Jasmine Curtis-Smith not in a rush to settle down; done shooting film with John Lloyd Cruz

by Melba R. Llanera
Sep 4, 2022
Jasmine Curtis-Smith and boyfriend Jeff Ortega
Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith keeps her relationship with Jeff Ortega low-key with showbiz career as her priority.
PHOTO/S: Sany Chua

Ilang taon na rin ang relasyon ni Jasmine Curtis-Smith sa non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.

Kaya hindi maiwasang matanong ang Kapuso actress kung may balak na ba sila ni Jeff na magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

"I think it should never be shied away from, lagi naman yung madadaanan sa usapan lalo na kung seryoso na yung relationship, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As much as we can, siyempre madadaanan yung mga usapan na yun, but nothing too serious yet,” saad ni Jasmine.

Diin niya, “Ayaw naman naming pangunahan ang mga mangyayari, we'll never know what will happen, what might change sa timeline naming, di ba?"

ON MOVIE WITH JOHN LLOYD

Seryoso si Jasmine sa kanyang showbiz career.

Masaya niyang ibinahagi na tapos na ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz, na sinasabing personal na pinili siya bilang co-star.

"Very good, actually. Tapos na kami couple of weeks ago, a month ago. Nasa post [production] na siya, editing na sila.

“And I think they are trying to decide kung saan unang ipapalabas lang ngayon—kung festival [abroad] or dito muna siya [sa Pilipinas],” bungad ni Jasmine.

Kumusta katrabaho ang premyadong aktor?

Sagot ni Jasmine: “Great, super great. And I think with him, what I got was talagang kailangan mo talagang mag-isip for yourself and at the same time maging bukas ka to share yun sa kanya bilang co-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi maraming actors na-i-intimidate, di ba? Siyempre napaka-seasoned actor na niya, but you have to take advantage of that.

“I just made sure that each time I got to talk about the scene or may tanong man ako na di naiintindihan, I can entrust it sa kanya.

“He gives enough time to talk to me about that and that’s what he wants sa co-actor. Bilang seasoned actor, napaka-giving niya sa oras niya para naman makipag-usap.”

Mas nagpokus daw si Jasmine sa matutunan niya kay John Lloyd kaysa magpadala sa kaba.

"Kaba? I think mayroon pa rin nun with everyone and every project laging kabado pero with him especially more kasi he's already done so many projects way more than me, way more seasoned more than than I am.

“But other than that yan ang nag-e-empower sa akin kasi gusto kong makadikit ang mga taong ganun. Gusto kong makatulad sila."

Bago sumabak sa pelikula ay nagkatrabaho sina Jasmine at John Lloyd sa isang episode Happy ToGetHer, ang pinagbibidahang sitcom ng actor na umeere sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho ring nasa ilalim ng Crown Artist Management nina Maja Salvador at Rambo Nunez sina John Lloyd at Jasmine.

Sa anniversary ng Crown noong Marso, una nang nasabi ni John Lloyd na positibo ang impresyon niya sa talento ni Jasmine bilang aktres kaya excited itong magkatrabaho sila.

READ: John Lloyd Cruz confirms upcoming movie project with Jasmine Curtis-Smith

ON SISTER ANNE CURTIS AND NIECE DAHLIA

Balik-trabaho naman ang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis matapos ang dalawa’t kalahating taong maternity leave.

Napapanood na muli si Anne sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Sabi ni Jasmine, "Active na siya uli, I'm very happy for her kasi talagang two, three years siyang waiting to be [working] full time again.

“It's not that easy to leave her baby at home kasi, parang ayaw mong iwanan, kahit tita lang ako.

“I'm very glad to see her back sa trabaho because I know how it likes to be just be home and waiting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din namin si Jasmine kung paano niya ilalarawan ang sarili bilang tiyahin ni Baby Dahlia.

“I can say I'm a very clingy tita. Gusto ko laging nakakasama ang pamangkin ko lalo na ngayon that ate is working.

“As much as possible, pag wala akong work, nakikitulong sa pagdala sa kanya sa school, gymnastics, mga ganung bagay.

“I make sure that I'm present kasi I want to be able to be that family member who’s reliable sa kanya bilang tita niya. I'm a cool tita."

Papuri pa ng aktres, maraming naituro sa kaniya ang kanyang Ate Anne sa pagpapalaki ng anak.

"I mean not just parenting skills kundi pagiging tao, how to be a better human sa kapwa tao, lalo na sa mga kids.

“It's just something new and pati pakikitungo mo sa mga ka-edad mo nagbabago din.

“You become something new and you understand human beings more kapag naiintinidihan mo ang isang bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RECENT VACATION IN AUSTRALIA

Nakaranas ng pamba-bash at nasaktan ng ilang ulit si Jasmine sa body shaming na tinaggap niya noon dahil sa pagbabawas ng kanyang timbang.

Inamin nga ng aktres nung 2017 sa interview sa kanya na nakaranas siya ng depresyon dahil naakusahan siya na may anorexia.

Pero sa Preview Ball 2022, na ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan nung August 31, 2022, kapansin-pansin na gumanda ang pangangatawan ni Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang sikreto ng pagiging blooming ni Jasmine?

Sagot niya, "Siguro yung time ko sa Australia really gave me a lot of joy and a lot of happiness.

“Kasi, di ba, half ako, half-Australian and half-Pinay, ang hirap magsabi where home really is.

“Pero dahil na-touch back ko rin yung roots ko dun sa kabila kong home, siguro mas sumigla ang katawan ko sa pagkain. Hindi siya stressed, wala siyang iniisip, si Mama lang.

“Dun siguro, dun bumalik saka si Mama laging may pagkain, so, like, unavoidable, laging may kinakain."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith keeps her relationship with Jeff Ortega low-key with showbiz career as her priority.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results