PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano called "kuyang manyak" by wife Jessy Mendiola

Luis: "Sino bang mag-aakala ang tawag sa akin dati 'kuyang manyak'?"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 8, 2022
Luis and Jessy
Luis Manzano shares a laugh with wife Jessy Mendiola as he narrates how she used to call her "kuyang manyak."
PHOTO/S: Screengrab @LUISMANZANO YOUTUBE

Halos hindi makapaniwala ang TV host-actor na si Luis Manzano na magkakatuluyan sila ng misis nitong si Jessy Mendiola.

Read: Surprise!!! Luis Manzano and Jessy Mendiola marry in secret on February 21, 2021

Sa kayang latest vlog sa YouTube, kasama si Jessy, ama na si Edu Manzano at girlfriend nitong si Cherry Pie Picache, naikuwento ni Luis na "kuyang manyak" ang tawag sa kanya noon ng misis.

Ito ay nang mapag-usapan nila ang tungkol sa taong itinadhana.

Ayon kay Luis, naniniwala siyang ang itinadhana ay talagang mangyayari kagaya ng nangyari kay Edu at Cherry Pie, na muling pinagtagpo matapos ang mahabang panahon.

Read: Edu Manzano, Cherry Pie Picache open up about jealousy in their relationship

Komento ni Luis, "Ang itinadhana ay talagang mangyayari. Sino bang mag-aakala ang tawag [ni Jessy] sa akin dati 'kuyang manyak'?”

Agad naman itong sinang-ayunan ni Jessy.

Aniya, "Totoo iyon, kaya ako selosa. Kaya ako selosa nung first two years namin kasi [si Luis] smooth talker, ganyan, ang daming kaibigan na babae, yung very ano... out there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang ako yung, 'ang manyak naman nito' kaya [malapit] sa mga babae."

Nilinaw at ipinaliwanag naman ni Luis kung bakit siya close sa kanyang mga kaibigang babae.

Saad niya, "Teka lang, hindi porket marami kang kaibigang babae kung lumakad ako [dumidila] yung gumaganun ako."

Dagdag ni Luis, "Palabiro lang ako sa mga kaibigan."

Pagbabahagi naman ni Cherry Pie, ganun daw talaga ang mag-amang sina Edu at Luis.

Biro pa ni Edu, "Pinagmamalaki kong namana niya sa akin [dumila], proud na proud ako."

Noong February 21, 2021 ay ikinasal sina Jessy at Luis makaraan ang anim na taon bilang magkasintahan.

Nitong April 2022, nagtungo sila sa Dubai para sa kanilang "official honeymon" na siyang itinuturing nilang first trip nila bilang mag-asawa.

Si Luis ay anak ni Edu sa una nitong asawa na si Vilma Santos.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano shares a laugh with wife Jessy Mendiola as he narrates how she used to call her "kuyang manyak."
PHOTO/S: Screengrab @LUISMANZANO YOUTUBE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results