Nakaka-relate si Bianca Umali sa kanyang latest role sa Magpakailanman.
Gaganap si Bianca bilang si Shen sa episode na pinamagatang "Insta-Nanay." Mapapanood ito ngayong Sabado, July 30, 2022.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong si Bianca kung ano ang kaibahan ng role na ito sa mga nagampanan niya sa mga nagdaang episodes ng Magpakailanman.
Sagot ng Kapuso actress, “Ang kaibahan ng pagganap ko sa role na ito kumpara sa mga nagawa ko na noon is that this time, hindi ako umaarte.
“This role is very similar to who and how I am in real life. A lola's girl, both an ate and a mom to my younger cousins, and a hardworking selfless person.”
Sa kuwento kasi ng Magpakailanman, napilitan ang karakter ni Bianca na maging nanay sa kanyang mga nakababatang kapatid dahil nakulong ang kanilang ina.
Sa tunay na buhay, kaya rin daw ni Bianca na tumayong ina sa kanyang mga kapatid.
“Yes. Masasabi ko na siguro kaya kong tumayo bilang isang ina hindi man sa mga sariling kong anak ngayon o sa mga kapatid dahil ako ang pinakabata, pero ginagawa ko na ito sa mga nakababatang pinsan ko.”
Samantala, laging "excited and thankful" si Bianca kapag kinukuha siya para mag-guest sa Magpakailanman.
Aniya, "I take it as an affirmation na may tiwala sila sa akin, sa kakayahan ko, at sa pagmamahal ko sa trabaho ko.”
Naniniwala rin ang Sparkle actress na acting vehicle palagi para sa kanya ang Magpakailanman o MPK.
“Definitely. I take MPK as a challenge every time. It is always an acting piece for me.”
Papayag ba si Bianca na isadula sa Magpakailanman ang tunay na kuwento ng kanyang buhay?
“Sa ngayon ay gusto ko muna itong pag-isipan,” ang sagot ni Bianca.
Kasama ni Bianca sa "Insta-Nanay" sina JM Bautista bilang Ken-Ken, Prince Clemente bilang Eric, Ces Quesada bilang Libay, Mon Confiado bilang Kitoy, at Rita Avila bilang Marife.
Ang latest episode ng Magpakailanman ay sa direksiyon ni Rechie Del Carmen, sa pananaliksik ni Karen Lustica, at sa panulat ni Benson Logronio. Mapapanood ito sa Sabado, July 30, 8:15 p.m. sa GMA-7.
LOOKING FORWARD TO COLLABORATION
Samantala, ngayong Sabado rin gaganapin ang Thanksgiving Gala ng GMA-7.
Excited si Bianca na makita at makasama ang kanyang fellow Kapuso stars.
"Each and every one!" bulalas ng aktres.
“On the night of the gala, I am looking forward to the overall experience. The interaction with the people, the program, the memories.”
Pinaghandaan raw ni Bianca ang kanyang beauty look para sa malaking event ng Sparkle.
“There are plenty of preparations to do. I personally am prepping my physical appearance, skin, look, outfit, makeup, hair for the night, and a whole lot conceptualizing and more."
Pahayag pa ni Bianca, “I will be having my own interpretation of the theme 'Old Hollywood,' which I am very much excited about—the details, the meaning, the overall look.
"My night will be about self expression, depth, and confidence.”
Pagdating sa kanyang acting career, hirap ang Kapuso actress na pumili kung sino ang mga gusto niyang katrabaho sa kanyang dream projects kasi, “I haven't worked with a lot of people."
Pero pagtitiyak niya, "My doors are open and I am happy to work and collaborate with anyone and everyone.”
Pagdating naman sa dream roles, sabi ni Bianca, “Marami pa akong roles na gusto kong magampanan. Sa ngayon siguro, ang susunod na gusto kong ma-unlock is an action/drama/fantasy role.”
