inaakala ng iba, hindi si Ken ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita.

Marami ang umaasang magkatuluyan sina Ken at Rita mula nang pumutok ang tambalan nila sa Kapuso afternoon drama series na My Special Tatay (2018-2019).

Nasundan ang kanilang pagtatambal sa mga teleseryeng One of the Baes (2019-2020) at Ang Dalawang Ikaw (2021), at sa pelikulang Huling Ulan Sa Tag-araw (2021).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa ipinapakilala ni Rita sa publiko ang ama ng kanyang dinadala.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan to loveteam partner Rita Daniela: "You’ve always been incredible and strong, and certainly, You. You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results