Cassy Legaspi on beach getaway with Darren Espanto: “It was just the two of us. It was our first time.”

by KC Cordero Interview by Nikko Tuazon
Sep 3, 2022
Cassy Legaspi in black outfit, Darren Espanto shirtless
Malaki ang tiwala nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kay Darren Espanto kaya pinayagang mag-beach si Cassy Legaspi nang walang chaperone. “My parents super trust D,” pag-amin ni Cassy sa PEP.ph

Kinumpirma ni Cassy Legaspi na nag-travel silang dalawa ni Darren Espanto sa isang beach sa Nasugbu, Batangas kamakailan.

Pagtatapat ni Cassy, wala silang kasamang chaperone.

"Yeah, yeah. It was just the two of us," pag-amin niya sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang Batangas getaway ng dalawa ay naibahagi ni Darren sa Instagram nito noong August 28, 2022.

Darren Espanto's sunglasses with Cassy Legaspi's refelction

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon din ang unang pagkakataon na nag-travel silang dalawa ng Kapamilya singer.

"Yeah, it was our first time,” pag-amin pa ng Kapuso actress.

"Masaya naman siya. We've been wanting to go out of town for so long. 'Tapos finally, our schedules were swak. So, OK, let's go! So we went.”

Cassy Legaspi walking in the sand

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman umano nahirapang magpaalam sa kanyang parents na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang dalaga.

Sambit ni Cassy, "Ah, no. Because my parents super trust D.

"Super trust," pagdidiin pa niya.

"So, nung nagpaalam ako, they said, 'Okay lang. Just be safe. Update lang."

ON DAD ZOREN'S "PAPARRAZI" VIDEO

Natawa naman si Cassy nang tanungin ng PEP.ph tungkol sa "paparazzi" video ni Zoren nang bumibisita sa kanya si Darren.

Matatandaang noong Hulyo ay sorpresang nagpunta si Darren sa bahay ng Legaspi nang kararating niya ng bansa galing sa isang show sa Canada.

Lahad ni Cassy: "Yes! My dad is always like that. When nagbi-visit si D, my dad always do it like that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At nagmuwestra siya kung paano kumuha ng video si Zoren sa kanilang dalawa ni Darren.

"'Tapos minsan nahuli ko siya [Zoren] na, 'Why are you videoing?'

"'Tapos yun, matatawa na lang si D.

"Ako naman yung, 'I'm so sorry.’ E, siya [Darren] naman is, 'It's okay. It's okay.’"

Sinabi rin ni Cassy na maging siya ay nagulat kung bakit parang kinikilig si Zoren sa kanilang dalawa ni Darren.

"I know, I'm surprised. Kasi usually super strict siya. Pero kay D, I guess kasi they know each other. So, super trust niya si D. So, okay naman.”

CASSY AND DARREN'S NEXT TRAVEL GOAL

Binanggit din niya ang next travel goal nila ni Darren.

"Where I want to go... Japan. Japan talaga.

"We were talking about it na for so long. Sana one day, we get to go. Kasi it's my favorite country. Siya, he never went. Di ba, he's always traveling. He never went to Japan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nakarating na si Cassy sa Japan, willing daw siya na maging tour guide ni Darren.

"Ako naman yung, 'Welcome to Shibuya!’ Ako na yung tour guide niya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang tiwala nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kay Darren Espanto kaya pinayagang mag-beach si Cassy Legaspi nang walang chaperone. “My parents super trust D,” pag-amin ni Cassy sa PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results