PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Confiado immerses for his role in Nanahimik ang Gabi

"Malaking bagay kasi yung immersion sa akin..."
by PEP Troika
Published Jul 27, 2022
mon confiado
Mon Confiado on immersing himself in a role before starting a project: "Actually, karamihan ng mga projects ko, kung nasusundan niyo naman yung trabaho ko, talagang ganun naman yung… Malaking bagay kasi yung immersion sa akin, na nararamdaman ko, natutulungan yung pagbuo ko ng karakter."
PHOTO/S: Mon Confiado Facebook

JERRY OLEA

Namundok si Mon Confiado at nagpalabuy-laboy ng apat na araw bilang paghahanda sa karakter niya sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi.

“Ahh, yes! Kasi, yun yung ano ko, e… ahhh, kumbaga method ko as an actor,” kuwento ni Mon sa dinner break ng shooting nitong Hulyo 26, 2022, Martes ng gabi, sa isang mansion sa Tagaytay City.

“Ahh, ang setting namin, isolated na bahay, malayo. So, gusto kong ma-feel yung pagka ganung klase dun sa karakter ko.

“So, namundok ako doon sa Norte, sa Baguio. So, mga four days… originally, gusto kong maglakad ng forty [40] days from Manila to Norte.

“Gusto kong malaman kung saan makakarating yun. Pero parang hindi naman makatarungan yun.

“So, nag-four days lang ako sa bundok, sa forest. At dun ako nag-memorize, nag-characterize. Alone!”

Hindi siya nag-cellphone?

“Walang signal, e!” natawang bulalas ng beteranong aktor.

“May cellphone ako pero useless!”

Meron ba siyang previous projects na nag-prepare din siya nang ganoon katindi para sa gagampanang papel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, karamihan ng mga projects ko, kung nasusundan niyo naman yung trabaho ko, talagang ganun naman yung…

“Malaking bagay kasi yung immersion sa akin, na nararamdaman ko, natutulungan yung pagbuo ko ng karakter.

“E, pagkabasa ko kasi ng script, napaka-challenging nung role ko dito. Although kontrabida pero ang balita ko nga, parang… ang daming kinonsider na artista para sa role na ito.

“Correct me if I’m wrong, Direk, parang mga labinlimang artista at nasala,” lahad ni Mon.

Pag-ayon ng direktor na si Shugo Praico, “Yes, very tricky yung casting.”

Dagdag ni Mon, “So, very ano ako… privileged na napasama sa casting ng pelikulang ito.”

Halfway through na ang shooting ng Nanahimik Ang Gabi sa Tagaytay City.

Co-stars dito ni Mon sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo. Prinodyus ito ng Rein Entertainment.

Read: Ian Veneracion plays sugar daddy to Heaven Peralejo in Nanahimik ang Gabi

GORGY RULA

Bumilib si Direk Lino Cayetano, isa sa producers ng Rein Entertainment, sa mga artista niya dahil talagang pinag-aralan nila ang kani-kanyang karakter na gagampanan sa pelikulang ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Ian Veneracion daw, minsan nagugulat sila na parang nag-iiba ang boses at iba na ang lengwahe pag bumitaw ng dialogue. Parang pumasok na sa katauhan niya ang role ng corrupt na pulis.

Si Heaven Peralejo ay hindi na nagpasama sa mommy niya sa set para hindi maapektuhan ang pagka-portray ng isang sugar baby na ginagatasan ang karelasyong sugar daddy.

Read: Lino Cayetano, tiniyak na may "sex and violence" ang pelikula nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo

Ito ngang si Mon Confiado ay bigla na lang daw nawala, at huli na lang nila nalamang umakyat pala ito ng Baguio.

“They’ve really gone, you know, over the top to try to prepare themselves for the character,” bulalas ni direk Lino.

“Lahat kami, nagwu-workshop. Si Mon nawala. Nagpatay ng cellphone, ganyan. Gusto niya kasi namnamin yung role niya bilang isang taong kayang pumatay.

“Para pumasok siya… nawala siya. Pumunta siyang Baguio, mag-isa lang siya. Naglakad siya. Napagkamalan pa siyang totoong palaboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang may alam. Walang camera. Walang video. Ginawa lang niya, kasi gusto niyang magdala ng something very different,” saad ni Direk Lino.

Ang ayus-ayos nila sa set na minsan si Direk Lino pa ang nagtitimpla ng kape sa kanilang lounge. Mahigpit na ipinapatupad ang lahat na health protocols. Lahat, may kani-kanyang mug.

Sa tingin ko, makikita sa pelikula kung gaano kaayos nila ginawa ito, dahil organized silang lahat. May laban ang pelikulang ito, sa totoo lang!

NOEL FERRER

Iba talaga kapag maaksyon ang ginagawang project. I can imagine kung gaano kahirap i-mount ang mga eksena, lalo na yung may physicality.

Kaya good luck sa MMFF 2022 entry nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado.

Pero ano itong balita na yung FPJ’s Ang Probinsyano finale taping ay tuloy pa rin despite sa sinapit na pagkasira ng ibang structures sa Ilocos dahil sa earthquake?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Confiado on immersing himself in a role before starting a project: "Actually, karamihan ng mga projects ko, kung nasusundan niyo naman yung trabaho ko, talagang ganun naman yung… Malaking bagay kasi yung immersion sa akin, na nararamdaman ko, natutulungan yung pagbuo ko ng karakter."
PHOTO/S: Mon Confiado Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results