Rhian Ramos shows sweet moment with boyfriend Sam Verzosa

by Rachelle Siazon
Sep 13, 2022
Rhian Ramos, Sam Verzosa
Kapuso actress Rhian Ramos looks happy and in love with businessman boyfriend Sam Verzosa.
PHOTO/S: @whianwamos Instagram

Proud na ipinakita ni Rhian Ramos na masaya siya sa piling ng nobyong si Sam Verzosa.

Si Rhian ay kilalang Kapuso actress, habang si Sam ay Frontrow CEO and President.

Noong Lunes, September 12, 2022, nag-post si Rhian ng sweet photo nila ni Sam na kuha sa isang lugar na may magandang outdoor view.

"Happy birthday Booboo, there's no one like you," pagbati ni Rhian kay Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa celebrity friends ng couple ang kinilig, lalo pa't ito ang unang picture nila sa Instagram feed ni Rhian.

Kabilang dito sina Marco Gumabao, Sanya Lopez, Benjamin Alves, Max Collins, Gabbi Garcia, at Phoemela Barranda.

Rhian Ramos and Sam Verzosa

Pati si Miss Intercontinental 2017 first runner-up Katarina Rodriguez, Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, at Miss World Philippines 2019 Michelle Dee ay napakomento ng heart emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unang kinumpirma ni Rhian ang relasyon nila ni Sam sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Thanksgiving Ball noong July 30, 2022.

Ka-date ni Rhian si Sam sa okasyong iyon, at inamin ni Rhian na matagal na rin silang magkasintahan.

Pagkatapos ng event ay nagbahagi si Sam ng couple photos nila ng aktres.

Huling nakarelasyon ni Rhian ay ang Israeli businessman na si Amit Borsok. September 2020 nang isapubliko ni Rhian ang tungkol sa hiwalayan nila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Rhian Ramos looks happy and in love with businessman boyfriend Sam Verzosa.
PHOTO/S: @whianwamos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results