Watch Now

Vanessa Raval admits allegation about "sikat na pangit na rapper" is "scripted"

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 1, 2022
Vanessa Raval
Vanessa Raval: "Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT. Hindi para sa kita ng fb kaya ko to ginawa. Ako nalang siguro nakaka alam non. Salamat."
PHOTO/S: Vanessa Raval Instagram

Inamin ng social media influencer na si Vanessa Raval na "scripted" lamang ang isyung pinasabog niya tungkol sa isang "sikat na panget na lalaking rapper," na ayaw umano siyang tigilan at panay ang pagtsa-chat at paglalandi sa kanya.

Read: Skusta Clee dares Vanessa Raval to name "sikat na panget na lalaking rapper" in her cryptic posts

Si Vanessa ay anak ng action star na si Jeric Raval at kapatid ng sexy star na si AJ Raval.

Noong July 27, 2022, nagsimulang pag-usapan sa social media ang sunud-sunod na posts ni Vanessa sa aniya'y "sikat na panget na lalaking rapper," na ayaw umano siyang tigilan at panay ang pagtsa-chat at panlalandi sa kanya kahit ito ay may pamilya at anak na.

Hindi man niya ito pinangalanan, nagkaroon ng espekulasyon ang netizens na ang tinutukoy umano nito ay ang singer-rapper na si Skusta Clee.

Agad naman itong pinabulaanan ni Vanessa at sinabing hindi si Skusta ang tinutukoy niya matapos siyang i-call out ng singer-rapper at hamuning i-name drop ang rapper na lumalandi sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NAME DROP

Hindi naman tumigil ang netizens sa pang-uudyok kay Vanessa na pangalanan na ang tinutukoy niyang rapper.

Nito lamang July 30, 2022, sa pamamagitan ng TikTok video, ay pinangalanan na ni Vanessa ang rapper na tinutukoy niyang "lumalandi" sa kanya. Ito ay si Miguelito o mas kilala bilang Haring Manggi.

Sa kanyang TikTok video, sinabi ni Vanessa na hindi siya natatakot kasuhan ni Haring Manggi matapos niya itong isapubliko at paratangan.

Saad niya, "Gusto ko nalang magbigay ng mensahe kay Haring Manggi, ni-drop name na kita, ngayon nag-message kayo sa akin na kakasuhan ninyo ako.

"Kasuhan niyo na ako kung kakasuhan niyo ako kasi hindi ako natatakot sa inyo. May pera naman ako, e, hindi ako natatakot."

Matapos nito ay naglabas ng pahayag si AJ Raval kaugnay ng pagkakadawit niya at ng kanyang pamilya sa isyu ng kapatid na si Vanessa.

Read: AJ Raval distances herself, defends family from sister Vanessa Raval's issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AJ RAVAL STATEMENT

Sa isang Facebook post noong July 31, 2022, sinabi ni AJ na wala silang kailangang ipaliwanag upang pagtakpan at dumepensa sa isyu dahil labas ang kanyang pamilya dito.

Paglilinaw pa ng Viva star, bagamat magkapatid at magkapareho sila ng apelyido ni Vanessa ay hindi sila close.

Humingi rin siya ng tawad sa lahat ng nadamay sa isyung kinasasangkutan ng kanyang kapatid.

AJ and Vanessa Raval

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SCRIPTED?

Pero nitong Linggo, July 31, 2022, biglang kumambiyo si Vanessa at inaming "scripted at naka plano" ang lahat ng kanyang naging pahayag kamakailan.

Saad niya (published as is): "Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT."

Vanessa Raval

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man tiyak kung ano ang dahilan kaya nag-imbento siya ng isyu, sinabi ni Vanessa na hindi niya ito ginawa para sa makukuha niyang kita sa Facebook.

Aniya (published as is), "Hindi para sa kita ng fb kaya ko to ginawa. Ako nalang siguro nakaka alam non. Salamat."

Vanessa Raval

NEW TIKTOK VIDEO

Ngayong Lunes, August 1, muling nag upload ng bagong TikTok video si Vanessa kung saan inamin niyang gawa-gawa lamang niya ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi rin siya ng pagkakataon para itama ang kanyang pagkakamali.

Vanessa Raval

Pahayag niya, "Alam ko na wala akong karapatan magpa-victim dahil minsan na rin akong nangutya ng tao.

"Naging sobrang pangit ng imahe ko, pero aminado naman ako na kasalanan ko yun. May nagawa akong mali.

"Sa mga naniniwala pa rin sa akin, nangangako ako sa inyo na kahit anong mangyari ay hindi na ako gagawa ng gulo, kagaya ng ginawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana huwag ninyong ipagkait sa akin na mag-umpisa ulit. Hihiling ako sa inyo ng isa pang chance, sana pagbigyan niyo pa rin ako.

"Hindi ko na kayo muling bibiguin pa, nangangako ako sa inyo na lahat aayusin ko. Bigyan niyo lang ako ng chance na mahalin kayo at bumawi ako sa lahat ng kasalanan ko."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vanessa Raval: "Scripted lahat! Pinlano gumawa ng kwento. Sumugal lang sa mga taong mahal ko sa buhay. Pero bandang huli talo. PATAWAD SA LAHAT. Hindi para sa kita ng fb kaya ko to ginawa. Ako nalang siguro nakaka alam non. Salamat."
PHOTO/S: Vanessa Raval Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results