Excited na ang Kapamilya love team na sina Alexa Ilacad at KD Estrada, o mas kilala bilang KDLex, na lumipad patungong United States para sa Beyond the Stars: Star Magic U.S. Tour.
Nakatakdang mag-perform ang Star Magic artists sa Brooklyn, New York, sa August 6, 2022 at sa Beverly Hills, Los Angeles sa August 14, 2022.
Sa virtual mediacon ng concert noong June 30, 2022, hindi napigilan nina Alexa at KD na ibahagi kung gaano sila ka-excited sa U.S. trip.
Ito rin kasi ang unang pagkakataon na magkasama silang lalabas ng bansa.
Ani KD, “Siyempre, first time namin ni Alexa na mag-abroad together and first time naming mag-show abroad together.
"We're doing it for work, of course, but during our rest days, I think we would walk around, just try the food there and take pictures.
“I don’t really have specific things in mind. I just wanna go with the flow and see.
"And whatever we see, ita-try na lang namin."
Si Alexa naman, handang-handa dahil nakapag-impake na raw siya kahit mahigit isang buwan pa bago ang kanilang U.S. trip.
Kuwento ng Kapamilya actress, “I think ang magiging most memorable part is being able to perform together for the first time in the U.S. in front of our international fans, that’s what I’m most excited about.
“For me, ayon yung best feeling sa akin—yung nakakapagperform ako sa harap ng maraming tao.
"Actually, nakapag-impake na nga ako, e. I’m ready to go!"
Unang nagkasama sina KD at Alexa sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, kung saan bahagi sila ng celebrity batch.
Paglabas ng bahay ay ginawang love team ang dalawa at naging bida sa digital series na Run To Me.
Malaki rin ang pasasalamat ng KDLex sa Star Magic dahil isinama sila sa nasabing event.
Pagbabahagi ni Alexa, “It’s a huge honor na mapasama sa ganitong klaseng event.
"I’ve been with Star Magic all my life and the fact that they’re bringing me with them now, it means so much to me.
“When they told us that the international fans really wanted to see us, they wanted to meet us, it really warms my heart.
"Because as much as they want to meet us, I want to see them even more.”
Si KD naman, hindi raw akalain na ganito kalayo ang mararating ng kanyang karera.
Aniya, “Honestly, it feels like a dream because I remember I was just in Star Magic when I am 16 years old.
"I never thought I would make it this far. Right now, I’m 20 years old, I still have a lot going on.”
Pangako naman ni KD sa kanilang international fans, “The fact na we get to see them live soon, yung mga abroad fans, we give you a good show.”
Kapag nabigyan din daw ng pagkakataon, iba-vlog ng KDLex ang kanilang U.S. trip.
Bukod sa KDLex, makakasama rin sa Beyond the Stars: Star Magic U.S. Tour sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Maymay Entrata, Edward Barber, Zanjoe Marudo, Kim Chui, Andrea Brillantes, Janine Berdin, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Gigi de Lana, Charlie Dizon, Maris Racal, Carlo Aquino, P-pop group BGYO, Eric Nicolas, Lian Kyla, Sab, at Angela Ken.