Marjorie Barretto vows to shield daughter Julia Barretto from Dennis Padilla’s rants

by Arniel C. Serato
Sep 19, 2022
Marjorie Barretto message of assurance to daughter Julia Barretto
Here's a portion of Marjorie Barretto's (left photo, right) message to daughter Julia Barretto (left photo, left) after Dennis Padilla (right photo) reacts to Julia's interview with Karen Davila: "I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you."
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto on Instagram / File

Madamdamin ang mensahe ng Instagram post ni Marjorie Barretto kagabi, September 18, 2022, para sa anak na si Julia Barretto.

Paniniguro ito na anuman ang mangyari, ang pagmamahal ni Marjorie kay Julia ay poprotektahan at pangangalagaan siya.

Sabi ng ina sa anak [published as is], “Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you.

“Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child. Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside.

“Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remeber Jul, God is all knowing.”

View this post on Instagram

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto)

Ipinost ni Marjorie ang kanyang mensahe matapos mag-react ang ex-husband nito at ama ni Julia na si Dennis Padilla sa panayam kay Julia ni Karen Davila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa interview, hindi pa handang patawarin ni Julia ang ama na si Dennis na nakailang ulit na niyang nakatampuhan.

Bukod kay Julia, anak din nina Marjorie at Dennis sina Claudia at Leon Barretto, na may tampo rin sa ama.

Read: Julia Barretto on forgiving dad Dennis Padilla: “Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready.”

DENNIS slams julia in DELETED POSTS

Sa isang deleted post ni Dennis, sinabihan nito si Karen na dapat ay interbyuhin rin siya para sa kanyang panig.

Published as is, narito ang caption: “Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kyo… Kanino ba naubos lahat? Sa inyo… Kasi gusto ko maginhawa ang buhay nyo. Kaya Karen davila interview mo ko para klaro ang lahat.”

Dennis slams daughter Julia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Julia… ang alam mo kalahati ng katotohanan ano ba?”

Dennis slams daughter Julia

Isa pa sa nabanggit ni Dennis ang tungkol sa pagnanais noon ni Julia na palitan ang kanyang apelyidong Baldivia—ang totoong apelyido ni Dennis—at gawin itong Barretto, na apelyido ni Marjorie.

Aniya, “Nung pinatatangal nyo apelyido ko… humingi ba kyo ng apology????”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dennis slams daughter Julia

Read: PEP SCOOP. Julia Barretto makes first move to reconcile with dad Dennis Padilla

Binanggit din ni Dennis ang ilang beses niyang paghingi ng apology.

“Ang buong bahay ko… ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia… ano pang revenge ang gusto n’yong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na… humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko… ano pa gusto nyo?…. pati kay gerard humingi ako ng apology… Ano pa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dennis slams daughter Julia

Ang tinutukoy niyang Gerard ay ang boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson.

Samantala, nag-reply na raw si Karen sa text message sa kanya ni Dennis.

Read: Dennis Padilla reaches out to Karen Davila after her interview with his daughter Julia Barretto

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here's a portion of Marjorie Barretto's (left photo, right) message to daughter Julia Barretto (left photo, left) after Dennis Padilla (right photo) reacts to Julia's interview with Karen Davila: "I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you."
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results