Darren Espanto spotted working at Cassy Legaspi's house; speaks about their beach getaway

by Rachelle Siazon
Sep 15, 2022
Darren Espanto, Cassy Legaspi
Darren Espanto (left) can't help but laugh as his ASAP co-hosts Maymay Entrata and Edward Barber let it slip that his remote studio set-up appears to be the home of his "crush" and "inspiration" Cassy Legaspi (right).
PHOTO/S: iWant ASAP Live / Shaira Luna via @cassy Instagram

Buking na naman ang pagbisita ni Darren Espanto sa bahay ng pamilya ni Cassy Legaspi.

Nakasalang sa iWant ASAP livestream si Darren noong Linggo, September 11, 2022, nang mapansin ng co-hosts niyang wala siya sa sariling bahay.

Pamilyar kasi ang background sa remote studio set-up ni Darren, at walang dudang ang yellow wall na may distinct paintings ay kuha sa bahay nina Cassy.

Si Cassy ay exclusive star ng GMA-7, habang si Darren ay homegrown star ng ABS-CBN.

"Na-miss ko kayo," bungad ni Darren kina Maymay Entrata at Edward Barber.

Hirit ni Edward, "Si Darren kinikilig sa kasama."

Susog ni Maymay, "Hindi mo kami na-miss, Darren. Inspired ka lang sa kasama mo."

Patay-malisya si Darren na hindi kinukumpirma at hindi rin nagde-deny sa nais tumbukin ni Maymay.

"Andami raw natin sinasabi," paiwas na sagot ni Darren.

Panunukso rin ni Edward, kita raw sa shadow sa likod ni Darren na may kasama siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dumadaan lagi sa may ring light ni Darren," napapangiting sabi ni Edward.

Darren Espanto, Maymay Entrata, Edward Barber, and Kobie Brown on iWantASAP

Kahit iba na ang topic nila, nilalaglag pa rin ni Maymay si Darren at sinasabing kung sino man ang kasama nito ay alam nilang "crush" ng Kapamilya singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bandang huli ng show, sabi ulit ni Maymay, "Ano yun, Darren? Parang may naririnig kaming kasama ka diyan? May kasama ka ba?

"Kahit andiyan na siya sa tabi mo di mo pa siya ma-introduce sa amin."

Kahit anong pilit ni Maymay na kahit kamay lang ng kasama niya ang ipakita ay panay ngiti lang ang sagot ni Darren.

Ipinakita na lang niya ang sariling kamay para makaiwas na iharap sa camera si Cassy.

Kumpirmadong nasa bahay nga ni Cassy si Darren dahil sa throwback video ng dalawa na may kuha sa nasabing lugar noong Halloween last year.

Ipinost pa iyon ni Darren noon, at pabirong nagkomento si Cassy na ginawang "studio" ni Darren ang bahay niya.

Darren Espanto and Cassy Legaspi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BATANGAS BEACH GETAWAY

Sa hiwalay na okasyon, naikuwento naman ni Darren ang tungkol sa beach getaway nila ni Cassy sa Batangas kamakailan.

Matagal na raw nilang napag-usapan ni Cassy na magpunta ng beach pero hindi sila makahanap ng schedule na swak sa pareho nilang rest day.

Kaya nang may ma-cancel silang commitment para sa araw na iyon ay nasabi raw nila sa isa't isa na, "Tara!"

Sobrang spontaneous daw dahil the day before their trip lang sila nakapili ng lugar na pupuntahan.

Maulan pa noon kaya kahit sa mismong araw ng kanilang pag-alis, pinag-usapan pa nila kung sa Tagaytay na lang sila kumain.

Pero itinuloy nilang magpunta sa Nasugbu, Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa ni Darren sa panayam ni Darla Sauler sa Kumu, "Tulog lang kami buong biyahe.

"Kasi umalis kami madaling-araw, tapos bumalik kami bago mag 8 p.m...

"Masaya, week day ang rest day namin, so wala masyado tao sa beach."

DARREN ASKED PERMISSION FROM ZOREN

Ibinahagi rin ni Darren na maayos siyang nagpaalam sa ama ni Cassy na si Zoren Legaspi at sa sarili niyang ama na si Don Espanto.

"Alam niyo, yung driver po ni Cassandra ang naghatid...

"Ang nakakatawa dito, si Tito Zoren at ang dad ko, di pala nila sinabi sa momshies namin. Siguro they just forgot na.

"Pero nung ipinost ko na yung pictures ko, tsaka nung ipinost na ni Cassandra yung pictures niya, parehas yung mom namin nagtanong, 'Kailan ito? Kailan ka nag-Batangas?"

Last week ng August 2022 naganap ang beach date nina Cassy at Darren

Sa Preview Ball noong August 31, 2022, naunang nagkuwento si Cassy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dalawa lang sila ni Darren nang mamasyal sila sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na panayam ng PEP Troika, kinumpirma naman ni Carmina na malaki ang tiwala niya kay Darren dahil matagal na itong kaibigan hindi lang ni Cassy kundi pati ng kakambal nitong si Mavy Legaspi.

Maayos daw na nagpupunta sa bahay ng mga Legaspi si Darren kaya hindi na ito iba sa pamilya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto (left) can't help but laugh as his ASAP co-hosts Maymay Entrata and Edward Barber let it slip that his remote studio set-up appears to be the home of his "crush" and "inspiration" Cassy Legaspi (right).
PHOTO/S: iWant ASAP Live / Shaira Luna via @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results